Rogue POV
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin 'yung sinabi sa akin ni Peter. I never expect na may past pala silang dalawa ni James.
I think James has a big reason why he left Peter and I can also feel na may nararamdaman pa rin si Peter para kay James.
Magiging sila kaya ulit? Hindi naman ako tanga. Bakit iiyak si Peter nung hinalikan siya ni James kung wala na siyang nararamdaman diba?
Teka... Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? I shouldn't care about their personal issues. Dapat hindi ako nakiki-sawsaw.
Ngayon na kami aalis. Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa Japan or I will take a vacation in Manila. Pwede akong magtrabaho sa branch ng hotel ni dad sa Manila or sa Japan.
Si Kith na ang kumuha ng ticket ko at sa Manila ang flight.
Nakakalungkot... Wala akong maisip na puntahan. Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta.
Naglakad na ako sa lobby ng hotel. Inayos ko na ang sarili ko dahil mamaya na ang flight ko.
"Rogue!"
Lumingon ako at nakita ko si Kith. Napangiti na lang ako.
"Good morning..." Bati ko.
"Good morning din," sabi niya.
"Nasaan 'yung asawa mo? Bakit hindi kayo magkasama?" Tanong ko.
"Tulog pa siya... Babalik din ako kaagad," sabi niya.
Kilala ko 'yan... Hindi sila mapag-hiwalay ng asawa niyang si Raypaul.
"Aalis ka na mamaya diba?" Tanong niya.
"Hmmm... Oo... Bakit nga pala papuntang Manila ang ticket na binigay mo sa akin?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya na parang may ibig sabihin. Hindi ko siya maintindihan.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko.
"Hahahah basta... May itatanong nga pala ako," sabi niya.
"Ano naman 'yun?"
Huminga siya ng malalim at ngumiti siya sa akin. Nagtataka tuloy ako lalo sa ginagawa niya.
"Don't lie to me... May nagugustuhan ka na ba?"
Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Ba-bakit mo naman tinanong?"
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang mga pisngi ko.
"Gusto ko na maging masaya ka rin. Diba nangako ka sa akin noon na maghahanap ka rin ng taong magpapasaya sa'yo?"
Tumango na lang ako sa kanya. Hindi na kasi talaga kami pwede ni Kith.
"Now tell me... Do you have a special someone?" Seryoso niyang tanong.
"Hmmm... Well, there is someone who catch my attention. I don't know if I like him," sabi ko.
"What? Him? Lalake rin ang nagugustuhan mo?" Natatawa niyang sabi.
Tumango na lang ako. Ngumiti na lang din ako.
"So dapat kayo nung someone na nag-catch ng attention mo ang sunod na ikakasal," sabi niya.
"I think it's complicated kung magiging kami," sabi ko.
"Why?"
"I think he likes someone..." Mahina 'kong sabi.
Kumunot ang noo niya. Tinitigan ako ni Kith at tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Why are you looking at me like that?"
"Correct me if I'm not mistaken. 'Yung someone ba na nag-catch ng attention mo ay nandito ngayon sa hotel? Kaibigan din natin?" Tanong niya.
Napalunok na lang ako. Hindi ako nagsisinungaling kay Kith kasi kilala niya ako at malalaman niya.
"Hmmmm... Yeah..."
Ngumiti na siya at halatang nagpipigil siya ng tawa.
"Kilala ko na haahahah... Si Peter? Alam ko rin naman na may past silang dalawa ni James," sabi niya.
Nabigla ako sa sinabi niya. Akala ko kasi ako lang ang pinagsabihan ni Peter ng past nila ni James.
"Huh? Paano mo nalaman?" Nagtataka 'kong tanong.
"Alam mo kasi... Pinsan ng asawa ko si James at walang tinatago sa akin si Raypaul ko. Matagal ko nang alam," tumatawa niyang sabi.
Nakalimutan ko... Oo nga pala pinsan ng asawa niya si James.
"Kung ako sa'yo, pumorma ka na kay Peter. Kahit pinsan ng asawa ko si James, sa'yo pa rin ang boto ko baby brother," nakangiti niyang sabi.
"Hmmm... Hindi ba mahirap kung iisipin? Baka kasi mahal pa niya si James at isa pa... Kilala mo naman ang dad ko," seryoso 'kong sabi.
Hinawakan na lang niya ako sa balikat at ngumiti siya.
"Kapag mahal mo ang isang tao... You will do everything to make him happy. Gusto mo ba na palagi kang dinidiktahan ng dad mo? Gawin mo kung ano ang magpapasaya sa'yo," seryoso niyang sabi.
Napangiti na lang ako. Ang galing talaga nito ni Kith. Ang sarap humingi ng advice sa kanya.
"Hmmm... Paano manligaw?" Nahihiya 'kong tanong.
Ngumiti siya at parang nagpipigil na naman siya ng tawa.
"Alamin mo ang gusto niya at 'yun ang ibigay mo. Just be yourself. 'Wag kang mahihiya sa kanya at gamitin mo ang alas mo..." Sabi niya.
"Huh? Anong alas?" Tanong ko.
"Haranahin mo siya. Alam ko naman na maganda rin ang boses mo. Gwapo ka, mabait, matalino at macho. Walang dahilan para hindi siya ma-inlove sa'yo," nakangiti niyang sabi.
"Thanks..." Sabi ko at napangiti na lang ako.
"Oh paano? Baka magising 'yung asawa ko. Babalik na ako sa room. Basta 'wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko."
Tumango na lang ako. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Bumalik na siya sa room niya.
Ano kaya ang magandang kantahin para kay Peter? Matagal na rin akong may crush sa kanya pero hindi ko pa siya ganun kakilala.
Nag-isip na lang ako. Dapat ba ay simulan ko na ang panliligaw?
Siguro dapat ay kilalanin ko muna ng mabuting-mabuti si Peter. Gusto 'kong masiguro na worth it siyang ipaglaban sa dad ko.
Alam ko na magiging mahirap ang sitwasyon kapag naging kami at kapag nalaman ni dad. Dapat ay ihanda ko na ang sarili ko sa mga possible na mangyayari.
Tama naman si Kith. Hindi ako dapat nagpapadikta sa dad ko. Buong buhay ko ay nakatali lang ako sa mga gusto ni dad. Hindi ko magawa ang mga pansarili 'kong gusto.
Dapat ay maging masaya rin ako. Balang araw ay ikakasal din ako. Hindi ako papayag na wala akong happy ending kagaya nila Kith.
I know that love will take tears and sacrifices. Siguro sa akin, it will take blood, literal na blood. Sana worth it ang lahat.
Peter POV
Naalimpungatan ako at may kumakatok sa room ko.
Bumangon na ako kaagad. Mamayang hapon na pala ang flight ko pauwi sa Philippines. Binuksan ko na lang ang pinto.
"Good morning..." Nakangiti niyang sabi.
Napahinto na lang ako. Anong ginagawa ni James sa harapan ko?
May dala siyang breakfast table at may bacon, egg, hotdog at apple tapos may coffee rin.
"Hmmm... Good morning din," naiilang 'kong sabi.
"Bakit mo naman naisipan na pumunta dito?" Tanong ko.
"Gusto lang kitang dalhan ng breakfast," nakangiti niyang sabi.
Pinapasok ko na lang siya. Pinaupo ko na lang si James sa kama.
"Bakit mo naman ako naisipan na dalhan niyan?" Tanong ko.
"Hmmm... About last night. Pasensya na Peter. I'm deeply sorry for what I did. Lasing lang ako. Sorry talaga hindi ko sinasadya," seryoso niyang sabi.
Ngumiti na lang ako. Minsan talaga sweet din si James.
"It's ok... Naiintindihan ko naman 'yun at hindi mo na dapat ako dinalhan ng breakfast," nakangiti 'kong sabi.
"Salamat... Gusto mo bang sumubo?" Seryoso niyang tanong.
Syete! Anong subo? Hahahah medyo nakaka-berde ng utak hahahah.
"Anong sabi mo?" Pa-inosente 'kong tanong.
"Tinatanong kita kung gusto mo na subuan kita," sabi niya.
"Ay hahahah 'wag na. Kaya ko naman kumain ng mag-isa," sabi ko.
Kumain na lang ako ng breakfast na binigay ni James. Sabi niya siya daw ang nagdala ng breakfast na dapat ibibigay ng crew dito sa hotel.
Mabilis ko nang inubos ang breakfast at naligo na rin ako.
Lumipas ang mga oras at pumunta na kaming magkakaibigan sa airport.
Nag-paiwan ang bagong kasal sa Canada kaya kami na lang ang uuwi sa Manila.
"Guys kamusta? Anong gagawin niyo pag-uwi sa Manila?" Tanong ni Dennis.
"Malamang magtatrabaho na ulit ako," sabi ko.
Tinitigan ako ni Dennis. Medyo nagtataka na ako sa titig niya.
"Kagabi pala... Kayong tatlo na lang nila James ang naiwan. Ano naman ang mga pinag-usapan niyo?" Tanong ni Dennis.
"Hmmm... Wala naman... Some sort of things lang," kabado 'kong sabi.
Tinitigan ako ni Dennis at tumaas ang kilay niya. Yari... Alam niya kapag nagsisinungaling.
"Liar..." Mahina niyang sabi.
Tinitigan ako ni Kagura at ni Vincent. Halatang nagtataka sila. Lumapit ako kay Dennis at binulungan ko siya.
"Dennis, para namang hindi tayo magkaibigan. Kahit ngayon lang. Shut up ka naman," sabi ko.
Tinawanan lang ako ni Dennis at umiling-iling pa siya.
Habang naglalakad kami ay bigla na lang natisod si Dennis pero parang sinadya lang niya.
"Are you ok?" Tanong ni Kagura kay Dennis.
"Ok lang... Ang haba kasi ng buhok kaya natalisod ako," natatawa niyang sabi.
Nagtaka kaming lahat sa sinabi niya. Natatawa lang si Dennis. Lumapit siya sa akin at may binulong siya. Natatawa lang talaga siya.
"Kanina ko pa napapansin. Humahaba na ang buhok mo. Natisod pa ako."
"Huh? Bakit naman?"
"Yung dalawa kanina pa tingin ng tingin sa'yo. Pansin na pansin ko," mahina niyang sabi.
Napakunot na lang ako ng noo. Hindi ko naman napapansin na tinititigan ako ni Rogue at ni James.
Siguro may mga napapansin lang talaga si Dennis na hindi napapansin ng ibang mga tao.
Maya-maya ay sumakay na kami sa airplane. Magkatabi kaming dalawa ni Rogue sa upuan. Nasa may bintana ako at natutuwa ako habang tinitignan ko ang mga ulap.
"Kamusta tulog mo?" Tanong ni Rogue.
"Ok naman... Medyo antok pa nga ako," sabi ko.
Seryoso lang ang mukha ni Rogue. Nagtataka ako kasi kahit nung high school pa lang ako, lagi na siyang seryoso.
Nag-open ako sa kanya kagabi at nakinig lang siya. Hindi siya nagsabi sa akin ng personal issues niya.
"Matulog ka muna..." Sabi niya.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.
"Diba sabi mo antok ka pa? Medyo matagal din ang biyahe pa-Manila kaya matulog ka na lang muna," sabi niya.
Lagi na lang seryoso si Rogue kapag kausap ko siya at kahit kapag kausap siya ng iba naming friends seryoso lang siya.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Ang sarap din matulog dito sa airplane. Siguro inaantok lang talaga ako.
Maya-maya ay naalimpungatan na lang ako. Unti-unti 'kong dinilat ang mga mata ko.
Nabigla ako at nakasandal pala ako sa balikat ni Rogue habang natutulog.
"Ay sorry Rogue..." Sabi ko at inayos ko ang pagkakaupo.
"Ok lang... Ang cute mo nga habang tulog eh."
Inakbayan niya ako at sinandal niya ang mukha ko sa dibdib niya.
"Matulog ka pa... Malayo pa ang biyahe," sabi niya.
Ramdam ko na namumula na ang buo 'kong mukha. Hindi ko alam kung bakit pero kinilig ako sa sinabi ni Rogue.
Hindi ko maiwasan na mapangiti. Kahit seryoso si Rogue... Nakakakilig din siya.