Nang lapitan siya ni Zeny kanina ay hindi pa rin siya makapagsalita. Hindi niya malaman kung paanong ipapaliwanag ang lahat ng buong katotohanan kay Zeny. Paano niyang sasabihin dito ang totoo? Kung ang mismong inaakala nitong kakampi na si Donato ay siya mismong may gawa ng lahat? Napagtanto niya na totoo ang lahat ng sinabi sa kanya ni Poleng. Tandang-tanda pa niya nang gabi na umalis si Margareth na kasama ang isang lalaki na hindi niya kilala, tatlumpu at apat na taon na ang nakakaraan. "Margareth, kailangan kong muling bumalik sa construction firm natin. Kailangan kong maipasa ang business proposal kay Mr. Hong kinabukasan ng umaga. Baka bukas ng tanghali na'ko makauwi." "Ganoon ba? okay, sige. Mag-iingat ka na lang. Tawagan mo'ko agad kapag nasa opisina ka na ha?" "Oo, naman." H

