Chapter 2

1741 Words
Ako si Aira Chavez, labing Apat na taong gulang, second year high school pa lamang ako namatay na ang aking ama, anim na buwan pa lamang ang nakalipas, wala pang isang taong anibersaryo sa pagkamatay ng tatay ko nag asawa na agad si nanay, masama ang aking loob sa ginawa ng aking ina, sapagkat kay bilis naman niyang nakalimutan ang presensiya ng aming ama. Sinabi ko kay nanay na sa ngayon hindi ko muna matatanggap ang asawa niya, dahil sariwa pa sa akin ang pagkamatay ng aking ama. May ipinatira siyang lalaki sa aming tahanan na si Archie Pula. Tatlong buwan pa lang siya nakatira sa amin, hindi ko inaasahan na mangyari sa akin ang sinapit ko ngayon, sa tatlong buwan niyang pananatili sa aming tahanan, tatlong buwang din niya akong ginagalaw. Oo! Ginagahasa ako ng aking ama-amahan, hindi ko masabi kay nanay na apat na beses sa isang araw laging may nangyayari sa amin, sa gabi kapag tulog ang lahat ginagapang niya ako, maraming beses niya akong ginagalaw sa gabi, sa umaga kapag wala si nanay kahit sa kusina ginagawa niya kahit saan siya abutan ng kamanyakan niya. Napabayaan ko na ang aking pag aaral dahil sa mga nangyayari sa akin palagi akong lutang, nawawala ako lagi sa aking sarili, lagi akong tulala, lumilipad ang aking isipan. Gusto kong mag sumbong sa mga pulis ngunit kinakain ako ng takot, dahil sa mga pag babanta niya sa akin. Pinili kong umalis at mag pakalayo layo upang matakasan ang mga hindi magandang nangyari sa akin, ngunit alam ko sa aking pag alis sa aming probinsiya ay may kapalit at ang kapalit noon ay ang takot na hindi ko alam kung anu ang magiging buhay ko sa ibang lugar, at ang takot na baka ang kapatid ko naman na babae ang gagamitin ng demonyong lalaking iyon upang gawing parausan, gagawin ko ang lahat para mapagbayaran niya ang mga kahayupan niya. Isusumpa ko sa aking sarili at sa itaas. Nandito ako ngayon sa Maynila, Nag tatrabaho sa mansiyon ng mga Villa Flores, Anim na buwan na ang aking tiyan, malapit na ang aking kabuwanan, buti nalang mabait ang amo ko, siya na daw ang sasagot sa lahat ng gastusin ko, balak din niya na pag katapos ko manganak ay pag aaralin niya ako ulit, nahihiya ako sa kanya, ngunit iyan ang inalok niya sa akin. Ang kwento ng mga tauhan dito wala nang pamilya si sir. unico iho siya ng mga Villa Flores lahat namayapa na,hindi lang siya basta bastang mayaman kung hindi umaapaw sa kayamanan at sa kaguwapohan si sir. Balita ko wala pa daw siyang natipuhan na babae, ngunit marami ang nag hahabol sa kanya. Si sir ang tipo na mailap sa babae kahit anong sexy at ganda mo, hindi yan siya mag lalaway. Kung hindi mo lubusang kilala si sir Alfredo, baka isipin mo na bakla siya. Noong unang buwan ko dito sa mansiyon inaakala ko strikto siya, pero kalaunan unti unti ko na siyang nakilala,noong nalaman niya na buntis ako akala ko palalayasin niya ako sa mansiyon, ngunit nagulat ako noong sabihin niya sa akin na siya na ang gagastos sa lahat ng gastusin, particular na sa panganganak ko. Nag usisa siya sa akin, tinanong niya ako, kung bakit sa mura kung edad ay ganito ang sinapit ko. Kinuwento ko kay sir ang lahat na ginahasa ako ng aking ama amahan, kaya napilitan akong huminto sa aking pag aaral at mag pakalayo layo sa lugar namin.Nakita ko ang galit at awa niya sa akin, mag kahalong emosyon ang nakikita ko sa kanya , kaya nangako siya na pag katapos kong manganak ay babalik ako sa pag aaral, siya na daw bahala doon, gusto pa niya na pa imbestigahan ang nangyayari sa akin. Nakiusap muna ako sa kanya na wag muna sa ngayon. Baka pag kaya ko na siyang harapin. Napakabuti ni sir. pati ang checkup ko sagot niya lahat. Hindi rin siya pumalya sa pag papadala ng pera doon sa probinsiya namin kahit halos wala na akong ginagawa dito sa mansiyon, pati vitamins ko at kung anu ano pang kailangan ng magiging baby ko ay sinagot na niya, may sarili na rin silid ang baby kapag nanganak ako doon na kami matulog sa nursery room, isang bakanteng kuwarto sa mansiyon na pina renovate niya para sa baby ko. Kumpleto na rin may kuna, duyan at kung anu ano pa, mas excited pa si sir kay sa sa akin. Birthday ko ngayon pang labing limang taong gulang ko, tumawag ako sa amin masaya nila akong binati, nakarating kay nanay na buntis ako, Si ate Alena siguro ang nag sabi ang ate ni Analie. Nagalit si nanay subrang galit siya sa akin a kinasusuklaman niya ako, sinira ko daw ang tiwala niya sa akin, sayang daw ang pagiging matalino ko hindi ko daw ginagamit, sikretong malandi daw ako. Masakit para sa akin na ganoon ang mga narinig ko kay nanay napahikbi ako sa mga narinig ko sa kanya. Pinatay ko na ang telepono. Hindi ako dapat mag pakastress sasabihin ko rin kay nanay ang totoo pag katapos kung manganak at makabawi na ako ng lakas. Sa susunod na buwan na ang kabuwanan ko. Madalas kung kausap at hinihimas ang aking tiyan, kahit galit ako sa tatay nito kahit hindi ito ang tamang panahon para maging isang ina. “susubukan kong maging isang mabuting ina para sayo anak, pasensiya na kong galit ako sa tatay mo at kina susuklaman ko siya anak, ikaw pa rin ang pipiliin at mamahalin ko ikaw ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban mahal na mahal kita ha”. Wika ko hababng hinihimas ang aking tiyan. Hindi na ako pinapakilos sa mansiyon, ina antay nalang kasi na lumabas ang bata kaya sabi ni sir leave ko na daw ito. Excited na si sir sa gender ni baby, hindi kasi ako nag pa ultra sound, ang sabi ng doctor dalawa daw ang heartbeat ng bata pero hindi ko iyon pina alam sa kanila,hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon, tumango tango lang ako sa sinabi ng doctor sa akin, sabi ng doctor mag pa ultra sound daw ako, pero hindi ko na ginawa, hindi ko kasi alam kung saan ako mag pa ultra sound,. Sa mura kong edad may mga bagay na hindi ko maintindihan pero sinusubukan kong intindihin, sa tuwing nag pa pacheck-up ako si Analie lage ang kasama ko, sa Health Center Lang kami nag papa checkup, may pera na inaabot sa amin si sir. ngunit hindi namin ginagastos iyon sa halip iniipon namin ni Analie pandagdag gastusin pagnanganak na ako, kahit inako na ng amo ko lahat ng gastusin sa panganganak ko,nakakahiya pa rin, nitong nakaraan lang kami, nag pacheck -up sa private hospital ni refer kami ng mid wife doon, sa edad ko daw kasi at sa laki ng tiyan ko kailangan ko sa hospital manganak. Sinabi sa amin ng doctor kailangan ko daw e CS, hindi ko iyon naintindihan, paliwanag ng doctor nauna daw ang papa ng bata kaya mahirap na, dalawang lingo nalang manganganak na ako, kahit anong oras o araw na ngayon posibleng lalabas na si baby. Pag uwi naming sa mansiyon sakto naman na nandito si sir. kaya sinabi na namin ang lahat sa kanya, tuwang tuwa siya at kambal pala ang baby. Pinaready na niya lahat ng pwedeng dalhin at gagamitin namin ni baby sa hospital. Gabi na tulog na ang lahat, sinipat ko ang orasan na nakadikit sa dingding, alas dos pa lang ng madaling araw. Ahhh sumasakit ang balakang ko, pinakalma ko muna ang aking sarili baka lamig lamang ito o kung anu-ano lang, ngunit habang tumatagal tumitindi ang sakit na nararamdaman ko, kaya hangga’t kaya ko pang mag lakad at tumayo, kinuha ko ang mga gamit na dadalhin namin sa hospital, lumabas ako ng silid at dala ko ang bag na dadalhin sa hospital, maaga pa naman at tulog pa ata ang mga tao sa mansiyon, kasi mga alas dos pa lamang ng madaling araw,. Hindi ko na alam ang aking gagawin, hindi ko alam kung sino ang tatawagin ko, malapit ako sa silid ni sir, ngunit naisip ko si Analie, sa tindi ng sakit na nararamdaman ko, dahan dahan kong nilakad ang kinaroroonan ng silid ni sir Alfred, napapaungol na ako sa sakit at nararamdaman ko na parang may tumagas nan a likido sa aking puwerta, narating ko ang silid ng aming amo, nakakahiya man ay kailangan ko muna isantabi itong hiya ko, kumatok ako, nakatatlong beses akong katok ngunit walang nagbukas ng pintuan, subrang sakit na ng nararamdaman ko, napaupo ako at napasandal sa pintuan ng silid ni sir. at napaungol sa tindi ng hilab, ilang sandali pa, may nagbukas ng pintuan at alam ko si sir iyon, nakita niyang namimilipt ako sa sakit inalalayan niya ako, manganganak na ako sir. binuhat niya ako at dali daling pinasakakay sa kanyang sasakyan, ni hindi na siya nag tawag pa ng makakasama namin, siya na rin mismo ang nag maneho ng sasakyan, may tinawagan siya sa kanyang telepono ngunit hindi ko na iyon pinansin kailangan na naming makarating sa hospital. “Nakaduty ngayon ang doctor na mag papaanak sa iyo. Ani ni sir Alfred. Ungol lamang ang aking naisagot sa tindi din naman kasi ng sakit. Halos Paliparin na niya ang kanyang sasakyan para makarating kaagad kami sa hospital, mabilis naman kami nakarating, pagdating namin may sumalubong agad sa amin na isang nurse na may dalang wheelchair, pinaupo niya ako ng dahan dahan doon, nakita ko si sir. Alfred parang namumutla at subrang natataranta na siya sa mga nangyayari,. Dinala na ako sa operating room, mabilis naman ako na asikaso ng mga doctor doon, napag alaman ko na bestfriend pala ni sir ang doctor na nagp paanak sa akin dito kaya pala ganoon sila ka close. Ilang saglit pa may narinig na akong iyak ng baby, parehong lalaki ang mga anak ko, pagkatapos akong asikasuhin ng mga doctor at nurse, dinala na ako sa isang pribadong silid at doon naabutan ko si sir Alfred, kasama ang dalawang nurse na may mga bitbit na baby, palagay ko sila na ang kambal,nakahiga lang ako lumapit si Sir Alfred sa akin at pinapakalma ako, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa aking mga mata, sa edad kong kinse anyos may anak na ako, at sa mura kung edad na ito hindi ko alam kung paanu ko sila palalakihin. Sambit ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD