1 month later… MARE uwi muna ako at magbibirthday ang anak ko. Napatingin si Isabel sa kalendaryo April 16, 2024. Oo nga pala kaarawan ng inaanak niyang si Sonny. Tumayo si Isabel at pumasok sa kuwarto tapos kumuha ng pera at nilagay niya sa ampao. Paglabas niya ay saka naman paalis na si Linday. “Ihalik mo na lang ako sa inaanak ko, Linday. Sa totoo lang nakalimutan ko talaga hindi tuloy ako nakabili ng regalo. Ito na lang pambili niya ng laruan.” Inabot niya ang ampao. Kinuha ‘yon ni Belenda at nagpasalamat sa kanya. “Dadalhin ko siya dito next week ipapasyal ko siya sa mall. Isama natin si Windy makapaglaro sila.” “Sige mas mabuti ‘yon para may kalaro si Windy.” Tugon niya. “Aalis na ako, Mare.” Tumango si Isabel at hinatid niya ng tanaw si Belenda hanggang sakayan ng mga j

