Day off namin ni Jenna ng makatanggap kami ng tawag mula sa mga handlers namin para papuntahin sa club ora mismo. Nang tanungin namin kung bakit ay sa club nalamang daw nila sasabihin kaya kahit hindi pa kami tapos mag laba at mag linis ng apartment ay agad kaming naligo’t nag bihis bago nag tungo ng Birds of Paradise.
“Ano kayang importanteng sasabihin nila? Kung kailan ang ganda ng sikat ng araw para mag patuyo ng nilabhan saka naman tayo aalis.”
Reklamo ni Jenna habang tinutuyo ang kaniyang abot baywang na buhok. Sa totoo lang kinakabahan ako. Yung dating masayahing boses kasi ni Mamang Beauty ay naging seryoso kaya naman malamang seryoso rin ang kanilang sasabihin. Pagkatapos namin makapag bihis ay lumabas na kami't ini-lock ang pinto ng apartment.
“Mag ta-taxi pa ba tayo o mag lalakad?”
“Taxi muna tayo Jenna para makarating tayo kaagad sa club.”
Si Jenna na ang tumawag ng taxi para sa aming dalawa kung kaya’t ang 30 minutes naming lakaran mula apartment hanggang club ay naging 10 minutes nalamang. Pagkarating namin sa club ay dumiretso kami sa dressing room kung saan nag hihintay sila Mamang Beauty at Mamang Jolina. Sabay din silang nag angat ng ulo ng makita kaming pumasok.
“Andito na kami mga Mamang pero ba't ganiyan ang inyong mga magandahing mukha?”
“Oo nga. Matagal pa ang Biyernes santo. Anong sasabihin ninyo?”
Tanong namin ni Jenna kaya naman nag katinginan pa ang dalawa’t nag turuan kung sino ang dapat na mag salita pero kalaunan ay si Mamang Beauty na ang nauna.
“Ganito kasi mga girls. Kanina, kinausap kami ni Mr. Murayama. Alam niyo naman siguro na tumataas ang case ng virus dito sa Japan diba?”
“Opo.” Sagot namin ni Jenna.
“Kaya.. Haay, ang hirap naman. Tulungan mo nga ako Julius.”
Napabuntong hininga si Mamang Jolina bago ipinaalam sa amin ang balita na mag papabago pala ng aming buhay ni Jenna dito sa Japan.
∞∞∞
Third Person's P.O.V:
Abala si Tokyo sa pag hahanap ng maisusuot ng tumunog ang doorbell ng kaniyang hotel room kung kaya’t kahit hindi pa tuluyang nakakapagbihis ay binuksan niya ang pinto. Sa labas ay nakita niya ang pinsan na may kasamang blandinang babae.
“Hey hey hey pinsan. What's up?”
Ngumiti si Tokyo at binati rin ang kaniyang pinsang si Seijuro ngunit mas nakuha ng kasama nito ang kaniyang atensyon na kanina pa nakatitig sa napapagitnaan ng kaniyang mga hita. Hindi niya tuloy maiwasang mapangisi lalo na't nag tama ang mga mata nila ng babae.
“Come in.”
Pagkapasok ni Seijuro at ng babaeng nag pakilala sa kaniyang Inoue ay saka lamang siya nag patuloy sa pag hahanap ng damit. Nang malaman kasi ng kaniyang pinsan na nandito siya sa Japan at graduate na mula sa 14 Days Quarantine ay inaya siya nitong lumabas upang mag punta sa night club kung saan madalas itong mag happy hour. Bagama’t puro trabaho ang inatupag ni Tokyo sa kaniyang buong quarantine days kung kaya’t naisipan niyang sumama para makapag unwind.
“Kumusta na pala si Uncle Theo? The last time na bumisita ako sa ospital ay medyo hindi siya okay.”
“He's fine. Maybe this week ay makalabas na siya ng hospital. You should visit us in Osaka.”
“Sige. No prob. Si Amber, kumusta na siya?”
Kilala ng kaniyang pinsan si Amber dahil ipinakilala niya ito noong minsang nagkausap sila via videocall. Alam niya ring type ni Seijuro ang kaniyang bestfriend kaya naman napangiti siya sa pangungumusta nito.
“She's fine as well.”
“Nasaan siya ngayon?”
“She's with her ex and they're having a great time.”
“Ex? 'Yan na ba yung sinasabi mong hinihintay niya?”
“Exactly kaya kung ako sa'yo tantanan mo na ang bestfriend ko. Wala kang pag asa doon, as in 0%.”
Muling tinapunan ng tingin ni Tokyo ang babae na kanina pa nanlalagkit ang mga matang nakatingin sa kaniya. Katatapos palang niyang mag bihis subalit sa paraan ng pagkakatitig nito ay halos hubaran siyang muli ni Inoue kaya naman tinanong niya ang pinsan kung kaano-ano nito ang babae.
“Girlfriend mo ba siya?”
“Hindi.”
“Ano mo siya?”
“Wala. Kaibigan siguro?”
“Siguro?”
“Hindi ko alam kung friends kami. I mean, matagal na kaming f**k buddies. Considered as friendship na ba 'yun?”
“Haha! Sira ulo. Sige, sayong sa’yo na siya.”
Tumawa si Seijuro ng maintindihan ang ibig sabihin ni Tokyo kaya naman hinapit niya si Inoue at ginawaran ng mabilisang halik sa labi nitong pumuputok-putok ang pulang lipstick.
“Sorry pinsan, finders keepers. Mamaya makakahanap ka rin sa night club, ikaw pa.”
“Yeah right. So, let's go?”
Sa kotse ni Seijuro sumabay si Tokyo kung kaya’t sabay-sabay ang tatlong nag punta ng night club. Pagkarating ay kaagad na hinanap ni Tokyo ang club dahil tumigil ang kotse sa tapat ng isang restaurant.
“Nasa loob ng restaurant.”
“Huh?”
“Exclusive night club kasi 'yun. Let's say only the chosen few can go in.”
“Ganoon? May ganito palang night club dito. Paano ako makakapasok kung hindi naman ako invited?”
“Akong bahala sa'yo.”
Unang lumabas ng kotse si Seijuro at Inoue. Sumunod lamang si Tokyo hanggang sa nakapasok silang tatlo sa restaurant. Pagkapasok ay saka napagtanto ni Tokyo na fine dining restaurant pala ito at halos mayayaman ang kumakain. May tumawag din sa kaniyang pangalan sapagkat nakilala siyang anak ni Theo Lee.
Kilala ang ama ni Tokyo sa Japan bilang isa sa mga may pinaka maraming hotels sa bansa kung kaya’t noong panahong nasa quarantine siya ay bukod sa gaming company na pinagkaka abalahan niya, siya rin ang pansamantalang sumalo sa mga naiwang trabaho ng kaniyang ama habang ito’y nag papagaling.
“Good evening Mr. Watanabe.”
“Good evening, Suzy. This is Tokyo Lee.” Pagpapakilala ni Seijuro sa kaniyang pinsan sa receptionist.
“He's the son of Theo Lee. You know, the hotelier.”
“You mean the owner of La Douce Maison hotels?”
“Yep. Nailed it.”
Nataranta ang babae ng malaman kung sino si Tokyo kung kaya’t kaagad itong tumawag ng isa pang babaeng mag a-assist sa bago nilang kliyente.
“Kombanwa, Watanabe-san.”
“Hi Jenna.”
Bati ni Seijuro sa babae. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis bago sila iginiya sa mesa kung saan sila pupwesto. Si Seijuro na rin ang nag order para sa kanilang tatlo hanggang sa nag excuse si Jenna upang asikasuhin ang kanilang order.
“May kamukha siyang artista sa Pilipinas.”
“Talaga? Sa katunayan nga Filipino din siya.”
“I see. Kaya naman pala maganda.”
“Maganda talaga si Jenna. Ang ganda pa ng katawan.”
“Paano mo nasabi? May nangyari na ba sainyo?”
“Wala.”
“Liar. Ako pa bang lolokohin mo?”
“Wala talaga. Kung pwede kong ilabas siya eh di sana noon palang ginawa ko na. Si Jenna pa naman ang pinaka type ko sa mga entertainers dito.”
“Wait a minute. I'm confuse.”
“Oo nga pala. Hindi ko nasabi sa'yo na hindi lang 'to basta night club, may entertainers din dito every night. What I mean by entertainers.. You know, the dancing and stripping. Si Jenna ay isa doon pero tapos na siya kahapon, pang Huwebes kasi siya kaya malamang si Baby ngayon kasi Biyernes na eh.”
“Wow.”
“Haha! Hindi nga ako nagkamaling isama ka rito. Hindi pa man nag sisimula ang palabas ay nakangising aso ka na riyan. Pero bra lang naman ang tinatanggal.”
“Haha! Okay lang. Damn, anong oras ba ang closing time nito?”
“Mga 3 or 4 AM. Bakit?”
“I'll wait for Jenna.”
“Now hold your cockadoodledoo my beloved cousin. Kung iniisip mong i-date si Jenna, hindi pwede. Bawal mo silang i-take out. Nasa policy nila na no date and relationship with clients. Entertainers sila, hindi pokpok. Isa pa, akin si Jenna. Finders keepers nga diba? Sa iba ka nalang.”
“Ang swapang mo.”
Habang nag hihintay ng order ay inilibot ni Tokyo ang paningin sa loob ng night club. Napansin niyang may abalang nag aayos ng stage at sa hindi sinasadya ay nahagip ng kaniyang mga mata ang isang dalagang nakasuot ng puting roba. Kasalukuyan itong nag tatanggal ng curlers at nang matapos ay inayos nito ang buhok gamit ang mga daliri. Saktong lumingon din ito sa kaniya kaya naman nag tama ang kanilang mga paningin. Ngiti at kindat ang nakuha niya mula rito bago ito nag punta ng back stage.
“s**t!”
Natigil sa pakikipag landian si Seijuro ng marining ang malutong na mura ng kaniyang pinsan.
“Bakit? May problema?”
“None but I think I just saw the pretty young thing who's about to give us a show.”
“Si Baby?”
“Yeah.”
“Ganda diba? Siya ang crowd's favorite.”
“Are you sure I can't take her out?”
“Hindi pwede. Maawa ka sa babae. Mawawalan 'yun ng trabaho.”
“If that's the case eh di ako ang magbibigay ng trabaho sa kaniya. I can get her into our hotels and she doesn't need to follow that stupid policy.”
“Haha! Ibang klase. Sigurado ka na ba riyan?”
“Yeah, you'll see. She'll come with me tonight.”
“Good luck then. Pero warning lang, mahirap mapapayag si Baby. Si Genji nga hirap na hirap.”
“Sinong Genji?”
“Pamangkin ng isang yakuza. Mahilig sa street car racing.”
“Diba bawal 'yan dito?”
“Bawal nga pero napagtatakpan ng uncle niya. Alam mo na.”
Pansamantalang naantala ang pag uusap nila Tokyo at Seijuro ng marinig na nila ang boses ng host mula sa speakers ng night club.
“Good evening, ladies and gentlemen. Welcome to Birds of Paradise Night Club. It's almost the weekend and you all know that tonight is our Fierce Friday..”
Habang nakikinig sa host ay dumating na rin ang order nila Tokyo. Kaagad na kumuha ng beer si Tokyo at tinulungan din siya ni Jenna na buksan ito.
“Thanks Jenna.”
“You're welcome Mr..?
“Lee. I'm Tokyo Lee. But drop the mister. Just call me Tokyo.”
“Sure Tokyo. Is there anything else that you need?”
“Yeah, Baby. I need Baby.”
Hindi naiwasan ni Jenna na mapangiti sa sinabi ng kanilang bagong kliyente. Sa loob ng kaniyang isip ay may dumagdag na naman sa fans club ng kaniyang kaibigan.
“I'll let her know to drop by here, Tokyo. But I am sure you know our rules, right?”
“Yeah. I am fully aware.”
“Good. I'll go ahead now. Have a paradise night.”
Saktong pag alis ni Jenna ay nag simula na rin ang Fierce Friday show at lumabas ang tinaguriang crowd’s favorite ng Birds of Paradise.
“For our final show tonight, ladies and gentlemen, please welcome, Baby.”