** The DECEIVING Tactics. **SHANNON'S POV** "ANO! Saan pong hospital iyan! T-teka sandali lang, opo sige po papunta na po ako jan." Nataranta ako ng marinig ko ang isang masamang balita. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero ng marinig ko ang pangalan ng taong nasangkot daw sa isang aksidente sa kalye ay kinabahan ako ng biglaan. "Hija anong nangyari at bakit hinahangos ka?" Tanong ni manang ng nag-aalala ng makitang hindi ako mapakali matapos kong sagutin ang tawag sa telepono. "Manang, si Jonathan po naaksidente." Taranta kong saad at nagmadali na akong kumilos para iayos ang mga gamit na kailangan kong dalhin. Kailangan kong makapunta roon dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Pagkalabas ko ng kwarto ay ibinilin ko na lang sa kanya ang mga bata. Hindi ko din kasi sila

