NAPAHAGOLHOL si Lanie nang iyak nang huli na silang makapasok. Kumalat na ang dugo ni Doreen sa sahig. “Masaya kana? masaya kanang pinatay mo ang sarile mong ina? Alam mo Isabel ako, madami rin akong pinagdaanan noong kabataan ko. Pero sa kabila ng lahat pinili kong magpatawad. Ang lola ko siya na yata ang pinakamasamang nilalang sa mundo pero hindi ko pa rin nagawang patayin. Dahil nangingibabaw sa akin ang awa at lukso ng dugo. Pero ikaw, ibang klase ka!” Walang kibo si Isabel. Nakatayo lang siya habang hawak niya ang baril. Pagod na pagod na siyang ipaliwanag ang sarile niya. Wala na rin mangyayari kung sasabihin pa niya ang totoo dahil patay na si Doreen ‘yon ang mahalaga. Si Kaden naman ay hindi makapagdesisyon kung ano ang gagawin sa bangkay. Tinawagan ni Kaden ang lawyer nila at

