Alexandria : Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakapatong sa hita niya at sa kanyang baywang kaya naman napilitan siyang imulat na ang kanyang mga mata kahit na ang gusto niya talaga ay matulog pa. Pagmulat ng mata ni Alexandria ay nagimbal siya sa nakita. Si Rodrigo! Paanong nangyari na nakatabi niya ito?! Kinurot pa niya ang sarili kung panaginip lamang ang lahat ngunit totoo ang lahat. Tinangka niyang alisin nang dahan-dahan ang kamay at paa nito na nakapatong sa kanya ngunit nakakainis at ibinabalik naman nito ulit. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Binalikan niya sa kanyang isipan ang mga pangyayari na naganap kagabi at sigurado siya na hindi siya natulog na katabi ito. Ngunit paano siyang nakarating sa kama? Naipikit niya ang mata nang gumalaw si Rodrigo. Pinakiram

