Alexandria : Halos liparin na niya ang daan pauwi upang mabilis na siyang makarating sa kanilang tahanan. Alas singko pa lamang ng umaga ay nagbiyahe na siya upang agad na makarating sa Bulacan Nasasabik bagamat medyo kinakabahan siya dahil muli na naman silang magkikita ni Rodrigo… Ang pinakamamahal niyang asawa. Kagabi pa lamang ay nagpaalam na siya kay Mika. Maging ito ay dismayado dahil wrong timing ang pag-uwi ni Rodrigo. Sa wakas nga ay tanaw na niya ang hacienda. Agad siyang pinagbuksan ni Mang Temyong nang magbusina siya. Nagpasalamat siya at pumasok na. Napakunot ang kanyang noo nang matanaw niya ang isang bago at magarang sasakyan na naka-park malapit sa kung saan siya mismo nagpa-park. Naisip niya na baka may bisita silang dumating. Inilabas niya ang ulo sa bintana ng sasaky

