"Grabe ka sa akin, Best ha. Baka pwedeng mauna na tayong kumain sa kanila. Gutom na'ko, oh," nagmamakaawang wika nito sa kanya. Pagkuwan ay hinimas pa nito ang tiyan. "Huwag mo akong artehan, Best. Ganyan na talaga originally ang tiyan mo noh. Ayaw mo nga na lumalaki iyan," paismid na wika niya kay Mika. "Iba naman ngayon, gusto ko na talagang kumain. Gutom na talaga ako." Sa sinabi nito ay tumayo siya at kumuha ng pandesal. Nilagyan niya ng palaman na cheese at pagkuwan ay ibinigay sa kaibigan. "Hayan, kainin mo." "Hah?! Best naman! Naglalaway na'ko sa niluto mo. Mukhang masarap eh," reklamo pa rin nito. "Pigilin mo ang paglalaway mo!" "Grabe. Matitiis mo talaga ako na huwag pakainin?" may hinanakit na wika nito sa kanya. "Pinapakain kita, Best. Ayaw mo lang! Mapili ka masyado," w

