HABOL ang hininga nila nang makaraos sa unang pagkakataon. Gusto pa sana ni Winston ng panaglawang round pero tumayo na si Isabel at inayos ang sarile. “Baby, tell me? what is your plan?” tanong agad ni Winston habang inaayos ang belt nito. “Winston, puwede ba akong humingi ng pabor?” “What a question, baby?” saad ni Winston. Pinapahiwatig na hindi niya kailangan makiusap dahil gagawin ng binata ang lahat. “Samahan mo naman si Lola, oh. Dalhin mo si Lola sa lugar na walang nakakaalam. Do’n sa pinagdalhan mo sa akin dat—” “Wait? you mean, lalaban ka nang mag-isa? Isabel, paano kung mapahamak ka? hindi mo kilala—” “Please, Winston. Nakikiusap ako sa ‘yo, laban ko ito Winston. Ako at ang tunay kong ina, laban namin ‘tong dalawa.” Pagsusumamo niya ngunit ayaw pumayag ni Winston. “P

