Hinatid niya ako sa mismong mesa na nakalaan para sa amin ni Nimer. Nasa loob ng VIP section ang pinili niya. Nahiya ako lalo sa hitsura ko. Kahit kelan talaga ang hilig mamahiya ng lalaking to. Kelangan ba talaga sa pinaka mahal pang pwesto sa hitsura kong to nagmumukha na akong yaya niya lalo na't kagagaling ko ng trabaho expect mo talagang ngarag ka na pagkatapos ng trabaho. Habang papalapit sa kanya, pinagmamasdan ko ang kanyang hitsura na nakaupo at may kinakalikot sa kanyang cellphone ng biglang nag angat ng mukha at napatingin sa akin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya nag init ang aking mga pisngi alam kong namumula na sa pagkahuli sa akin. "We are here ma'am enjoy your stay and If you need anything just call us po," sabi ng waitress na naghatid sa akin " Ok, thank you

