Alex : Sa pagpasok nila sa mansyon ay halata sa mukha ni Pia ang pagkamangha sa nakikita na desenyo at pagkakagawa ng kanilang tirahan. "Nakaka-amaze naman," wika nito habang inililibot ang paningin sa loob ng kanilang mansyon. "This house really fantastic. Nakakatuwa dahil parang nararamdaman ko na nakarating ako sa unang panahon. I like your house talaga... Ano ang secret ng house niyo, Alex? It seems that napakatibay talaga ng pagkakagawa," maarteng wika nito sa kanya. "Oo matibay nga ang pagkakagawa nitong house. Sabi ni Papa noon talagang pinaglaanan ng panahon ang pagkakagawa nito ni Lolo. Si Lolo kasi ang nagdesenyo at gumawa ng plano nitong house. Si Lolo kasi ay isang architect while ang circle of friends niya ay mga engineer naman. So, ayun… Nagtulong-tulong sila para maitay

