Pumunta kami ni Rogue doon sa table at kaming dalawa na lang ang nagku-kwentuhan.
"Alam niyo yung feeling na na-inlove ka sa isang tao pero tinago mo dahil ayaw mong magkalayo kayo?" Tanong ko kay Rogue.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Ganito kasi yun eh... Simula pagkabata ay isa akong bisexual o 'yung nagkakagusto sa parehong babae o di kaya naman lalake dahil wala akong pinipili sa pagmamahal," sabi ko.
"Ako rin naman... Basta mahal ko, 'yun na 'yun," sabi niya.
"Siguro naging ganito ako kasi nangungulila ako sa pagmamahal ng pamilya dahil ang pinaka-mabait ko lang naman na nanay ang kasama ko sa buhay at napaka-swerte ko talaga dahil tanggap niya ako," sabi ko.
"Buti ka pa tanggap ka ng mama mo," sabi ni Rogue.
Tinitigan ko siya... Nakita ko sa mga mata niya na malungkot siya.
"Hmmm.... Sinubukan kong manligaw sa isang lalake na bumihag sa akin nung senior high dati kasi mukha siyang anghel pero niligawan din siya ng kaibigan ko at nakikita ko na para sila sa isa't-isa kaya ano pa bang magagawa ko kung hindi magparaya na lang," sabi ko.
"Ahhh... Gets ko... Si Kith 'yung niligawan mo," sabi niya.
Ngumiti na lang ako at tumago ako sa kanya. Umiinom lang si Rogue at nakikinig siya.
"Marami akong kaibigan... kwela din naman ako minsan pero meron akong lalakeng nagugustuhan na siyang dahilan kaya minsan hindi ko maiwasang malungkot kapag nakikita ko siya na palaging may kasamang ibang mga babae," sabi ko.
"Ano ba kasi ang nangyari dati sa inyo ni James?" Tanong ni Rogue.
"Lagi pa ring nakatatak sa isip at puso ko 'yung ginawa niya sa akin nung junior highschool pa lang ako," sabi ko.
....
Naglalakad ako sa hallway ng school at nakita ko ang isa sa mga kaibigan ko dito... siya si James. Actually crush ko talaga itong si James at hindi ko lang sinasabi sa kanya. Mabait siya at laging nakangiti kaya laging good vibes kapag kasama ko siya.
Naka-upo siya sa bench at wala ng tao kaya lumapit ako sa kanya. Nag-alala ako ng makita ko siyang umiiyak at naka-yuko siya habang hawak ang boquet ng tulips.
Umupo ako sa tabi niya dahil nag-aalala talaga ako sa kanya.
"James... bakit umiiyak ka?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Iwan mo ako... gusto kong mag-isa." Umiiyak niyang sabi.
"Sige... pero sana lagi mong tandaan na nandito lang ako." Sabi ko sa kanya.
Tumayo na ako at maglalakad sana ako palayo ng bigla niyang hatakin ang kamay ko kaya napahinto ako.
"Peter... mapag-kakatiwalaan ba kita?"
Halatang puno ng hinanakit ang boses ni James kaya lumingon ako.
"Syempre naman... kaibigan kita." Seryoso kong sabi.
Umiiyak siya at umupo na lang ulit ako sa tabi niya dahil alam ko na kailangan niya ng kausap.
"Pinaasa niya ako Peter..." Umiiyak niyang sabi.
"Huh? Kwento mo naman sakin at naguguluhan ako."
"Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Alexa diba? Ginawa ko lahat ng sinabi niya para sagutin niya ako pero wala pa rin..." Humahagulgol niyang sabi.
Si Alexa... siya yung babaeng gustong-gusto ni James at tropa namin 'yun at malakas pala ang tama niya dun.
Kung ako lang ang minahal niya ay hindi ko siya lolokohin.
"Bakit? Ano daw ang dahilan?" Nagtataka 'kong tanong.
"Sabi niya sasagutin niya ako kapag ginawan ko siya ng garden ng roses. Sugat-sugat na nga ang mga kamay ko nun pero sinaktan niya pa rin ako kahit binigay ko na ang gusto niya." Humihikbi niyang sabi.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit dahil naawa ako at nararamdaman ko ang sakit na dinadala niya.
"Peter... nabalitaan ko na sila na pala ng pinsan ko na si Raypaul... niloko nila ako." Umiiyak niyang sabi.
Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya... sila na pala ni Raypaul? Tropa din namin yung pinsan ni James pero paano nangyari yun?
"Sabi ni Alexa si Raypaul daw talaga ang gusto niya eh..." Humahagulgol niyang sabi.
"James... wag ka ng umiyak. Nandito lang ako para sayo." Seryoso kong sabi.
Kumalas siya sa pagkakayakap at tumitig siya sa mga mata ko... puro luha ang nakikita ko sa kanya.
Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang mga pisngi ko at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya.
Hindi ako maka-hinga at nilalapit niya ang mga labi niya sa akin.
Bakit niya ginagawa ito? Mahal ko siya pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya.
Pinikit ko ang mga mata ko at handa na akong mahalikan ng mga labi niya pero bigla na lang niya akong tinulak at umiwas siya ng tingin sa akin.
Bakit hindi niya tinuloy ang halik?
"Sorry Peter... hindi ko sinasadya." Seryoso niyang sabi.
"O...ok lang." Nauutal 'kong sagot.
Umalis siya at iniwan niya akong naka-upo sa bench hanggang sa hindi ko na makita ang anino niya.
Bakit niya ginawa yun? Umasa akong hahalikan niya ako pero hindi pala.
Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mainit na luhang dumadaloy sa mga mata ko.
Akala niya siguro ay siya lang ang nasasaktan pero hindi niya alam na matagal ko na siyang mahal at maswerte siya dahil pwede niyang ligawan ang babaeng gusto niya pero ako, paano ako lalapit sa kanya?
Alam naman ng mga kaibigan ko na bisexual ako pero...
Kung alam niya lang sana kung gaano siya kahalaga sa akin, kung gaano ko siya minamahal. Mukhang wala naman siyang pakealam. Straight siya at alam ko na wala kaming pag-asa. Baka mandiri pa siya sa akin kapag nalaman niyang gusto ko siya.
Nagdaan ang mga araw at nagka-ayos din si James pati ang pinsan niya na si Raypaul.
Nakikita ko na ang mga ngiti ni James pero kilala ko siya dahil iba 'yung mga ngiti niya... alam kong pilit ang mga 'yun dahil kilala ko ang ngiti na bumihag sa akin.
Lagi ko siyang nakikita na may kasamang mga babae. Gwapo si James, singkit ang mga mata niya at maputi siya.
Naging maloko si James simula nung nabroken hearted siya. Wala na siyang sineryoso na relasyon and he is only taking away the innocence of girls at pagkatapos nun iiwan niya din ang mga ito.
Alam ko na dinala niya sa puso niya 'yung sakit ng ginawa sa kanya ni Alexa pero nasasaktan din ako para sa kanya.
Bakit hindi na lang kasi ako?
Mahal ko naman siya. Hindi ko nga siya magagawang saktan pero mukhang ayaw niya sa akin.
Nang pauwi na ako sa bahay ay bigla ko na lang nakita si James sa bench ng park at natutulog siya doon.
Nabigla ako dahil baka may problema na naman siya.
Lumapit ako at nag-aalala ako sa kanya dahil mag-isa lang siya.
"James... wag ka matulog dito, gising ka muna..." Sabi ko habang tinatapik ang braso niya.
Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya at tumitig siya sa akin.
"Peter... ayoko munang umuwi at sesermonan ako nila mama." Umiiyak niyang sabi.
Amoy alak siya at mukhang lasing na lasing talaga si James.
"Sige... doon ka muna sa bahay."
Inalalayan ko si James at dinala ko siya sa bahay dahil malapit lang naman 'yun sa park.
Nadatnan namin si mama at bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. Wala akong tinatago kay mama at alam niya ang lahat ng sikreto ko.
Alam niya din ni mama na mahal ko si James.
"Anak! Jusko anong nangyari diyan sa kaibigan mo?" Nagtatakang tanong mama.
"Broken hearted po siya. Pwede po ba na dito po muna si James please..." Malambing 'kong sabi.
"Sige anak... tatawagan ko na lang ang parents ni James." Sabi ni mama.
Inalalayan ko na si James paakyat doon sa kwarto ko.
Tinanggal ko ang mga sapatos at medyas niya dahil naka-uniform pa siya. Nag-cutting siya kanina para mag-inom. Tinanggal ko din ang polo niya at naka-sando lang siya.
Kumuha din ako ng basang tuwalya para punasan siya. Nakatulog na nang mahimbing si James at tinititigan ko lang siya.
Hindi ko maiwasan na kausapin siya ng tulog kasi alam ko naman na hindi niya ako maririning.
"James... Sorry hindi ko kayang pagaanin ang nararamdaman mo pero sana malaman mo na nandito lang ako para sa'yo."
Nakapikit lang siya at alam ko na mahimbing ang tulog niya.
"Kung ako lang ang minahal mo ay hindi kita lolokohin... Hindi rin kita sasaktan dahil matagal na kitang mahal."
"Talaga?"
Napatayo na lang ako bigla sa upuan nang marinig 'kong sumagot si James. s**t! Hindi ko alam na naririnig pala niya ang sinasabi ko.
Unti-unti niyang dinilat ang mga mata niya. Nakikita ko na nangingilid ang luha sa mga mata niya at lumapit siya sa akin.
Hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko. Biglaan niya akong hinalikan ng mariin sa labi.
Parang huminto ang lahat sa paligid ko at napapikit na lang ako. Ang lambot ng mga labi niya at siya ang first kiss ko. Lasang alak ang laway niya pero hindi ko alam na masarap pala ang mahalikan.
Hinawakan niya ako sa bewang at bigla niya akong ihiniga sa kama.
Kinakabahan ako sa ginagawa niya at bigla na niyang hinubad ang sando niya. Napalunok na lang ako ng makita ko ang maganda at makinis niyang katawan.
"James... a..anong... gagawin mo?" Nauutal 'kong tanong.
"Diba sabi mo mahal mo ako? Hayaan mo na lang ako sa gagawin ko." He said in seductive way.
"Pe...pero... lalake ka."
"Mahal din kita." Seryoso niyang sabi.
Hindi ako makapaniwala... Seryoso ang mukha niya at parang maiiyak ako sa sobrang saya nung marinig ko ang sinabi niya...
Mahal din kita...
Napapikit na lang ako... Hinalikan niya ang leeg ko at unti-unti na niyang hinubad ang lahat ng saplot ko.
Nung gabing iyon ay may nangyari sa aming dalawa ni James at nang imulat ko ang mga mata ko kina-umagahan ay wala na siya sa tabi ko.
Ang sakit ng katawan ko at puro marka na kulay pula. Pinilit 'kong bumaba at nakita ko si mama na naghahanda ng almusal.
"Ma... Nasaan si James?" Nag-aalala 'kong tanong.
"Ay... Umuwi siya kaninang madaling araw at sabi niya 'wag ka na daw gisingin eh." Nakangiting sabi ni mama.
Nagmadali na akong kumain at nagbihis pagkatapos ay pumasok na kaagad ako sa loob ng school para hanapin si James.
Nakita ko si James sa loob ng room at wala pang tao sa loob bukod sa kanya dahil sobrang aga pa.
"James... Bakit iniwan mo ako?" Nagtataka 'kong tanong sa kanya.
"Peter... Sorry sa nagawa ko kagabi." Seryoso niyang sabi.
"Bakit? Hindi mo kailangang mag-sorry. Diba mahal mo ako?" Naguguluhan kong tanong.
"I took your innocence away... I don't like you either."
Para akong sinakluban ng langit sa narinig ko sa kanya. Nakaramdam ako ng maliliit na bubog na tumutusok sa puso ko.
"Mahal kita..." Sabi ko at bigla na lang tumulo ang mga luha ko.
"I can't take to have a relationship with a guy." Seryoso niyang sabi.
Parang nadudurog ang lahat ng nasa paligid ko at sobrang sakit ng pakiramdam ko.
.....
"Simula nung araw na iyon ay itinanim ko na sa utak ko na hinding-hindi talaga ako magugustuhan ni James. Tinanggap ko na hindi niya talaga ako magagawang mahalin," sabi ko.
"Ahhh... Now I know everything," sabi ni Rogue.
"He is my first love, my first heartbreak," sabi ko at namumuo ang luha sa mga mata ko.
"Dahil sa kanya ay naging mas maingat na ako. Palagi na akong dumidistansya sa kanya. I don't want to fall in love with him again. Tinanim ko na sa utak ko na sasaktan lang ako ni James," sabi ko at napatulo na ang mga luha ko.
Lumapit siya at pinunasan niya ang luha ko gamit ang mga daliri niya.
"Don't worry.... I'm here," sabi ni Rogue.
Ramdam ko na namumula ang mukha ko sa sinabi ni Rogue. Kita ko ang sincerity sa mga mata niya.