PROLOGUE
"My gosh! Ang stupid!"
Pabagsak akong naupo pero agad ring napangiwi dahil semento pala ang inuupuan ko. s**t, I forgot. Ang sakit tuloy ng puwet ko.
"Ang ingay mo. Parang isa ka rin sa mga babaeng 'yon," Dawn said tapos tinuro ang mga babae na nasa kabilang side na masama ang mga tingin sa amin. Siguro mga girlfriends sila ng mga kalaban.
I arched my brow at my cousin. "Excuse me? Gusto mo ng sampal?"
Nakakainis 'to. Those girls are ugly and I don't want to be called as one of them! Sa ganda kong ‘to? I am not Elliza Themis Fuentivida for nothing.
"’Wag ka na mag ingay. Ang sakit sa tainga," tamad niyang sabi at nilagay sa magkabila niyang tainga ang earpads niya.
Ayaw talaga ni Dawn sa mga crowded places. She’s the kind of person who prefers to be alone than being with a lot of people lalo na kung maingay. Kung hindi lang siya pinilit, hindi siya pupunta ngayon dito.
We're watching a basketball game. Talagang dumayo pa kami sa isang barangay para lang makapaglaro ang mga pinsan ko. At katulad ni Dawn, pinilit lang din ako. Wala kasi silang magawang matino sa mga buhay nila kaya kung ano-ano na lang ang ginagawa tapos dinadamay pa kami. Sino sila?
They’re my cousins.
"I'm sleepy," Echo murmured and rested his head on my shoulder.
"Why don't you join the game? Sayang jersey," sabi ko sa kanya, my eyes are watching the boys playing.
He pouted. "I'm not good like them. Ixion will just kick my ass out of the game."
I leered. I just remembered na lampa pala ang isang 'to pag dating sa basketball.
Echo Fuentevida is our bunso. Kaya minsan hindi siya nakakasabay sa ibang guys ng fam namin kasi masyado siyang innocent at walang alam sa ibang bagay.
Tumingin ako ulit sa mga pinsan ko na parang mga batang walang magulang kung maglaro sa gitna ng court habang super serious naman ng mga kalaban nilang mga jejemon. Don’t get me wrong, ha. I am not judgmental at the moment because I call this describing. Magkaiba 'yon.
Tumatakbo si Hint habang hawak ang bola pero agad ring huminto when one of the members blocked him. Napairap na naman ako nang kumembot siya habang hinihintay si Hex na makalapit para maipasa niya ang bola. The crowd went wild, again, because of what he did. Everytime na kumikimbot si Hint ay naghihiyawan ang mga tao lalo na ang mga babae na halos mamatay na sa kilig!
Well, my cousins are handsome. Alangan namang i-down ko sila, e, magkalahi kami.
"Ang stupid talaga!" inis ko na namang reklamo nang hindi nasalo ni Hex ang bola na pinasa ni Hint.
Nagising ko tuloy si Echo na mukhang natutulog na ata sa balikat ko at napalingon din sa akin si Dawn at si Kuya Rixton na tahimik lang na nanunood.
"Ang ingay mo."
Napanguso ako nang magsalita si Kuya Rixton na kanina pa tahimik habang nanunood sa mga kabobohan ng mga pinsan namin sa court.
Si Ixion, Hex at Hint lang ang mga pinsan ko na naglalaro while mga kaibigan naman nila ang ibang members since hindi marunong si Echo at ayaw naman mapagod ni Kuya Rix.
"Ang seryoso mo," sagot ko at umirap.
Natapos na ang game at mabuti na lang dahil nanalo sila. Nakakahiya naman kung natalo sila na mga pasikat.
Bago pa sila nakalapit sa amin ay hinarangan pa sila ng mga babaeng nakasuot ng maiikling shorts. I can even see their panties! Like, ew! Their singit looks so madumi and… dark. Tawang-tawa si Echo at ngisi naman ng ngisi si Kuya Rixton dahil alam nilang nandidiri na ang mga pinsan namin. After answering some questions from those girls, lumapit na sila sa amin na basang-basa ng pawis.
Hint was about to hug me but I pushed his chest. "Don't you dare come near me, Hint Zepherus. Malilintikan ka talaga sa akin."
Ang bango-bango ko tapos yayakapin niya akong basa siya ng pawis? And don't forget na dumidikit sa kanya ang mga jejemon kanina na may amoy ang kilikili. I'm not judgemental kasi bawal judgemental. Talagang naamoy ko kanina ang mga kilikili powers nila kasi kasabay namin silang pumasok ng gate. Tapos super liit pa ng gate and ang daming tao na pumapasok kaya nagdikit-dikit. Barangay Sardinas ata 'tong napuntahan namin.
"Ang arte nito. Parang hindi naman mabaho utot mo," sabat niya at kay Dawn naman lumapit but the latter moved and walked towards me. Ayaw din dumikit ng babaeng tahimik sa kanya. Bleh!
I arched my brow at him. "Bakit? Mabango ba utot mo? Lahat naman ng utot mabaho, ‘di ba?"
"May perfume daw kasi utot niya. Naka-auto Victoria Secret ang amoy kapag lumalabas sa pwet!" Si Justin ang sumabat. Kaibigan nila.
Umirap ako. "Stupiders."
I looked at Hexdo na hindi nagsasalita. Busy pala sa cellphone niya. Si Ixion naman ay may akbay na babae hindi kalayuan na ikinagulat ko.
"He is freaking flirting again. Sa dinami-dami ng lugar talagang nakahanap pa siya ng lalandiin niya sa lugar na 'to? A girl from Barangay Sardinas, seriously?" hindi makapaniwala kong sabi habang ginagalaw ang kamay ko sa ere.
Tumawa sila at tinignan din si Ixion na hinahalikan na ata ang babae or nag bubulungan lang sila? Like, ew.
"What do you expect? Kahit kahoy basta nakapalda, papatulan niya. ‘Wag ka na magulat kung nakabuntis 'yan one day isang araw," sagot ni Hint kaya nakita kong bigla na namang natulala si Echo sa ere habang nag-iisip.
Napabuntong hininga na lang ako. Ang weird kasi ng mga cousins ko unlike me na gorgeous lang, the end. Charing.
Si Dawn. Minsan tinatawag na boyish kasi hindi siya katulad ko na mahilig sa dresses and skirts. Mas gusto niyang mag pantalon or mag jogging pants. Kapag naman naka-jersey shorts siya, malaking t-shirt ang pinapares niya. She don't like crowded places too. Kapag alam niyang maingay sa isang lugar, magdadala talaga siya ng headphones at kapag sinuot niya 'yon, para na siyang may sariling mundo.
Si Echo. As what I have said, siya ang bunso sa aming magpipinsan pero hindi naman nalalayo ang edad niya sa amin. Hindi tulad ng iba, si Echo ang pinaka-inosente sa lahat. 'Yong bigla na lang siya matutulala kapag may bagay na hindi naintindihan. For example, nag-uusap tungkol sa babae ang mga guys, magugulat ka na lang dahil tulala na siya habang iniisip kung ano ang pinag-uusapan ng mga taong nasa paligid niya. He is our cute baby, but I'm the cutest, duh.
Si Kuya Rixton. The eldest, pero super hot. If it happens na hindi ko siya pinsan I might gonna have a crush on him talaga. Hindi na siya nag-aaral like us. His is already 25 pero kahit saan kami pupunta, lagi siyang kasama kahit tumatahimik lang siya. Parang bantay, gano'n. Lagi nga lang seryoso kapag maraming tao but he is the coolest kapag kami-kami na lang ang magkakasama.
Si Hint. Our clown. The funniest guy that we have. Siya 'yung type ng guy na ginagawang biro na lang ang mga bagay-bagay. Kahit annoyed ka na, papatawanin ka pa rin niya. He is also the sweetest cousin for me. Pareho sila ni Echo na mahilig sa yakap and sweet gestures.
Si Hexdo. Medyo seryoso rin. Madaling magalit at mainis kapag ayaw niya sa nakikita niya. Hint and him are twins pero malalaman mo agad kung sino sila by just observing. Hexdo is also the smartest among us at pangalawa naman si Kuya Rixton. Every exam ay nakakalibre ng sagot si Hint at Ixion dahil magkaklase at magkakatabi lang sila ng upuan!
Lastly, si Ixion. The malandi s***h gago. Mahilig sa hot, sexy and beautiful girls. Hindi ko nga alam kung bakit nakapulot siya ng babae dito sa Barangay Sardinas?! Wala talaga siyang pinipili. Magkapatid sila ni Dawn pero ang laki ng pinagkaiba nila. But even though Ixion is a freaking womanizer, he cared for me and Dawn. Siya at si Kuya Rixton ang sobrang protective gayong silang dalawa ang nakikita kong madalas may kasamang mga babae at paiba-iba pa.
Takot lang na magawa sa amin ang ginagawa nila?
"Nauuhaw ako," bulong ni Hex habang hawak pa rin ang cellphone niya. Sunod namang nagreklamo si Hint kaya tinignan ko ang water bottle ko kung may laman pa ba pero wala na.
"I'll buy," sabi ko at inayos ang pagkakasabi ng shoulder bag sa balikat ko.
"Sama ako," mahinang sabi ni Dawn at tumingin sa akin.
I shook my head at her. "You stay here, sis. Masakit ang paa mo, right? Malapit lang naman ang bilihan," I answered.
Pano ba naman kasi, habang papasok kami kanina dito bigla na lang siyang natapilok kahit naka-flats lang naman siya.
"Maraming lalaki sa daan, Themis. Magpasama ka," sabat ni Kuya Rixton.
"Ako na lang sasama!"
Napalingon ako kay Justin na nakataas pa ang kamay habang nakangiti ng malawak. Napangiwi ako at umirap sa kanya.
"I can go alone, okay? Malapit lang ang bilihan ng tubig d’yan," pilit ko sa kanila at naglakad na bago pa nila ako pigilan.
Pero natigilan na naman ako nang madaanan ko si Ixion na lumalakbay ang kamay sa katawan ng babae niya ngayong gabi.
"Where are you going? Bakit wala kang kasama?"
I rolled my eyes at him and to the woman on his side. "Bibili lang ng tubig. ‘Wag OA, ha?"
Tumalikod na ako at nag hanap ng nagbebenta ng tubig pero puro shakes at juices ang nakikita ko.
I sighed and started walking again. Naiinip at naiinis na ako dahil sa mga lalaking panay ang sitsit sa akin kapag dumadaan ako. They're even looking at my legs and thighs dahil naka-shorts lang ako. I didn't know naman kasi na dito pala kami pupunta, e ‘di sana nag pants ako. Hindi ko naman ikakatuwa na may mga katulad nila na titingin sa akin.
Huminto ako sa may bilihan ng mani dahil nahihilo na ako sa sobrang dami ng tao. Tapos ang ingay pa.
I took my Chanel wallet at bumili ako ng mani sa baklang nagtitinda at kinain 'yon habang naghahanap pa rin ng mabibilhan ng tubig. Kapag kasi ganitong galing sa laro ang mga pinsan ko, mas gusto nila ang water kaysa sa juice kaya hindi ako pwedeng bumili no'n.
"Gosh, I'm getting pissed. Saan ba kasi may tubig dito?" mahinang tanong ko at sumubo ng mani.
"Hanap mo tubig, girl?"
Napalingon ako sa baklang nagtitinda ng mani kanina. Wala siyang customer bukod sa akin dahil halos lahat ng tao ay nasa isang gilid at parang doon bumibili.
I nodded at him. "Yes. Mero’n ba?"
Bigla siyang pumalakpak at ngumisi. "Aba, mero’n! Kita mo 'yon?" Bigla niyang tinuro ang kumpulan ng mga tao sa kabilang side. Mostly babae ang nakikita ko at mga bakla rin na parang ayaw na atang umalis.
"Yeah," I answered.
"Doon ka bumili ng tubig. Ramihan mo, ha? Siguradong mauuhaw ka lalo kapag nakalapit ka na."
My forehead creased. What is this gay talking about? Paano ako makakahanap ng tubig sa kumpulan na 'yon?
"Are you serious?" hindi makapaniwala kong tanong.
"No. I'm Bobang, not Serious."
Humugot ako ng malalim na hininga at hindi na lang siya pinansin. Ayaw kong mainis sa kanya kaya naglakad na ako palapit sa kumpulan ng mga babae na 'yon at tinignan kung ano ang binibili nila.
My eyes widened when I saw the bottles of water on their hand! Sa wakas!
Kahit masikip ay pinilit kong makadaan para makalapit sa nagtitinda. I wonder kung bakit ang dami niyang costumer? Siya lang ba ang nagtitinda ng tubig sa Barangay na 'to?
"Aray!" napasigaw ako nang bigla na lang may umapak sa paa ko. "Oh gosh, my nails."
Kakapa-manicure ko pa lang yesterday! Omg, this girl! Nadumihan pa ang Chanel kong shoes because of her!
I looked at the girl na umapak sa paa ko and glared at her. Pero bigla na lang niya kong inirapan at tinulak para makalapit siya lalo sa nagtitinda!
Hindi makapaniwal akong napabuga ng hangin at sumunod sa kanya. I pushed her kaya bigla siyang natumba sa sahig na bigla na lang ikinatigil ng lahat ng bumibili. All of them looked at the girl who looked so embarrassed right now. Paanong hindi mahihiya, e, nakahalik na sa lupa?
That is your consequence for rolling your eyes at me. I'm a Fuentevida and no one dares to do that.
"S-sinong may gawa no'n?!" bigla niyang sigaw kahit pinagtatawanan na siya ng mga tao. She looked at me pero agad akong umiwas ng tingin. I want to laugh at her dahil alam kong alam niya na ako ang tumulak sa kanya pero hindi na siya gumawa pa ng aksyon. Napahiya na siya, e.
I flipped my hair and looked at the person na nagbebenta ng tubig. And my jaw almost dropped when I saw his face. I felt like bigla na lang nag-pause ang lahat ng tao, pati ang pag lipad ng buhok ko nang makita ko siya. He is also looking at me kaya nakita ko ang kulay ng mata niya. Dark brown 'yon at kumakabog ang dibdib ko sa paraan ng pag tingin niya sa akin. I don't know why.
He has a thick eyebrows and a perfect nose. A red lips that will make the girls swoon over him, just like what is happening at the moment. He has a playful smile on his lips na parang hindi na matatanggal. Ang buhok niya naman na kulay itim ay medyo mahaba ang parang bangs kaya tinali niya gamit ang rubber band. Nagmukha siyang tambay pero gwapo. Tambay na bumaba galing sa Mt. Olympus.
I'm already used to my cousins faces na gwapo at hindi basta-basta, but this one is different.
I faked a cough and took the money on my wallet. "W-water."
Nakagat ko ang labi ko nang bigla akong pumiyok. And to my surprise, he chuckled while looking at me. Pakiramdam ko tinawanan niya ang pag piyok ko. At nakakainis dahil imbes na mainis, parang nagustuhan ko pa ang mahina niyang pag tawa!
"Ilang tubig, Ma'am?" he asked, still looking at me.
I faked a cough again. "Apat."
Tumango siya at kumuha na ng tubig sa malaking ice box na nasa harapan niya. Parang bigla rin akong inuhaw.
Tama ang baklang nagtitinda ng mani kanina. Nakakauhaw ang nagtitinda! Bakit nag-eexist ang isang gwapong katulad niya sa Barangay Sardinas?! Kaya naman pala maraming customers.
"Ikaw tumulak sa kanya 'no?"
Nagulat ako sa bigla niyang bulong. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakarinig no'n dahil parang lahat naman ng tao ay nasa kanya ang atensyon.
Pinagbibintangan niya ba ako?!
Okay, ako naman talaga ang may gawa no'n. Pero bakit ko naman aaminin sa kanya?
"Excuse me?" mataray kong sabi at tinaasan siya ng kilay. Narinig 'yon ng mga babae sa paligid namin kaya bigla silang nagsinghapan.
"Ay, ang sungit. Ang ganda pa naman."
Matutuwa sana ako kung sinabi niya lang na maganda ako pero hindi ko tatanggapin ang pag tawag niya sa'kin ng masungit.
"Hindi ako masungit. Akin na ang tubig ko." Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya.
Tumawa na naman siya at sinipsip ang labi niya. "Atat po, Ma'am? Hindi niyo po kayang bitbitin ang apat dahil maliit ang mga kamay niyo."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Are you underestimating me?"
Umiling siya. "Hindi naman po. Nag-aalala lang ako sa inyo."
"At bakit?"
"Kasi sayang ang kamay mo, Ma'am. Ang ganda pa naman." Ngumisi siya. "Maganda rin ang mukha mo, kaso mukha ring maldita at spoiled brat. Not my type, Ma'am."
Nanlaki ang mga mata ko. I even heard some girls laughed at me dahil sa sinabi niya. Para kasi niyang pinaparating na may gusto ako sa kanya pero ayaw niya sa akin dahil maldita at spoiled brat daw ako!
Excuse me?!
Alam ko!
Pero hindi niya kailangang sabihin 'yon sa maraming tao! Duh!
"You're not my type either." Naiinis kong kinuha ang plastic na pinaglagyan niya ng mga tubig na binili ko. "And FYI, alam kung maldita, spoiled brat, at maganda ako."
Kinagat niya ang labi niya at tumawa. "Taas naman ng bilib sa sarili, lods!"
I smirked at him. "Totoo naman, ah. Kahit kanino mo itanong, sasabihin nilang maganda ako. I may be not your type," I flipped my hair in front of him. "But if you'll see me again, hindi mo na maiiwasang magustuhan ako and....
YOU MIGHT FALL."