Chapter 44

1194 Words

Rodrigo : "Napakaganda pala talaga rito, Ygo!" namamanghang wika ni Pia sa kanya habang inililibot ang paningin sa tanawin na nakikita. "Oo nga, maganda rito," sang-ayon naman niya sa tinuran nito habang ang mata ay nakatutok sa daan at manaka-naka na tumitingin kay Pia. Kasalukuyan na nilang binabagtas ang daan papuntang mansyon. "Kailan mo ako dadalhin sa hacienda niyo?" pagkuwan ay tanong nito sa kanya. "Titingnan natin kung maidadala kita ngayon, Pia. Medyo mainit na kasi. Kung sakali ay pwede naman mamaya kapag lumulam ang panahon." "Talaga?! Sabi mo iyan ha!" "Basta sana ay huwag mong kalilimutan ang mga kondisyon ko, Pia at ang pinag-uusapan natin. Lalo na kapag nasa mansyon na tayo." "Oo naman. Walang problema," sagot nito sa kanya. Alexandria : Ipinasya niyang magtungo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD