Love Beyond Measure( Jenny & Nimer story)
Simula sa malayo nakatanaw ako sa kanya lagi. I need to stay away from them. Sikat silang magkakaibigan mahirap ng lumapit baka mapahiya ka lang. Simula High School mahal ko na siya, school mates kami since high school. Naging kami noon pero saglit lang na panahon yun para sa kanya fling lang naman yon at hindi ko nga alam if kilala pa niya ako. Sino ba naman ako diba. Marami siyang iba't- ibang girl friend mga mayayaman na kagaya niya. Alam naman natin na wala tayong panama sa mga ganyan. Naging kami ng dahil sa dare lang and take note for only one month. Kaya I promise to myself that I need to graduate first before anything else. Para naman my maipagmalaki ako some day. Ang gwapo nilang magkakaibigan, nasa kanila na lahat . Kilig to the bones na naman kami nito ng mga kaibigan ko. Nabalitaan ko na girlfriend niya ang isang Tourism student, usap-usapan mismo ng mga studyante na nakita sila sa isang hotel. Sabi- sabi na daks daw siya, halos maglaway na ang mga estudyanteng kababaihan sa tuwing maririnig lang nila ang mga pangalan nilang magkakaibigan.
Isang araw nag aya ang mga kaibigan ko na mag bar kami dahil katatapos ng exam. Nagpunta kami sa isang bar sa Makati na sikat at hindi ka basta basta makakapasok dito. Mga malalakas at mayayaman lang ang nagpupunta dito, dahil malakas ang mga kaibigan ko naka pasok kami ng walang problema. Naglasing kami, nagkwentuhan, sumayaw sa stage like we are in another world hanggang sa na block out ako at hindi ko alam kung anong nangyare. Nalaman ko na lang kinaumagahan ang kagagahang nagawa ko. "Nagising akong katabi ko si Nimer, bigla kong natutop ang aking bibig. Sisigaw sana ako pero napigil ko ang aking sarili at baka magising siya. Shit....shit...shit...'anong nangyare sa isip-isip ko, wala akong maalala talaga. Tumingin ako sa kanya at tinitigan, gusto kong hawakan ang kanyang mukha pero natatakot ako at baka magising. Habang nag iisip, bigla kong hinawi ang kumot doon ko narealize na may nangyare nga talaga samin. Napaiyak na lang ako sa frustration sa sarili ko, hindi na talaga ako iinom pa. Ang daming katanungan sa sarili ko na hindi ko alam kung masasagot ko ba ng maayos. Paano na kaya ako, matatanggap niya kaya ang nangyare na to sa amin or wala lang sa kanya ? Alam mo namang kahit kailan hindi siya nagseryoso hindi ba sagot ng isang bahagi ng isip ko. Napakaraming what if sa akin.
Ito'y kwento ng nagmahal pero nasaktan lang,very deep affection to someone who doesn't love you back. Who will do everything and give everything? But in the end, talo ka pa rin...He will not appreciate everything you do to him, for him you are nothing. Tunghayan natin ang kwento ni Jenny at Nimer, maiiyak ka talaga dito, this is a story you shouldn't miss. Heavy drama, to those who love reading ng mga iyakan means this is for you.