Chapter 1: Wedding

1685 Words
Rogue POV It is such a nice day. Nandito ako ngayon sa loob ng hotel. Inayos ko na ang sarili ko. Nagsuot na ako ng black na coat. Tumingin ako sa salamin. I look nice. Maayos na ang hitsura ko. It's been a long time since I saw my friends. I really miss them. May kanya-kanya naman kaming buhay kaya miss ko na rin sila. Lumabas na ako sa room ko. Habang naglalakad sa hallway ay may tumawag sa akin. "Rogue kun!" Lumingon ako at nakita ko si Kagura pati ang finace niya na si Vincent. "Oh hi! Long time no see..." Nakangiti 'kong sabi. Ngumiti na lang si Kagura at Vincent. Nakasuot ng red na gown si Kagura. Malaki na ang tiyan niya. Buntis kasi... "Ang laki na ng tiyan mo ah! Dapat ninong ako sa baby niyo," nakangiti 'kong sabi. "Oo naman Rogue! Syempre isa ka sa mga ninong ni baby..." Sabi ni Vincent. "Kagura... Ang sexy mo pa rin kahit malaki na tiyan mo," sabi ko. "Lagi naman akong sexy," natatawa niyang sabi. Pinsan ko si Kagura. Medyo boyish siya. Hindi ko tuloy inakala na magpapabuntis pala siya hahahahah. "Baby boy ba o girl?" Tanong ko. "Secret!" Sabay nilang sabi at tumawa na sila. "Secret pa kayong nalalaman! Punta na nga tayo sa venue," natatawa 'kong sabi. Naglakad na kami papunta sa simbahan. Nasa Canada kami ngayon. Pagdating namin sa simbahan ay nakita ko na ang mga friends ko. Ang ganda sa loob. Punong-puno ng white roses. Burgundy and white ang motif ng kasal nila. Napangiti na lang ako nang makita ko si Dennis, James at Peter. "Nandito na pala kayo. Namiss ko kayong lahat," sabi ko. "Namiss ka rin namin," sabi ni Peter. "Anong namin? Ang sabihin mo, kayo na ni Rogue ang susunod na ikakasal," sabi ni Dennis kay Peter. Umiwas na lang ng tingin si Peter sa akin at halatang nahiya siya. "Kahit kelan talaga Dennis! Itikom ko 'yang bibig mo!" Inis na sabi ni Peter. Tinawanan na lang kami ng mga kaibigan namin. "By the way... Peter, you look so handsome in your outfit," sabi ko. "Hmmm... Thanks..." Nahihiya niyang sabi. "Ayyyyiiiieeee hahahahhah!" Sigaw ni Dennis at Vincent. "Paki-invite na lang kami kung kailan kayo ikakasal..." Sabi ni Kagura. Lalo kaming tinawanan ng mga kaibigan namin. Bisexual kasi si Peter at ako rin naman minsan na ring nagkagusto sa lalake kaya talagang inaasar kaming dalawa. Lumapit sa akin si Kagura at binulungan niya ako sa tenga. "Rogue... Hindi ka na lugi kay Peter. Gwapo siya... Baka mamaya kapag nagkalasingan kayo mamaya... Alam na," sabi ni Kagura sabay tawa. "Sira ka talaga hahahah. 'Wag kang mag-isip ng ganyan baka mamaya lumaking ganyan ang bata diyan sa tiyan mo," natatawa 'kong sabi. "Ay oo nga pala..." Sabi niya. "Guys!" Lumingon kami at nakita namin si Raypaul. Ang gwapo niya rin sa suot niya. Burgundy ang suot niya at bagay sa red hair niya. "Naks! Nandiyan na ang groom!" Sabi ni James. Si Raypaul kasi ang ikakasal. Kaya ako nandito kasi kaibigan ko siya at sobrang close ko rin ang partner niya. "Oh kamusta na pre? Nasaan na 'yung partner mo?" Tanong ni Vincent. "Mamaya nandito na 'yun. Excited na nga ako eh!" Sabi ni Raypaul. "Excited ikasal o excited sa honeymoon?" Natatawang tanong ni Dennis. "Syempre both!" Sabi ni Raypaul sabay tawa ng malakas. Maya-maya ay tumingin si Raypaul kay James at ngumiti siya. "Ikaw naman insan? Kailan ka ikakasal kay..." Hindi pa tapos magsalita si Raypaul pero tinakpan ni James ang bibig niya. "Wag kang maingay!" Inis na sabi ni James. "Uy ano 'yan James? Meron kang hindi sinasabi ah... May special someone ka na ba?" Tanong ni Kagura. "Wala..." Tipid niyang sagot. "Weh? Hahahahah iba kasi ang nababasa ko sa'yo. Sinungaling!" Sabi ni Dennis. Napatahimik si James. Alam kasi ni Dennis kapag hindi nagsasabi ng totoo ang isang tao. "Guys... Nandiyan na 'yung isa pang groom." Sabi ni Peter. Tama... Isa pang groom. Gay wedding kasi ang wedding ngayon. Tumingin kami sa pinto ng simbahan. Huminto na ang puting kotse. Bumaba na siya sa kotse. Bumibilis ang t***k ng puso ko. Nakita naming lahat si Kith. All white ang suot niya at may gold na linings. Lalo siyang nagmukhang anghel sa suot niya. Tumugtog na ang piano habang naglalakad si Kith. "Grabe, ang gwapo niya..." Sabi ni Peter. "Oo nga... Lalo siyang nagmukhang angel," nakangiti 'kong sabi. Nagsimula na ang kasal nila Kith at Raypaul. Hindi ko maiwasan na masaktan. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot. Si Kith... Siya 'yung unang tao na minahal ko. Lalake siya pero minahal ko siya ng totoo. Masakit... Sobrang sakit para sa akin na makita siyang masaya sa iba. Dapat kami ang ikakasal. 'Yun kasi ang pangarap ko noon. Pero imposible na maging kami. Imposible na mahalin niya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Namumuo na ang luha sa mga mata ko habang sinisimulan ang kasal nila. Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko. "Ok lang 'yan Rogue... Alam ko na nasasaktan ka," sabi ni Peter. Ngumiti na lang ako. Nagkagusto rin kasi dati si Peter kay Kith. "Ok lang... Oo medyo masakit sa akin. Makita ko lang na nakangiti si Kith, masaya na rin ako. Masaya ako na makita siyang ikakasal sa taong mahal niya. Masaya na ako para sa kanya." Sabi ko. Ngumiti na lang si Peter sa akin. Tinuon ko ang atensyon ko sa kasal. Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga nangyari dati... ..... Kailangan 'kong aminin sa daddy ko na may nagugustuhan na akong lalake. Close naman kami ng daddy ko kaya umaasa ako na maiintindihan ko siya. "Dad... I have someone that I like so much," sabi ko. "Oh really my son?" Nakangiti niyang tanong. Tumango na lang ako at ngumiti ako. Medyo kinakabahan pa ako. Syempre sino ba naman ang hindi kakabahan. My dad is Yakuza. Malupit si dad pero love niya naman ako. "I like Kith," mahina 'kong sabi. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni dad. Kinabahan ako... Seryosong-seryoso ang mukha ni dad at tumalim ang tingin niya sa akin. Nagulat ako at bigla na lang akong sinapak ni dad. "I don't like a gay child! You are born to be a man! You are my heir!" Sinikmuraan kaagad ako ni papa. Ang sakit ng ginawa niya. Napahiga na lang ako sa sahig. "Fix yourself Rogue!" Namimilipit ako sa sakit. Umalis si dad na nakahiga lang ako sa sahig. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Ang sakit... Close na close kami ni dad. Akala ko ay maiintindihan niya ako. Akala ko ay tatanggapin niya ako. Naging close kami simula nung mamatay si mama. Half Japanese ako. Filipino si mama but she's dead. Kung nandito si mama ay alam 'kong maiintindihan niya ako. Wala na akong kakampi. Wala na si mama. Sobrang sakit... Wala na ang tiwala sa akin ni dad. Lumipas ang mga araw at nagkukulong lang ako sa kwarto. Nagbago si papa... Dati ay mabait siya sa akin pero ngayon, nagbago na siya. Lumalayo siya sa akin. Malayo na ang loob niya sa akin. Hindi na kami close ni papa. Nabigla ako dahil may bumukas sa pinto ko. Nagulat ako dahil tumambad sa akin ang mukha ni Kith. Umiiyak siya... Nagulat ako at bigla na lang niya akong sinapak... "Para saan 'yun?" Tanong ko. "Bakit Rogue? Bakit mo sinabi sa papa mo na mahal mo ako? Are family is so strict and conservative! We both belong in Yakuza! Oo bakla ako Rogue! Oo may gusto rin ako sa'yo pero mali 'to!" Umiiyak niyang sigaw. "But I love you..." Mahina 'kong sabi. "It doesn't matter! Makakahanap ka pa ng mas better kaysa sa akin! Gusto mo ba na magkamatayan ang pamilya nating dalawa dahil sa pagmamahal na 'yan ha?" Napatitig na lang ako sa kanya. Ang sakit... Kahit anong gawin namin, hindi kami pwede. Malupit ang pamilya naming dalawa. "Ayokong malayo sa'yo Rogue. Please... Forget your feelings for me. Hindi ko kayang mapahamak ka," humahagulgol niyang sabi. Napayuko na lang ako habang umiiyak. I can't do that. I can't forget him. Paano ko 'yun gagawin? Mahal ko siya... Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Kith. "Rogue... Ayokong mawala ka sa akin. Pwede naman tayo maging magkaibigan diba? Pwede pa rin naman na magmahalan tayo pero hindi bilang mag-boyfriend," umiiyak niyang sabi. "It's so hard for us! I wanted to show my love for you!" Umiiyak 'kong sigaw. Hinawakan niya ang mga pisngi ko. Hinarap niya ang mukha ko sa kanya. Ang ganda talaga ng mga mata niya kahit punong-puno ng mga luha. "Then I will treat you as my baby brother. Magiging sweet ako sa'yo. I will show my love for you pero hanggang doon lang ang pwede. Gusto ko na humanap ka ng taong pwede para sa'yo. Ganun din ang gagawin ko. Pero kahit na ano ang mangyari, I will always here for you. Walang kahit na sino ang makakasira sa bond natin," sabi niya habang umiiyak. Tumango na lang ako sa kanya at pinilit 'kong ngumiti. Starting that day, we become so close. We treated each other as special. Wala nga lang kaming label kung hindi ang mag-bestfriend na kapatid ang turingan. ..... "You may now kiss each other" Unti-unting naglapit ang mga labi ni Raypaul at Kith sa isa't-isa. Nagpalakpakan na lang kaming lahat. Ngumiti na lang ako at pinunasan ko ang mga namumuong luha sa mga mata ko. "Oh Rogue! Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Kagura. "Wala... Masaya lang ako para kay Kith," sabi ko at ngumiti ako. "Oo nga... Finally, settled na rin sila ni Raypaul," sabi naman ni Peter. "Grabe tingnan niyo 'yung halikan nung bagong kasal," sabi ni James. Napatingin kami at natawa kaming lahat kila Raypaul. Parang hayok na hayok humalik si Raypaul. "Uy Ray... Tama na... Grabe ka humalik," natatawang sabi ni Kith. "Ayaw.... Wedding nating kaya dapat laplapan," sabi ni Raypaul. Natawa na lang kaming lahat at nilaplap nga ni Raypaul si Kith. Ang sarap nilang tignan. Sana magkaroon din ako ng taong magmamahal sa akin ng totoo. Sana dumating 'yung araw na haharap din ako sa altar kasama ng taong mamahalin ako ng totoo. "Rogue..." Sabi ni Peter. "Ano 'yun?" "Ang sarap nilang tignan. Sana magkaroon din ako ng taong magmamahal sa akin ng totoo. Sana dumating 'yung araw na haharap din ako sa altar kasama ng taong mamahalin ako ng totoo," sabi ni Peter. Nanlaki ang mga mata ko. Nagulat ako sa sinabi ni Peter. "Bakit Rogue? May nasabi ba akong ayaw mo?" Nagtataka niyang tanong. "No... You said exactly what I was thinking," seryoso 'kong sabi. "Ta-talaga?" 'Di makapaniwala niyang tanong. Tumango na lang ako at ngumiti. Umiwas ng tingin si Peter. Kitang-kita ko ang pamumula sa mga pisngi niya. Lalo akong napangiti.... Siya na ba? Siya na ba 'yung taong para sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD