4 Weeks Later... Ala sais palang ng umaga ay handa na akong umalis ng apartment. Bukod sa bibili ako ng almusal sa pinaka malapit na bakeshop dito sa aking tirahan ay kailangan ko rin makarating sa opisina bago mag alas otso ng umaga. Ngayong araw kasi ang aming schedule sa Rome sapagkat sa Colosseum gaganapin ang aming photo shoot, ang isa sa pinaka matanda at kilalang gusali rito sa Italya. Dala ang aking mga bagahe ay ma-ingat akong tumawid ng kalsada at dumiretso sa bakeshop kung saan sinalubong ako ng nakangiting si Mr. Castiglione, ang may ari ng bakeshop. “Buongiorno Billie Jean.” “Buongiorno Signore Castiglione.” Kahit sinabi ko sa kaniyang Baby nalamang ang itawag sa'kin ay mas gusto niya raw akong tawagin sa aking tunay na pangalan sapagkat naaalala niya ang isa sa pinaka mas

