Bakit? Sa kabila ng katotohanang hindi namin ginusto ang pagkawala ni Genji, bakit kailangan pa nilang mag higanti? Bakit kailangan pang may madamay na ibang tao? Nakapanlulumo. Napakasakit. Kahit malayang dumadaloy ang hangin sa malawak na football field na ito ay unti-unti akong kinakapos ng hininga't nanghihina. Napahawak ako sa aking dibdib kung kaya't agad na bumangon si Tokyo sa pagkakahiga at hinawakan ang aking magkabilang balikat. “Tokyo..” Agad akong hinila ni Tokyo palapit sa kaniya at ikinulong sa kaniyang mga bisig kung kaya’t lalong hindi magkandaugaga ang aking mata sa pagpapakawala ng luha. Sa kabila ng lahat ng pag subok na ibinabato sa'kin ay ni minsan hindi ko kailanman inisip ang mapagod at sumuko sa hamon ng buhay maliban ngayon. Kung susunduin man ako ni Kamatayan

