“Pikit.”
Utos sa'kin ni Mamang Beauty habang abala siya sa pag lalagay ng hairspray sa aking buhok na feeling ko maging ang aking kilay at pilik mata’y nadadamay sa sobrang dami. Dumating na ang araw na mag papaalam muna ako pansamantala sa aking pagka dalaga. Pinaghalong nerbyos at tuwa ang kasalukuyan kong nadarama sapagkat wala ng atrasan ito. Saka ko na poproblemahin ang mga mangyayari sa hinaharap basta ang importante ay matulungan ko si Tokyo na mapanatili ang kaniyang kumpanya sa Pilipinas.
“Wala ka ba talagang balak ipaalam sa pamilya mo sa Pilipinas na ikakasal ka na?”
“Wala Jenna. Hindi na nila kailangan malaman ito dahil bukod sa hindi 'to pang habang buhay, baka umabuso rin si Tatay kapag nalaman niya ang estado ng buhay ni Tokyo.”
“Sabagay. May point ka. Adik pa naman sa sugal ang tatay mo.”
“Sinabi mo pa. Ang hirap pa man din mag hanap ng pambayad sa mga utang.”
“Korek. Kumusta na pala ang bahay ninyo?”
“Sa awa ng Diyos ay natutubos ko na ng pa unti-unti.”
“Ba't hindi ka nalang humingi ng tulong kay Tokyo 'day?”
“Ayoko Mamang. Baka sabihin niyang sinasamantala ko ang kayamanan niya.”
“Sinasamantala? 'Day, anong tawag mo sa kasal na 'to?”
“Eh nag babayad lang ako ng utang na loob Mamang.”
“Baby, hindi nababayaran ang utang na loob. Tingin ko nga may hidden agenda 'yang mapapangasawa mo eh.”
“Ano?”
Sabay naming tanong ni Jenna kay Mamang Beauty kaya naman tinawanan kami nito. Matapos niyang maayos ang aking buhok ay naupo muna siya sa kama sabay inom ng kaniyang namamawis na iced tea.
“Sa tingin mo Baby ba't ikaw ang inalok ng kasal ni Tokyo?”
Ikukwento ko ba sa kanila ang katotohanan na nakunan kami ng CCTV?
“Eh kasi Mamang may nakakita sa'ming mag kasama. Chinismis kami sa magulang niya kaya ako nalang ang pinili ni Tokyo kasi gusto raw akong makilala ng magulang niya.”
“Ang babaw naman. Diba Jenna?”
“Tama Mamang. Ang daming babae riyan. No offense Baby haah, maganda ka alam mo 'yan. May something talaga kung ba't ikaw ang pinili ni Tokyo. Isipin mong mabuti Baby.”
“Eh ano nga? Sabihin niyo nalang. Wala naman kasi akong nakikitang iba pang rason.”
“Baby naman, may iba pa. Manhid ka ba ghorl? May gusto sa'yo yung tao.”
“Naku 'day, hindi lang gusto. Mahal ka rin nun. Pustahan pa ng sampung lapad. Hindi ka niyan aayain ng kasal kung hindi ka mahal. Palusot lang 'yang anim na buwan. Kita mo, nabudol ka tuloy.”
“Grabe, budol talaga Mamang?”
“Iyels. Mag papakasal ka na nga diba? O siya, make up naman. At ikaw Jenna, hinay-hinay sa kakakain ineng kung ayaw mong masyadong masaktan habang umi-ere niyang junakis mo.”
Nag patuloy lamang kami sa kwentuhan.. Ay hindi pala kwentuhan, pang gigisa pala. Pang gigisa nila Mamang at Jenna sa'kin habang tinatapos ang aking make up. Mahal? Kaagad kong iwinaksi sa aking isipan ang salitang mahal. Napaka imposible sapagkat bukod sa alam ko ang rason ni Tokyo kung ba't ayaw niya sa commitment ay napakalayo rin ng buhay namin sa isa't isa. Ako na mahirap at nag trabaho sa isang bar bilang dancer samantalang siya ay umaapaw ang salapi at nag iisang taga pag mana ng isa sa pinaka sikat na hotel dito sa Japan. Idagdag pang may sarili rin siyang kumpanya sa Pilipinas. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao diba? Mabuti nalang at mukhang walang kaalam-alam ang mga magulang ni Tokyo sa totoong estado ng aking buhay dahil malamang sa malamang ay hindi sila papayag na maikasal ang kanilang unico hijo sa isang kagaya ko.
“Tapos na. Ang ganda talaga ng alaga ko. Mana lang sa kaniyang Mamang. Sige na, mag bihis ka na’t kami naman ni Jenna ang mag ma-make up.”
“Opo Mamang, maraming salamat.”
“Walang ano man. Ikaw pa. Bilis na kung ayaw mong ako ang rumampa sa kasal mo.”
Nagkatawanan kaming tatlo bago ako nag punta sa CR upang mag bihis. Isang simpleng white dress lamang ang aking isusuot na abot tuhod dahil beach wedding ang magaganap sa'ming dalawa ni Tokyo. 'Yun ang napagkasunduan namin sapagkat pagkatapos ng wedding reception ay gusto niya ako muling dalhin sa isla ng kaniyang uncle dahil gusto raw niya akong makausap ng masinsinan. Oo nga pala, may sasabihin siya sa'kin kaya bukod sa nerbyos at tuwa ay napuno ulit ng pagtataka ang aking isipan hanggang sa nakalabas kami nila Mamang at Jenna sa hotel. Sa hindi kalayuan ay nakita kong abala ang wedding coordinator na kinuha ni Mrs. Lee. Utos doon at utos dito kaya halos lahat ng staff ng hotel ay abala. Maging si Krista na nadaanan namin kanina ay hindi na kami napansin sapagkat pabalik-balik siya sa reception area at sa function hall.
“Hi Baby.”
“O, Gale. Hello!”
Nakasalubong namin si Gale na mukhang kagagaling lamang sa gym base sa suot nitong dri fit shirt at gym sweat shorts kaya naman itong si Mamang ay halos hindi na mapakali sa kinatatayuan niya’t panay beautiful eyes rito kay Gale.
“You look fantastic. What's the occasion?”
“She's getting married today. Would you like to join me, este us?” Sagot ni Mamang kung kaya’t natawa si Gale.
“Kaya pala busy ang mga tao rito. Ikaw pala ang ikakasal Baby.”
“Uuy, Pilipino ka pala?” Ani ni Jenna.
“Oo naman.” Kumpira ni Gale.
“Nga pala Gale, mga kaibigan ko. Itong magandang buntis ay si Jenna.”
Nakipag kamay si Gale kay Jenna at malugod din naman itong tinanggap ng buntis na may kahalo pang kilig. Itong babaeng 'to, akala mo walang asawa kung kiligin. Haha!
“Nice to meet you. And this gorgeous lady here is?”
Hindi ko pa man naipakikilala ng lubusan si Mamang Beauty ay inabot niya na agad ang kamay ni Gale at siya na mismo ang nag pakilala sa kaniyang sarili. Nagkatawanan nalamang kami ni Jenna sa ikinilos ni Mamang.
“I'm Beauty. But you can call me yours if you want to.”
“Ang landi Mamang haah.”
“Tumahimik kayong dalawa riyan. Moment ko ito.”
Inimbitahan ko na rin si Gale na dumalo ng kasal at hindi naman siya tumanggi. Bagkus natuwa pa siya sapagkat makakasama raw niya si Mamang kaya naman halos tumambling na si Mamang sa sobrang kasiyahan. Nag paalam muna si Gale na maliligo’t mag bibihis kung kaya't nauna na kaming tatlo sa venue. Kung hindi pa namin hinila si Mamang malamang sasama pa siya kay Gale papuntang hotel room.
Sa venue ay kaagad kong nakita si Tokyo na nakaupo malapit sa altar. Nakasuot din siya ng puting polo at puting bitin pants na mala John Lloyd Cruz na bagay naman sa kaniya. Abala siya sa kaniyang cellphone ng lapitan ko siya para ipagpaalam si Gale dahil baka mamaya ay mag alboroto na naman ang lalaking 'to.
“Tokyo.”
“Hey my beautiful and sexy wifey.”
“Kaagad?”
“Well..”
Hinila niya ako kaya naman sa hindi sinasadya ay napaupo ako sa kaniyang kandungan. Tatayo na sana ako ngunit ipinulupot niya ang kaniyang braso sa aking tiyan kaya wala na akong magawa. Nakakahiya nga lang dahil maraming tao pero mukhang wala namang paki alam si Tokyo.
“You'll be my wife in few minutes so I think it's okay to claim already what's mine.”
Sabay gawad ng halik sa aking braso kung kaya’t halos tumayo ang aking balahibo ng maramdaman ang mabining pag hagod ng kaniyang labi sa aking balat.
“Mga hija at hijo, baka nakakalimutan niyong kasal muna bago honeymoon.” Biro ni Mamang.
“Actually Beauty, mas nauna na nga ang.. Aray!”
Kaagad kong tinapakan ang paa ni Tokyo ng matigil siya sa isisiwalat niya. Mag fo-follow up question na sana si Mamang Beauty pero buti nalang at tinawag na kami ng wedding coordinator dahil mag sisimula na ang kasal. Bago ko iniwan si Tokyo ay pinandilatan ko muna siya ngunit tinawanan niya lamang ako bago siya tumayo para pumunta sa kaniyang pwesto. Mangilan-ngilan lamang ang inanyayahan sa kasal alinsunod sa quarantine guidelines kaya para sa akin ito ay an almost a dream a wedding. Almost..
“Ba't ka malungkot diyan?”
“Wala Mamang. May naalala lang.”
“Kung ano man 'yan itigil mo muna. Enjoy the moment, okay? Ngiti na.”
Gaya ng sabi ni Mamang ay ngumiti nalamang ako. Naunang nag lakad ang mag asawang Lee na sinundan ng mga malalapit na kamag anak at kaibigan nila. Nang ako na ang mag lalakad ay huminga muna ako ng malalim bago itinuon ang atensyon kay Tokyo. Nakita ko pa ang pag hulma na kaniyang bibig sa mga salitang “It's okay” bago siya ngumiti sa akin.
“Kaya ko 'to.”
Nag simula akong humakbang habang sumasabay sa musika na nag mumula sa piano. Dala ng sobrang kaba kung kaya’t mahigpit kong hinawakan ang bouquet na para bang nakasalalay dito ang aking buhay. Habang nag lalakad ay ni isang segundo ay hindi namin nilulubayan o pinuputol ang pag tititigan naming dalawa hanggang sa pareho na kaming nakatayo sa harap ng altar hudyat para simulan na ng pari ang kasal.
∞∞∞
“Please all welcome, Mr. And Mrs. Tokyo Lee.”
Matapos kaming i-welcome ng wedding host ay pinangunahan nila Mamang at Jenna ang hiyawan ng makapasok na kami ni Tokyo sa function hall ng hotel. Hindi nakaligtas sa'min ang kaagad na pag alalay ni Seijuro kay Jenna sapagkat kung mag tatatalon ang bruha ay parang hindi nag dadalang tao.
Maayos at maganda ang daloy ng programa para sa wedding reception. Pinag halong Filipino at Japanese practices ang ginawa namin ni Tokyo at syempre hindi na nawala doon ang maya't mayang request ng ‘kiss’.
“Nandito pala ang kaibigan mo.”
“Si Gale? Oo, inimbitahan ko. Okay lang naman diba?”
“Hmm.. May magagawa pa ba ako?”
“Wala. Hehe! Arigathanks.”
“My wifey, kung hindi lang kita..”
“Kung hindi lang ako ano?”
“Nandemonai. Anyway, come with me.”
Inilahad niya ang kaniyang kamay kaya naman agad ko itong tinanggap ng sa ganoon ay sabay kaming mag lakad patungong gitna ng hall. Nang mapansin kami ng mga bisita ay nag sitigil muna ito sa kanilang ginagawa upang panoorin kami. Nakita ko rin ang pag senyas ni Tokyo sa nag ooperate ng sound system kung kaya’t ng mag play ang music ay saka niya ako hinarap ng maayos.
“Place your arms around my neck Baby.”
Sinunod ko naman ang kaniyang utos at medyo napatda pa ako ng hapitin niya ako palapit sa kaniya bago siya nag simulang gumalaw kaya sumunod lamang ako.
(B.M: Kiss Me Slowly by Parachute)
“Stay with me, baby stay with me,
Tonight don't leave me alone...”
Wala ni isa saming nag sasalita sapagkat pareho kaming nalulunod sa mga mata ng bawat isa. Parang nagkaroon din kami ng sariling mundo at pakiramdam ko'y nawala ang lahat ng tao sa paligid habang patuloy kaming sumasayaw sa agos ng musika.
“Well, I'm not sure what this is gonna be,
But with my eyes closed all I see
Is the skyline, through the window...”
Hindi nag tagal ay naririnig ko na rin ang mahinang pag sabay ni Tokyo sa kanta kaya rinig ko ang bawat liriko na kaniyang binibitawan. Doon ay unti-unting nag siliparan ang mga paru-paro sa aking tiyan lalo na ng ipaglapat niya ang aming noo. Nakakabingi. Hindi dahil sa palakpakan at hiyawan ng mga tao sa paligid namin kundi nakakabingi ang pintig ng aking puso.
“Hold my breath as you're moving in,
Taste your lips and feel your skin.
When the time comes, baby don't run, just kiss me slowly..”
Paninindigan ko pa rin ang paniniwala kong huwag umasa ngunit hindi ko na kaya pang itago ang aking nararamdaman para sa lalaking nag bibigay ng kasiyan sa akin. Nagulat man siya nang una ngunit tumugon din siya kalaunan ng ako na mismo ang nag lapat ng aming mga labi.