19

1979 Words
Matapos kong makuha ang order kong kape ay napag desisyonan ko munang mag lakad-lakad sa tabing dagat upang matunaw ang aking kinain kanina mula sa isang buffet restaurant na dinaanan namin papunta rito sa Kanagawa. Kararating lang namin dito sa hotel isang oras palang ang nakakalipas at medyo nakakapanibago ang paraan ng pag salubong nila sa'min ngayon dahil noong una ay normal lang naman ang pakikitungo nila sa'min ni Tokyo pero ngayon ay may pa red carpet na. Maging si Krista na noon ay sinusungitan ako ay napaka hospitable na ngayon sa'kin subalit hindi pa rin nawawala ang panaka-naka niyang sulyap kay Tokyo. “Tokyo.” “Yes Baby ko?” Abala si Tokyo sa tapat ng kaniyang laptop kung kaya't hindi niya ako magawang lingunin. Mukhang napaka importante ng kaniyang ginagawa ngayon sapagkat ang seryoso ng kaniyang mukha. “Magpapaalam lang sana akong pupunta ng tabing dagat.” “Huh? Bakit?” Kaagad siyang nag angat ng tingin ng malamang lalabas ako ng hotel kung kaya’t sinabi ko ang rason kung bakit ako lalabas. Nakita kong isinara niya ang kaniyang laptop at binitbit ito sabay kuha ng aking kamay. “Teka, saan ka pupunta?” “Diba sabi mo mag lalakad-lakad ka? Sasamahan na kita.” “Huwag na. Dito ka nalang. Marami ka sigurong ginagawa.” “Pero mag isa ka lang. Baka mapano ka pa sa labas.” “Okay lang ako Tokyo. Hindi naman ako lalayo. Mga 20 minutes lang tapos babalik na kaagad ako.” “Sure?” “Sure. Kaya mag trabaho ka lang diyan.” “Okay. 20 minutes then. Hindi na ako mag pupumilit pero tawagan mo ako kaagad kapag kailangan mo ako.” “Kapag kailangan lang talaga? Hindi ba pwedeng gusto kitang kumustahin kung buhay ka pa?” Bahagya siyang natawa sa aking sinabi saka niya hinaplos ang aking mukha at pinakatitigan. Unang nadako ang kaniyang mga mata sa aking labi, pangalawa sa ilong, hanggang sa bumalik siya sa aking mga labi bago nagkatagpo ang aming mga mata. Muli ay parang na ma-magnet na naman ako na yung tipong kahit anong iutos niya sa’kin ay gagawin ko. Idagdag pang ngumiti siya kaya naman halos lamunin na ng paru-paro ang aking tiyan. “Baby.” “B-bakit?” “Hmm.. Nevermind. Go have fun outside. 20 minutes, okay? Kapag lumampas ka malalagot ka sa'kin.” “Ganoon? Ano ako bata?” “Hindi. Gagawa lang tayo ng bata kapag lumampas ka ng 20 minutes.” “Sira!” Pinagtawanan niya ako kaya naman pinalo ko siya sa kaniyang braso bago ako lumabas at nag tungo sa tabing dagat. Nang makarating ako ay kaagad kong ininom ang aking kape ngunit hindi pa man ako nag tatagal sa aking pwesto ay may gumulat sa'king baritonong boses. “Sorry, I didn't mean to scare you.” Nilingon ko ang pinagmulan ng boses at natagpuan ang isang lalaking may hawak din ng kape. Siguro kasing tangkad niya si Tokyo o matangkad ito ng konti. Mukhang alaga rin sa gym ang katawan niya sapagkat pumuputok ang biceps sa suot nitong T-shirt. Medyo may stubbles siya at kung sa tangos lang ng ilong, aba, siya na. Siya na talaga ang matangos ang ilong. Naalala ko tuloy si Mamang Beauty, mga ganito ang tipo niyang lalaki. Yung mga Zayn Malik ang datingan. “Beautiful, isn't it? I'm Gale.” Inilahad niya ang kaniyang kamay para makipagkilala ngunit nag alangan ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Kalaunan ay napag desisyonan kung huwag tanggapin ito kahit mukhang hindi kanais-nais ang aking ginawa. “I'm sorry. Someone might get..” “Haha! Let me guess. You have a boyfriend?” “Uhm. Y-yes.” “No worries. I understand. But you don't mind if I accompany you now, right? I mean, it's already dark. I cannot let a beautiful lady stays here alone.” “Thank you for your kindness. Yes, I don't mind. Please, enjoy the view also.” “Absolutely.” Isang matipid na ngiti lamang ang ibinigay ko sa kaniya at sabay naming ibinaling ang aming mga mata sa dagat. Napaka ganda ngayon ng dagat. Aninag sa ibabaw nito ang buwan at mga bituin na tila lumulutang na mga dyamante. Isama na rin ang tamang temperatura ng hangin kung kaya't na enganyo akong tanggalin ang suot kong sandals para lumapit sa tubig at ibabad ang aking mga paa. “So how long have you been here, Miss?” “I just got here again.” “What do you mean again?” “I..Uhm..” Ano bang English ng nakapunta na ako rito dati pero kararating ko lang ulit ngayong gabi? “Takte.. Paano ko ba 'to sasabihin sa English?” “Wait. Pinoy ka?” “Ikaw din?” Parehong namilog ang aming mga mata sa aming napag alaman kung kaya’t sabay kaming nagkatawanan. Tinanggal niya na rin ang suot niyang sapatos at tumabi sa'kin para ibabad din ang kaniyang mga paa sa tubig. “Jusko, dudugo pa ang ilong ko ng ‘di oras. Buti nalang Pinoy ka rin.” “Haha! Pasensya na. Akala ko kasi Hapon ka. Nagulat nga rin ako kasi finally may nakausap na akong Hapon na marunong mag English.” “Haha! Ganoon? Hindi ako Hapon. Ikaw nga, akala ko taga Middle East ka o kaya Italiano.” “Compliment ba 'yan? Mukha lang pero hindi. Pilipinong Pilipino ako. Nga pala, hindi ko alam ang pangalan mo.” “Billie Jean at oo, taga hanga ang tatay ko ng Jackson 5 lalo na ni Michael Jackson.” “Itatanong ko na sana.” “Pero kung nahihirapan ka pwede namang Baby. 'Yun ang palayaw ko.” “I see. Perhaps I'll just call you Baby then.” Nagpatuloy ang aming kwentuhan ni Gale hanggang sa pareho na naming naubos ang iniinom naming kape. Napag alaman kong kaya siya nandito sa Japan ay dahil ikinasal ang kaniyang kapatid. Sa ngayon ay may tatlong araw pa siyang natitira para mag bakasyon dito bago bumalik ng Pilipinas. “Kumusta naman ang requirements kapag lalabas ng Pilipinas at pagkarating mo rito sa Japan?” “Medyo mahigpit sila dahil nga sa kumakalat na virus pero okay naman. Medyo na-amaze nga ako rito sa Japan kasi parang normal pa rin ang buhay ng karamihan.” “Oo pero doble ingat pa rin kami kasi alam mo na, wala pang vaccine ngunit alam ko naman na on-going na ang pag de-develop. Sana matapos na nga para makabalik na tayo sa normal.” “Sana nga. Kaya nga sinusulit ko rin ang bakasyon dito dahil pag nakabalik na ako ng Pilipinas ay panay stress na naman ang sasalubong sa'kin.” “Bakit? Ano bang.. Aray!” Bigla kong ipinikit ang aking mata matapos humangin ng malakas. Naparami ata ang buhangin na nakapasok sa mata ko kung kaya’t hindi ako magkandaugaga sa aking kinatayayuan. “Huwag kang masyadong magalaw Baby.” Naramdaman kong inilagay ni Gale ang kaniyang kamay sa aking mukha at inutusan akong kumalma. “Pag bilang ko ng tatlo subukan mong ibukas ang mata mo para mahipan ko.” “Sige sige.” “Okay, 1..2..3. Bukas.” Kagaya ng sabi niya ay pinilit kong ibukas ang aking mata para mahipan niya. Mabuti nalang at matagumpay naman dahil matapos niyang hipan ay sumabay na rin ang daloy ng naipon kong luha kasama ang natira pang buhangin sa loob ng aking mata. “Gusto mong pumunta ng ospital? Medyo namamaga ang mata mo. Baka magkaroon ng infection.” “Huwag na. Maligamgam na tubig lang 'to tapos tulog. Babalik din ito sa dati. Salamat Gale.” “Walang ano man. Siguro ito ang purpose ko kung ba't dinala ako ng tadhana papalapit sa'yo.” “Haha! Siguro nga.” Nagkatawanan kaming muli ngunit.. “Baby!” Pareho kami ni Gale na natigil at lumingon sa direksyon ni Tokyo kung kaya't kaagad kong iniwas ang aking mukha sa mga kamay ni Gale. Dala ng nerbyos ay kaagad ko ring nilapitan si Tokyo bagama't kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang kahandaang sugurin si Gale. “Tokyo, siya si..” “You told me you'll only stay here for 20 minutes! Tapos ganito ang makikita ko?” Napaigtad ako sa pagtaas ng boses ni Tokyo lalo na ng pinukol niya ng nakamamatay na tingin si Gale ng sumingit ito sa amin. “Pare, kalma. Nag uus..” “You stay out of this whoever the motherfucker you are.” “I beg your pardon?” Lalong nagwala ang aking puso ng makitang papalapit si Gale sa amin ni Tokyo at itong si Tokyo naman ay nanatiling nakatayo lamang at nag aabang. “Gale, iwan mo muna kami. Mag uusap lang kami.” “Pero Baby..” “Don't you ever call her Baby!” “Sige na Gale, iwan mo na kami.” Wala ng nagawa si Gale kundi ang sumunod sa aking pakiusap habang mahigpit kong yakap si Tokyo mula sa likod. Kahit binabalot ako ng kaba ngayon ay pinilit kong buhay ang lakas ng aking loob ng sa ganoon ay hindi ako madala sa takot na nararamdaman ko kay Tokyo. Kung hindi ko pipigilan si Tokyo ay ewan ko nalang kung anong mangyayari sa kaniya at hindi na rin ako papayag na mapahamak pa siyang muli ng dahil sa'kin. Nang makitang nakalayo na si Gale ay saka ko lamang siya binitawan. “Ba't ka ganiyan Tokyo?” “Ako pa talaga ang tatanungin mo niyan?” “Oo, nag uusap lang naman kami.” “Nag uusap? Eh halos magdikit na nga ang mga bibig niyo. He's even cupping your face, Baby. Anong gusto mong isipin ko?” “Ano ba naman ‘yan Tokyo. Tinulungan niya lang ako. Napuwing ako kanina kaya hinipan niya ang mata ko. Sana inalam mo muna ang lahat bago ka nag putok ng butse mo. Nakakahiya tuloy kay Gale.” “Sa kaniya ka pa talaga nahiya? What about me then?” “Anong ikaw? Teka nga, ganiyan ba kababa ang tingin mo sa'kin? Matapos ang lahat ng nangyari sa'ting dalawa?” “No. It's not like that.. You don't.. Oh s**t!” Pansamantalang tumingala siya at huminga ng malalim habang nasa baywang naman niya ang dalawa niyang kamay. “Dapat hindi na ako nag paiwan sa coffee shop. I should have followed my hunch.” “Haah?” “Wala.” Tinalikuran niya na ako’t dirediretsong naglakad pabalik ng hotel. Ako naman ay sumunod na rin sa kaniya. Medyo kumalma na rin siya kahit papaano kaya naman matiwasay kaming nakabalik sa coffee shop. “I'm sorry everybody. Let's adjourn the meeting. I'll let you know the next schedule. Thanks.” Matapos kausapin ang kaniyang mga ka-meeting online ay agad niyang isinara ang kaniyang laptop at walang lingong nilampasan ako at muling nag lakad. Ngayon ay papunta na siyang elevator kaya sumunod ulit ako hanggang sa pareho na kaming nakapasok at nag antay makarating sa floor namin. “Ba't mo iniwan ang mga ka-meeting mo?” “Kasi akala ko may babalik sa tabi ko after 20 minutes.” “Tokyo naman. Hindi mo dapat sila iniwan. Kaya nga hindi na kita pinasama para makapag focus ka sa trabaho mo.” “'Yun nga ang pagkakamali ko. I shouldn't have let you stroll alone. My work can wait. Kung sumama ako eh di sana walang nakalapit sa'yo. Eh di sana ako ang tumulong sa'yo ng napuwing ka. Eh di sana hindi tayo nag away. Lalong lalo na, hindi sana ako nababaliw ngayon ng dahil sa punyetang selos na 'to! Now excuse me.” Nang bumukas ang elevator ay mabilis siyang lumabas at dumiretso patungo sa aming hotel room. Subalit bago pa man siya nakapasok sa hotel room ay rinig na rinig sa hallway ang kaniyang huling sinabi. “s**t! I've never been this jealous in my entire life.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD