Alexandria : Busog na busog si Alexandria dahil sa sarap ng kain niya kanina sa kusina. Hindi na niya masyadong dinibdib ang pag-iwan sa kanya ni Rodrigo. Ipinasya na niyang umakyat. Kakanta-kanta pa siya habang binabaybay ang hagdanan na akala mo ay baliw. Nang itutulak na niya ang pinto ay naka-lock pala ito. Kinuha niya ang susi sa pantalon at binuksan na ang kanilang silid. Pagbukas niya ay basta na lamang niyang iniwan sa may gilid ang travelling bag at inilatag ang sarili sa higaan. Hindi niya inaasahan ang malanghap ang amoy na naiwan ni Rodrigo sa higaan. Napakabango nito. Napayakap tuloy siya sa isang unan at hindi niya naiwasan na pangarapin na kasama at katabi niya ang gwapo niyang asawa. Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon? Napakaaga naman pala nitong umaalis. Masyado naman

