Ygo : Matapos ang kasalan ay dumeretso na nga sila sa kanilang bagong silid. Magkahawak ang kamay na nagtungo sila sa bagong silid nila. Si Rodrigo na ang nagbukas ng pinto gamit ang susi na mula kay Don Amado. Hindi nila inaasahan ang dadatnan sa loob niyon. Puno ng rose petals ang higaan habang sa gilid ay may vase na may nakalagay na mga puti at pulang rosas. Excited na pumasok si Alex sa silid habang si Rodrigo ay panay ang tingin sa orasan. Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Rodrigo ang ayos ng higaan. Kanina pa siya hindi mapakali. Mukhang kailangan na talaga niyang ihanda ang gamit na dadalhin sa pag-alis. Kanina pa talaga sana niya gustong umalis ngunit hindi siya makaalis-alis. Hindi niya kayang iwan si Alexandria sa handaan nang ganoon na lamang. Ayaw niyang mapahiya ito sa gagaw

