Samantala, sa abandonadong building naman kung saan dinala ni Donato at Zeny si Don Amado at Aling Miling ay kasalukuyan na pilit na inaalis ni Amado ang kanyang pagkakatali ngunit hindi pa rin siya makahulagpos. Pagkuwan ay tiningnan niya si Aling Miling na bakas pa rin ang takot sa mukha. Sinenyasan niya si Aling Miling na huwag masyadong mag-alala. Sinasamantala sana niya ang pagkakataon habang wala ang bantay nila. Napahinto siya sa pagkakalag sa tali nang marinig niya ang mga yabag na papalapit. Umakto siyang natutulog. Ramdam niyang may lumapit sa kinauupuan niya. Kasunod niyon ay ramdam niya ang sakit nang biglang pagsipa sa sikmura niya. Napaaray siya nang malakas dahil sa sakit. Kasunod niyon ay ang malutong na halakhak na ang narinig niya mula kay Donato. Tumingin siya sa mukha

