Chapter 2: Kiss

1374 Words
Peter POV Nasa reception kami ngayon ng kasal nila Kith. Grabe... Talagang nagpagawa pa sila ng passport at visa para makapunta kami dito sa Canada. Mayaman kasi si Kith. May-ari siya ng sikat na casino. Siya rin ang sumagot ng tickets pati accomodation sa hotel. "Guys inom pa!" Sigaw ni Raypaul. Naglabas siya ng maraming wine sa table namin. Tumingin ako sa mga kasama ko at medyo may tama na ang iba. Si Kagura lang ang hindi umiinom kasi buntis. "Vincent... Kailan naman kayo magpapakasal ng kapatid ko?" Tanong ni Kith. Hindi talaga magkapatid si Kith at Kagura pero parang kapatid na talaga ang turingan nila. "Marami pa kasi kaming inaayos. Gusto kasi ni Kagura na enggrande daw ang wedding namin," sabi ni Vincent. "Aba! Siguraduhin mo na pakakasalan mo si Kagura. Yari ka sa amin ni Rogue," natatawang sabi ni Kith. "Oo naman! Dapat pupunta kayong lahat," sabi ni Vincent. "Ano naman ireregalo mo sa kasal namin?" Tanong ni Kagura kay Kith. "Sagot ko na pa-fireworks," nakangiting sabi ni Kith. Uminom na lang ako ng wine. Medyo nahihilo na rin ako. Matapang kasi 'yung wine. Nananapak hahahah. "Peter nakita namin 'yung cover mo sa magazine ah! Ang hot mo dun!" Sabi ni Dennis. "Oo nga! Ang yummy mo dun!" Sabi naman ni James. "Ay ganun ba? Salamat..." Nahihiya 'kong sabi. Ayoko kasi ng masyado akong pinupuri. Alam ko naman na gwapo ako hahahah. Ang yabang ko rin. Si Kith talaga ang dapat na model sa magazine kaya lang pinalit niya ako na model sa casino niya kasi ayaw niya raw ng exposure. "Inom pa kayo!" Sabi ni Raypaul. Nilagyan niya pa kami ng wine. Medyo nahihilo na rin ako. Nagulat kaming lahat at pinuno ni Raypaul ang wine glass ni Kith. "Uy Raypaul ko... Ang dami naman niyan. Bakit pinuno mo ang wine glass?" Tanong ni Kith. "Para malasing ka kaagad lalabs! Tapos mag-honeymoon na tayo mamaya. Rawr!," sabi ni Raypaul sabay lip bite. Natawa na lang kaming lahat. Ang manyak tingnan ni Raypaul hahahah. "Grabe... Mahiya ka naman sa mga kaibigan natin," natatawang sabi ni Kith. "Bakit naman ako mahihiya? Jusme! Hindi na tayo mga bata hahahah," sabi ni Raypaul. Nagulat kami at biglang inubos ni Kith yung wine glass niya na punong-puno. Hindi man lang nasamid si Kith. "Oh dahan-dahan lang lalabs," sabi ni Raypaul. Tinitigan ni Kith si Raypaul at mukhang lasing na si Kith. "Lalabs gusto mo na bang magpahinga? Parang lasing ka na," sabi ni Raypaul. "Ayaw ko pa... Gusto ko pa dito," sabi ni Kith na nagmamaktol at parang bata. "Guys... Kailangan na magpahinga ni lalabs. Lasing na siya eh," sabi ni Raypaul. "Ay sige... Enjoy kayo," sabi ko. Inalalayan na ni Raypaul na tumayo si Kith kasi lasing na talaga siya. "Saan tayo pupunta Ray?" Tanong ni Kith na lasing. "Gagawa na tayo ng baby," natatawang sabi ni Raypaul. Natawa na lang kaming lahat. "Sira talaga 'yung pinsan ko," sabi ni James. Pinsan nga pala ni James si Raypaul. "Guys magpapahinga na rin kami ni Vincent. Baka malasing pa 'to ng sobra," sabi ni Kagura. Umalis na si Kagura at Vincent. Nasa loob lang naman kami ng hotel. Dito rin ang reception. Si Dennis, Rogue, James at ako na lang ang naiwan sa table na umiinom. "Dennis kamusta na nga pala ang buhay mo? May trabaho ka na ba ngayon?" Tanong ko. "Yeah... Psychiatrist na ako," sabi niya. "Hala! Doctor ka na pala. Wala kaming alam. Medyo matagal din kaming walang balita sa'yo," sabi ko. Ngumiti na lang si Dennis. Medyo nagkalayo-layo rin kasi kaming magkakaibigan nung college. "Ikaw naman Rogue... Kamusta ka na?" Tanong ko. "Ok naman... Inaasikaso ko ang business ng dad ko," sabi niya. "Ikaw naman Peter, bukod sa pagiging model ano pa ang pinagkakaabalahan mo?" Tanong ni James. "Nurse na ako sa isang hospital," nakangiti 'kong sabi. "Ikaw naman? May girlfriend ka na ba James?" Tanong ko. "Bakit? Gusto mo ba na mag-girlfriend ako?" Tanong niya sa akin. Natahimik na lang ako. Alam ko na lasing na si James kaya ganyan na siya. "May something sa inyo," sabi ni Dennis. "Huh? Nakow! Wala kaya! Lasing lang si James kaya ganyan siya," kabado 'kong sabi. Tinitigan na lang ako ni Dennis. Medyo may tama na rin siya. Kilala ko naman si Dennis. Hindi niya malalaman kung nagsisinungaling ako kapag lasing siya. "Ikaw Rogue... May nagugustuhan ka na bang iba?" Tanong ko. Uminom muna ng wine si Rogue at tumitig siya sa akin. "Wala pa... Bakit?" Seryoso niyang tanong. "Hmm... Wala naman," sabi ko. Lumapit sa akin si Rogue at nilapit niya ang mukha niya. May tama na rin siguro siya. "Bakit? Gusto mo ba na ligawan kita?" Tanong niya. Nabigla ako... Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko. Buti na lang at hindi halata kasi uminom ako. "Wa-wala naman akong sinabi na gusto ko ah..." Nahihiya 'kong sabi. Lalo akong nahiya kasi tinawanan lang ako ni Rogue. Gwapo rin kasi si Rogue. "Hahahahah you're so cute," sabi ni Rogue. Napatingin ako kay James at nabigla ako dahil masama ang titig niya kay Rogue. "Guys doon muna ako sa cr..." Seryosong sabi ni James. Umalis na si James at tinititigan naman siya ni Dennis. "Bakit feeling ko parang bad trip yata si James?" Tanong ni Dennis. "Hmmm... Ewan ko," sabi ko na lang. "Sige... Magpapahinga na rin ako," sabi ni Dennis. Tumayo na siya at umalis na rin si Dennis. "Iinom ka pa ba Rogue?" Tanong ko. "Depende kung aalis ka na," sabi niya. "Pupunta muna ako sa cr para maghilamos," sabi ko. "Ok... I will wait for you," seryoso niyang sabi. Ganyan talaga si Rogue. Lagi siyang seryoso tignan. Naglakad na ako papunta sa cr. parang naririnig ko na may maingay at nagdadabog doon sa loob. Pumasok ako at nagulat ako sa nakita ko sa loob. Sinusuntok ni James 'yung pintuan sa cubicle at parang galit na galit siya. "James..." Tumingin siya sa akin at halatang nagulat siya. Huminto na siya sa pagsuntok sa pintuan ng cubicle. Nagulat ako dahil umiiyak si James kaya nag-alala ako. "Ok ka lang ba? Anong problema?" Nag-aalala 'kong tanong. Nagulat ako at bigla na lang akong kwinelyuhan ni James. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw niya. Lalo akong naguluhan. Wala naman akong ginagawa sa kanya. "Huh? Bakit ako? Anong ginawa 'kong mali sa'yo?" Tanong ko. "Sabihin mo... Mahal mo pa rin ba ako?" Tanong niya at humagulgol na siya ng iyak. Hindi ako makapagsalita. Oo minahal ko siya dati pero matagal na 'yun eh. Marami nang nagbago. Parang umatras yata ang dila ko. Hindi ako makapag-salita. "La-lasing ka lang James." Kabado 'kong sabi. "Sabihin mo na mahal mo pa rin ako!" Sigaw niya. Naramdaman ko na lang na namumuo na ang luha sa mga mata ko. Umiiyak lang si James... Bakit? Bakit kailangan mong gawin 'to James? Nahihirapan ako... Ayokong magkamali sa isasagot ko. Nabigla ako at nilapit ni James ang mukha niya sa akin. Unti-unti niyang nilapit ang mga labi niya sa mga labi ko. Napapikit na lang ako. Ngayon ko na lang naramdaman ulit ang halik niya. Sa sandiling 'yun ay bigla 'kong naalala ang lahat ng nangyari dati. Napatulo na lang ang mga luha ko. Hindi tama ito! Tinulak ko si James at halatang nagulat siya sa ginawa ko. "Ayaw mo ba nung halik ko? Ayaw mo na ba sa akin Peter?" Tanong niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko. Naramdaman ko na kang ang pagpatak ng mga luha ko. Ayoko nang masaktan ulit. Ayoko nang maulit pa 'yung ginawa niya sa akin dati. "Si-siguro magpahinga na tayo. Lasing ka na... Pagod na ako," malamig 'kong sabi. Umiyak lang si James. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko. Lumabas na ako ng cr. at iniwan ko si James sa loob. Nagulat ako dahil paglabas ko ay nandun si Rogue. Nakasandal lang siya sa pader. "Ka-kanina ka pa diyan?" Kabado 'kong tanong. "Yup! I accidentally heard everything. Ang tagal mo kasi kaya sinundan kita," seryoso niyang sabi. Lalo akong kinabahan. Walang nakaka-alam na iba ng tungkol sa amin ni James kahit na sinong kaibigan namin. "Can you please keep it as a secret?" Kabado 'kong tanong. "I will..." Sabi niya. Parang nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi ni Rogue. "But I have a condition," sabi niya. "Ano naman 'yun?" Tanong ko. "You should tell me everything. I want to know why he is acting like that," sabi niya. "No! I can't! Tapos na 'yun eh. Matagal na 'yun!" Sabi ko. "Ok... Tapos na pala bakit parang hindi ka pa rin nakaka-move on? Siguro may hard feelings ka," seryosong sabi ni Rogue. Natahimik na lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. "If you don't want to say anything, si James na lang ang tatanungin ko," sabi niya. Lalo akong kinabahan... "Oo na! Sige na! Ikukwento ko na lahat ng gusto mong malaman!" Sabi ko. Tinitigan lang ako ni Rogue. Medyo ilang ako na magkwento kasi hindi naman kami ganun ka-close.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD