Bumaba si Jayjey at nagmano kay Manang Salve. Nilagay ko naman sa compartment niya mga dala ko na gagamitin namin sa pag sleep over. "Kaawaan ka ng Diyos anak. Mag ingat kayo sa mga lakad niyo, baka hindi ka pa kumakain. Kumain na lang kaya muna kayo bago lumarga. Inaayo ko tong kaibigan mo sabi niya nag mamadali daw kayo, nako! at hindi pa nakakain yan gang kaninang umaga," sumbong ni Manang Salve kay Jayjey. Ngumingiti ngiti lang ang impakta kong kaibigan na tumitingin kay sa amin ni Manang Salve. "Huwag po kayong mag alala Manang at busog po yan nabusog po ng malaking hotdog, sabi ng gaga kong kaibigan na ikina samid ko ng laway. Ibubuking pa yata ako ng bruhang to. "Anong hotdog yon anak? Yong jumbo hotdog ba, ilang ganon ba ang nakain mo at nabusog ka. Hindi naman nakakabusog yon k

