Kinabukasan ay excited na ang lahat. Marami ang masaya sa magaganap na pag-iisang dibdib nila Alex at Rodrigo. Maagang nagising si Alexandria. Pinilit niyang makatulog nang maaga kagabi kahit na nahirapan siya dahil laman ng isip niya ang imahe ni Rodrigo. Hindi na muna niya ginising ang kaibigan. Naligo na siya agad. Paglabas niya ay nasa mismong pintuan na rin pala ito ng banyo. "Good morning, Best," bati nito sa kanya. Hahalik sana ito sa kanya nang hawakan niya ang bibig nito na hahalik sa kanyang pisngi. Nagtatakang tumingin ito sa kanya. "Best, maunawaan mo sana. Kasal ko ngayon," paliwanag niya rito. "Ano'ng connect kung kasal mo ngayon?" "Mag-toothbrush ka muna saglit." "Ga*a ka talaga eh, noh? Ikakasal ka lang naging maarte ka na!" Tinawanan lamang niya ang sinabi nito. Nap

