Rodrigo : Maya't maya ang pagsulyap niya sa pinto sa paghihintay niya kay Alex. Ngunit isang oras na ang lumipas magmula nang matapos siyang maligo ay hindi pa rin ito dumarating. "Ano na kayang nangyari roon?" tanong pa niya sa sarili. Hindi na siya nakatiis at ipinasya na niyang bumaba upang hanapin ito. Alex : Samantala, nang iwanan siya ni Rodrigo kaninang umaga ay kung ilan beses niyang pinag-aralan ang kanyang susunod na gagawin. Sa huli ay nagdesisyon na siya na humiwalay na ng silid kay Rodrigo kapag wala rin lang ang kanyang Papa at ilang tauhan sa mansyon . Pakiwari niya ay wala naman magandang pupuntahan ang relasyon nila. Kaysa naman magmukha siyang kawawa sa paningin nito ay susubukan niyang dumistansya muna rito. Tulad ngayon, wala naman ang kanyang Papa. Tanging si Yaya M

