Puno ng hinanakit si Isabel matapos malaman na bumubuti daw ang lagay ni Lei. “Sabagay, ang masamang damo matagal mamatay!” Hinagod-hagod ni Maryjoy ang likod niya. Binisita siya ng tiyahin upang kumustahin. Natuwa si Maryjoy na maayos na ang kalagayan niya at mahal na mahal siya ng pamilya ni Philip. “Nanghihina rin si Lanie ngayon. Sabay ang mga nangyayari sa mga anak niya ngayon. Ito naman si Jackson palaging lasing parehas lang sila ni Winston. Imbes na alagaan ang asawa niya alagain rin siya.” “Alam mo tita Joy, masaya ako sa nangyari. Hindi ako masamang tao hindi rin pure ang puso ko. Kaya kapag ‘yong taong malaki ang sugat na naidulot sa buhay natin tas bigla silang siningil ng karma ang saya. Ang sayang-saya ikinatutuwa ng puso ko kasi hindi mo kailangan gumanti dahil si ka

