Hindi na kami pinabalik sa aming trabaho dahil utos daw ng magkakaibigan. Mag protesta pa sana ako dahil baka wala akong masahod pero inunahan na ako ng aming manager. "You will get your salary as what we agreed upon,"sabi ng manager kaya tuwang tuwa kaming dalawa ni Glorina. "So, what now? Are we gonna wait for them? tanong ko sa kanilang dalawa. "We have too. Ang sama naman natin na iwan na lang sila pagkatapos ng mga ginawa nila sa atin,"sagot naman ni Jay jey. "Ohhh! nagsalita ang inlove diyan, gusto mo lang naman atang masolo siya eh!, pang okray naman ni Glorina. Lakas talaga mang inis ng babaeng to. "Aba at nagsalita ang mahinhin diyan. If I know kulang na lang maglupasay sa kilig na halos mangamatis na nga ang mukha. Samantalang kinakausap lang naman siya," bwelta naman niya.

