Pati nang mahuli kayo ni Don Timoteo sa mansyon niyo na hubo at hubad. Hindi ko alam kung mayroon talagang nangyari sa inyo nang gabing iyon. Basta nalaman ko lang kay Donato na may pinainom lang din sila sa iyo na tulad din ng pinainom nila kay Mr. Chen at Zeny. Plano nila iyon. Buntis na si Margareth noon bago ka pa niya makilala. Pagkatapos noon ay ideneretso na nila ang paninira kay Zeny sa iyo. Hanggang magalit ka na nga sa kanya. Tulad ni Margareth, dalawang buwan na rin palang buntis si Zeny sa anak mo nang hindi nito nalalalaman. Sinubukan ka niyang sabihan nang ilang beses ngunit sa twina ay hinaharang na siya ni Margareth. Nang manganak sila pareho ay nataon na wala ka. Kinailangan niyong magpunta ni Don Timoteo sa America para sa negosyo niyo. "Bakit kita kailangan na paniwala

