Chapter 5: Coincidence

1939 Words
Lumipas din ang mga araw. Bumalik na ako sa dati 'kong buhay. Mabuti na lang at off ko ngayon kaya nagpapahinga muna ako sa bahay. "Anak... Pwede bang mag-grocery ka muna? Masakit ang katawan ko," sabi ni mama. "Ay sige po..." Binigay ni mama ang listahan ng mga bibilhin. Medyo marami ang pinapabili ni mama. Pumunta na kaagad ako sa grocery. Every month talaga pumupunta kami sa grocery. Minsan si mama lang ang bumibili kapag may pasok ako sa trabaho. Habang pumipili ako ng canned goods ay nagulat ako dahil bigla na lang may yumakap sa likod ko at tinakpan ang mga mata ko. "Si-sino 'to?" Kabado 'kong tanong. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa batok ko kaya tumaas ang mga balahibo ko. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "I'm your destiny..." Sabi niya sa seductive na boses. "Sino ka ba? Bitawan mo nga ako!" Inis 'kong sabi. Pinipilit 'kong pumalag pero hindi ako makakilos. Mukhang malakas 'yung lalake na nakakapit sa akin. "Bitawan mo ako! Isa!" Lalo niyang hinigpitan ang kapit niya at ramdam ko ang mainit na hininga niya. "I know how to count... Dalawa..." Bulong niya. "Ano bang trip mo? Bitawan mo ako!" Maya-maya ay niluwagan na niya ang pagkakakapit niya sa akin. Inayos ko ang sarili ko. Nabigla ako dahil paglingon ko doon sa lalake ay nawala siya bigla. Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Nasaan na 'yun? Ano? Ninja ba 'yun?" Napansin ko ang lola na malapit sa akin. Naisip ko na tanungin si lola. "Ehem... Lola nakita niyo po ba 'yung lalake na nagtakip sa mata ko kanina?" Tanong ko. "Ay 'yung boyfriend mo iho? Nasa likod mo lang," sabi ng lola. "Huh? Boyfriend ko po?" Nagtataka 'kong tanong. Boyfriend ko daw? Wala naman akong boyfriend. Tumalikod na lang ako at... "Ako ba ang hinahanap mo?" Seryoso niyang tanong. "Ay pekpek ng manok!" Gulat 'kong sigaw. Nagulat tuloy ako! Tama ninja nga 'yung tumakip sa mga mata ko kanina. Half Japanese kasi siya. Ang gwapo... Ang kinis ng kutis niya. Ang tangkad pa niya. Mas matangkad pa sa akin. Mukha siyang Korean actor. Maputi tapos grabe 'yung muscles niya pumuputok. Yummy yum hahahahah. "Ano ba? Aatakihin ako sa puso dahil sa ginagawa mo. Basta-basta ka na lang sumusulpot!" Inis 'kong sabi. "Ito naman... Minsan na nga lang ako mag-biro," sabi ni Rogue. Seryoso na naman ang mukha ni Rogue. Tama... Minsan nga lang siya magbiro kaya dapat sinakyan ko na lang. "Basta 'wag mo nang uulitin. Magugulatin pa naman ako. Baka atakihin ako sa puso," sabi ko at nginitian ko na siya. "Ok lang... Iingatan ko naman ang puso mo eh..." Sabi niya. Nabigla tuloy ako sa sinabi niya. Pero ibang bigla... 'Yung bigla na may kilig hahahhah. "Aba! Marunong ka ring bumanat ah!" Sabi ko sabay suntok ng mahina sa braso niya. Parang wala lang 'yung mahina 'kong suntok. Ang tigas ng muscle niya sa braso. "Anong ginagawa mo dito sa grocery?" Tanong niya. "Inutusan ako ni mama na bumili ng mga pagkain namin. Ikaw naman, anong ginagawa mo dito?" "Tumitingin talaga ako ng appliances sa katabing store kaso nakita kita so I followed you," sabi niya. "Stalker ka pala hahahhah. Bakit ka naman tumitingin ng mga appliances?" Tanong ko. "Lumipat na kasi ako sa condo malapit lang dito. Hindi pa maayos tapos wala pa akong masyadong mga gamit," seryoso niyang sabi. "Hindi pa maayos sa condo mo? Kung ganun tutulungan na kitang mag-ayos mamaya," nakangiti 'kong sabi. "Ta-talaga? Nakakahiya naman... Wala ka bang trabaho ngayon?" "Day off ko... 'Wag ka na mahiya. Wala naman akong gagawin sa bahay mamaya," sabi ko. "Hmmm... Sige salamat," sabi niya. "Wala ka bang kasama sa condo mo?" Tanong ko. "Wala... Lagi naman akong mag-isa," seryoso niyang sabi. Bakit kaya laging seryoso itong si Rogue? Bagay naman sa kanya lalo siyang gumagwapo. Siya 'yung mysterious type ganun. So type mo naman? Tanong ng isang parte sa utak ko. Ay hindi! Ano ba 'yan? Kung ano-ano na lang ang naiisip ko hahahah. Magpa-check up na kaya ako kay Dennis? Psychiatrist siya eh hahahah. Tinulungan na ako ni Rogue sa pamimili ng groceries. Mabilis tuloy kaming natapos. "Rogue... Ano kaya kung sa bahay ka na lang kumain ng lunch? Samahan mo kami ni mama tapos pupunta na tayo sa condo mo para tulungan kitang mag-ayos," nakangiti 'kong sabi. "Hi-hindi ba nakakahiya?" Tanong niya. "Anong nakakahiya dun?" "Hmmm... Hindi kasi ako sanay makipag-socialize. Hindi naman halata pero introvert ako," sabi niya. Wow ah! Hindi halata na introvert ka? Hahahhah. Lagi ka ngang seryoso eh tapos mas gusto mong mag-isa. Hindi ko mapigilan na mapatawa na lang ng malakas. "Oh anong nakakatawa?" Tanong niya. "Hindi ka nahiya na takpan ang mga mata ko kanina eh ang daming tao dito sa grocery tapos mag-lunch lang sa bahay nahihiya ka," natatawa 'kong sabi. "Iba naman kasi 'yun. Ok lang ba talaga na mag-lunch ako sa bahay niyo?" Tanong niya. "Ano ka ba? Ok lang 'yan! Matutuwa si mama kapag nagdala ako ng kaibigan sa bahay. Bihira lang kasi kami magkaroon ng bisita," sabi ko. "Hmmm... Sige ikaw ang bahala," sabi niya. Tinapos na namin ang pamimili at pumunta na kaming dalawa sa bahay. Medyo mahiyain din pala si Rogue sa ibang tao. "Mama... I'm home!" Sabi ko. "Ay anak sino 'yang kasama mo? Ang gwapo ah! Hindi mo naman sinabi na may boyfriend ka na pala," sabi ni mama. "Mama ano ba? Nakakahiya... Hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko lang po si Rogue," sabi ko. "Hello po..." Sabi ni Rogue. "Nakakaintindi ba 'yan ng tagalog anak? Mukhang foreigner eh..." Sabi ni mama. "Half Japanese lang po ako," sabi ni Rogue. "Ay nakakatuwa naman! Ang gwapo ng kaibigan mo anak," sabi ni mama. Nagluto na si mama ng kare-kare at Afritada... Tumutulong lang ako sa pagluluto ni mama. Nagluto din si mama ng minatamis na saging na may gatas. Favorite ko kasi 'yun at mukhang nagustuhan ni Rogue. Nang matapos kumain ay nagpahinga muna kami saglit sa bahay. "Ang sarap ng luto ni mama mo. Busog na busog ako," sabi ni Rogue. "Ay oo naman! Magaling magluto si mama eh," sabi ko. "Kayong dalawa lang ba ang nandito sa bahay?" Tanong niya. "Ay oo... Single parent kasi si mama. Bata pa ako nung mawala si papa," sabi ko sa kanya. "I'm sorry to hear that," seryoso niyang sabi. "Ano ka ba? Ok lang 'yun. Matagal na 'yun eh," nakangiti 'kong sabi. Tumahimik na lang si Rogue. Tahimik talaga siya minsan. Parang marami siyang sikreto. "Mama pupunta lang po ako sa condo ni Rogue. Tutulungan ko po siyang mag-ayos ng gamit. Kakalipat niya lang po kasi," sabi ko. "Ay sige mag-ingat kayo..." Sabi ni mama. "Thank you po sa lunch..." Sabi ni Rogue. "Ay wala 'yun... Dapat babalik ka dito," sabi ni mama kay Rogue. "Sige po..." Pumunta na kami sa condo ni Rogue. Medyo malapit lang naman pala. Pagpasok ko sa loob ay malawak. Kasing laki ito ng condo ni Kith dati tapos may grand piano rin si Rogue sa loob. Hindi lang maayos ang mga gamit pero maganda sa loob. Nagsimula ko nang ayusin ang sala. Nilatag ko ang gray na carpet sa gitna tapos nilagyan ko ng center table. So Rogue naman ay nag-aayos ng kwarto niya. Malawak sa loob at maaliwalas. Napapagod din akong maglinis at magtulak ng mga cabinet. May mga binili na ring mga gamit at appliances si Rogue na naka-box pa kaya inayos ko. Nang matapos akong maglinis ay pumunta naman ako sa kwarto ni Rogue para silipin siya. Napalunok na lang ako... Shirtless siya. Grabe... Pumuputok 'yung biceps pati, 'yung triceps at 'yung chest niya. 'Yung abs niya 8 tapos parang galit na galit. Busy siya sa pagkakabit ng paintings. Grabe... Hindi ko alam na ang hot pala ni Rogue. "Ahhh... Hmmmm... Rogue tapos na akong mag-ayos ng mga gamit," sabi ko na lang. "Doon ka muna sa sala... Hayaan mo na akong mag-ayos dito," sabi niya. "Hindi... Tulungan na kita diyan," sabi ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya para tulungan siya. Bigla na lang akong natalisod. May nakakalat pala na dumbell. Muntik na akong matumba pero lumapit agad si Rogue at nakapitan ko siya. Nahawakan ko ang shirtless na katawan niya. Grabe... Ang tigas. "Sabi ko naman sa'yo doon ka na lang sa sala eh," sabi niya. "Ahhh... Hmmm... Sige." Bigla akong naglakad ng mabilis papunta sa sala. Alam ko na nag-iinit na ang buo kong mukha. Hindi ko maiwasan na mahiya. Grabe! Nahawakan ko ang katawan niya. Alam niya na may malisya 'yun sa akin kasi bisexual ako kaya lalong nakakahiya. Umupo na lang ako sa sofa. Hinihintay ko na lang na matapos sa pag-aayos si Rogue. Grabe! Nakakahiya ako! Nahawakan ko ang muscles niya. Well, 'di ko naman sinasadya hahahah. ..... Hindi ko na namalayan ang oras. Napadilat na lang ako. Tumingin ako sa paligid at nasa loob ako ng kwarto ni Rogue. Nakahiga ako sa kama niya. Anong nangyari? Ang alam ko naka-idlip lang ako sa sofa kanina. Narinig ko na may tumutugtog ng piano. Lumabas ako sa kwarto at nakita ko si Rogue. Shirtles pa rin siya at tumutugtog siya ng piano. Napansin ko na may malaking tattoo pala siya na scorpion sa likod. Grabe... Ang hot niya. Parang umiinit tuloy kahit may aircon hahahhah. Nabigla ako... Nagsimula nang kumanta si Rogue. Hindi ko inaasahan na kumakanta pala siya. (Play the multimedia above) I won't lie to you I know he's just not right for you And you can tell me if I'm off But I see it on your face When you say that he's the one that you want And you're spending all your time In this wrong situation And anytime you want it to stop... Grabe... Ang lamig ng boses niya. Parang namamaos pero ang sarap pakinggan. Ang ganda ng boses niya. I know I can treat you better than he can And any girl like you deserves a gentleman Tell me why are we wasting time On all your wasted crying When you should be with me instead I know I can treat you better Better than he can... Ang galing din pala kumanta ni Rogue. Ngayon ko lang nalaman na may tinatago pala siya na magandang boses. I'll stop time for you The second you say you'd like me to I just wanna give you the loving that you're missing Baby, just to wake up with you Would be everything I need and this could be so different Tell me what you want to do... Grabe... Kung babae lang ako, siguradong nalaglag na ang t-back ko kanina pa. Kinikilig ako hahahah. 'Cause I know I can treat you better than he can And any girl like you deserves a gentleman Tell me why are we wasting time On all your wasted crying When you should be with me instead I know I can treat you better Better than he can Better than he can... Give me a sign Take my hand, we'll be fine Promise I won't let you down Just know that you don't Have to do this alone Promise I'll never let you down 'Cause I know I can treat you better than he can And any girl like you deserves a gentleman Tell me why are we wasting time On all your wasted crying When you should be with me instead I know I can treat you better Better than he can Better than he can Better than he can... Natapos na siyang kumanta. Pumalakpak na lang ako ng malakas. Napatingin siya sa direksyon ko. "Ka-kanina ka pa ba nakikinig?" Tanong niya. "Oo... Hindi ko alam na ang ganda pala ng boses mo," nakangiti 'kong sabi. Natahimik na lang kami parehas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Hmm... Bakit nga pala nandun ako sa kwarto mo? Sa sofa lang kasi ako natulog," sabi ko. "Pagod na pagod ka kasi... Binuhat na kita para makatulog ka ng maayos sa kwarto," sabi niya. Parang kinilig ako... Ang sweet naman. Binuhat pa niya ako para lang makatulog ng maayos sa kwarto niya. "Pasensya na... Nagising yata kita," sabi niya. "Hala! Kung ganyan kaganda ang boses na gigising sa akin, aba! Ayoko nang matulog," sabi ko. Umiwas siya ng tingin. Nakita ko na parang napangiti siya ng kaunti. Guni-guni ko lang ba o ngumiti talaga siya? Dahil ba sa akin? Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti kahit kailan. Sana makita ko rin ang mga ngiti niya... 000 Kamusta guys? Comment naman kayo diyan. Please also vote for feedbacks. I just wanted to say na once a week po muna ang update nito. Kapag medyo marami na ang reads at magiging every 4 days.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD