"Tingnan mo." Inilapag ni Rodrigo sa harapan ni Ian ang kanyang cellphone. Ipinakita niya rito ang kuha niyang litrato na hidden device na nakita niya sa ilalim ng center table. Mayroon na siyang ideya sa kung ano ang ibig sabihin ng lahat. Ang kailangan na lamang niyang malaman ay kung sino ang may pakana ng lahat ng nangyayari. Hindi niya ginalaw ang mga hidden devices na nakakalat sa mansyon upang hindi makahalata ang kung sino man na may kagagawan niyon. Ayaw man niyang isipin pero pakiramdam niya ay hindi maayos ang kalagayan ni Don Amado na ama pala niya. Ang ipinagtataka na lamang niya ay kung ano ang motibo ng gumawa nito. Kunot ang noo naman na tiningnan ito ni Ian. "Hindi lamang iyan ang palagay ko na nakatanim sa mansyon. Hindi ko pa hinahalughog ang buong paligid ng aming tah

