Kasalukuyan na nga silang nasa harap ng apartment na tinitirhan ni Angela. Nagpasya na silang kumatok sa pintuan. Pagkatapos lamang ang mga apat katok ay may nagbukas na sa kanila. Nang nakaraan na ihatid niya si Angela nang lasing ay hindi na siya napapasok ng nagpakilalang kuya ng babae dahil nakahiga raw at natutulog sa sala ang pamilya nito. Nagpasalamat na lamang ang Kuya nito sa kanila ng kasama niyang tanod ng baranggay. "Magandang araw po," bati nilang dalawa ni Dylan sa babaeng nagbukas sa kanila. Awtomatikong ngumiti naman ang babae sa kanila. Kitang-kita sa mukha nito ang hindi mapigilan na paghanga marahil sa kanila. Ang kaibigan naman niyang si Dylan ay tila magugustuhan ang iniaakto ng babae. "Clara, sino ba iyan?" wika ng kalalabas lamang sa banyo ng marahil ay asaw

