Chapter 13

2056 Words
WARNING: This chapter contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, Spelling and typos. MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Nakakapagod ang buong mag hapon ko, pati ang aking asawa, sinamahan niya ako sa aking lakad buong mag hapon. Sa wakas napapayag ko rin si Airene na sumama sa akin, sa ngayon nandoon siya sa condo ni bunso, may surprise daw si bunso mamayang gabi kaya pupunta kami ni Alfred sa kanyang condo,May tagapangalaga na rin ang mga bata naman ni Airene, inaasikaso na namin ang papers niya palabas ng bansa para doon siya mag aral ng medisina. Isinama ko ang aking kapatid sa ayaw at sa gusto niya, dumiretso kami sa condo kung saan nakatira ang aming bunsong kapatid na lalaki. Doon nalang muna sila ng anak niya titira dahil hindi mag tatagal aalis naman ang bunso namin papuntang ibang bansa at doon mag tatrabaho, isa sa mga kumpanya ni Alfred ang papasukan niya. " Ate Airene?" gulat na banggit ng bunso namin kay Airene. Niyakap niya ito ng mahigpit, batid ko ang pagka miss ng aming bunsong kapatid kay Airene. " K kumusta ka na? ang guwapo mo na." wika naman ni Airene at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kanyang pananabik. " Okay lang ako ate, nakatakas na rin sa masalimuot na sitwasyon." ani ni bunso. " Ahhh bunso pwedeng pag pahingahin muna natin si Airene kailangan niya ng pahinga sa ngayon." wika ko at agad naman kaming pinapasok ni bunso sa loob ng kanyang condo. " Ahhh ate Airah sa susunod na araw na po ang alis ko ng bansa, kailangan ko na po mag ayos ng mga gamit ate." wika ni bunso, Natuwa naman ako sa aking narinig sapagkat mag karoon na ng sariling income ang aming bunso. " A anung bansa ang pupuntahan mo?" tanong ni Airene,. " Ate sa Australia po ako mag tatrabaho ate, tutulungan po kita ate, para matapos mo ang gusto mo pong kurso, mag aaral ka po ha." saad ni bunso. Ngumingiti lamang si Airene, wala itong imik nanakatingin sa kanyang mga anak,batid ko na gusto niyang makapag tapos ngunit parang may pumipigil sa kanyang isipan,. " B bakit Airene may problema ba?" tanong ko. " W wala naman," malamig niyang sagot. " Wag ka mag alala ate, tutulungan tayo ni ate Airah, abugada na siya ate." masayang wika ni bunso. Masaya akong nakikita kung masaya ang aking mga kapatid, sa kabila ng sakit at pait na aming naranasan heto nakikita ko ang tuwa at saya sa kanilang mga labi, sana ganito kami araw-araw at sana ganito kami noon pa. Babawi ako sa lahat ng pag kukulang ko sa aking pamilya lalo na sa mga kapatid ko. wika ko sa aking isipan. "Ate may gagawin po ba kayo bukas? dalawin naman natin si nanay sa probinsiya, gusto ko makita at mayakap muna siya bago ako aalis sa makalawa." Ani ni bunso. Tama si bunso aalis na siya sa makalawa kaya kailangan mabisita muna namin si nanay, matagal din kaming hindi nag kita ni nanay, matagal din na hindi kami nag uusap simula noong itinakwil niya ako, ngunit napatawad ko na siya sa kanyang sinasabi sa akin. " okay bunso mag paalam lamang ako kay Alfred." wika ko. " Ate Airene sama ka ha, uuwi tayong lahat ate sa probinsiya." ani ni bunso. " H hindi ako pwedeng sumama bunso." sagot niya. " Bunso hayaan muna natin si Airene, na mananatili dito sa condo mo,. sariwa pa sa kanya ang lahat ng mga pamgyayari." saad ko.. Tumango na lamang si bunso at dinaluhan si Airene, lagi nalang kasi itong malungkot at lagi nalang parang napakaraming iniisip. Ngunit naiintindihan namin ang kanyang pagiging tahimik, batid ko ang traumang kanyang naranasan noong nasa puder pa lamang kami ng aming amain. Nangako kami ni bunso kay Airene na hindi namin siya pababayaan, lalo na ang kanyang mga anak, aalagaan namin ang mga ito habang siya ay nag aaral, kailangan niyang tapusin ang gusto niyang maging pagdating ng panahon. Nabanggit niya na gusto niya kunin ang bata sa demonyo niyang ama, ito daw ang dahilan kung bakit lagi siyang wala sa kanyang sarili at lutang palagi, lagi nalang itong tulala habang nakatingin sa kawalan. Pumayag si Alfred sa naging pasya namin ni bunso na uuwi muna ng probinsiya upang makita si nanay, ngunit may apat na bodyguards na pinasama sa Alfred sa amin, para sa aming kaligtasan, anim na oras lamang ang aming biyahe, at narating na namin ang aming probinsiya. Ang laki na ng pinag bago ng lugar na ito, halos labing- limang taon akong hindi nakauwi dito sa probinsiya. Bago kami umuwi ng bahay, dumiretso muna kaming sementeryo kung saan inilibing si itay. " Tay! ito na po ako, patawarin niyo ako kung hindi ako nakadalaw sa inyo ng mahabang panahon, marami po kasing mga bagay - bagay na kailangan kung tapusin. Ito na ako ngayon tay, isang abugada na po." may kayabangang wika ko sa puntod ni tatay. Nag alay kami ng bulaklak at nag sindi ng kandila , wala sigurong dumadalaw dito at ang kapal na ng d**o at grabi ang alikabok. Nag hahanap kami sepultorero upang palinisan ito, kinuntrata narin namin si Mang Erning upang siya na ang tagalinis ng puntod ni tatay, sasahuran namin siya ng anim na libo kada buwan, binayaran ko si mang Erning ng paunang tatlong buwan, upang maasikaso na niya ito sa lalong madaling panahon pinabili ko din siya ng pintura upang mapinturahan at bago tingnan, pati numero ni mang Erning kinuha ko na rin. " Maam ang laking biyaya nito maam." mangiyak ngiyak na wika ni mang Erning. "Okay lang po mang Erning, para po mayroon din kayong kikitain buwan buwan, basta ayusin niyo lang po trabaho niya mang Erning ha." saad ko. " O opo maam, maraming maraming salamat po, hulog po kayo ng langit sa akin maam, malaking tulong po ito para sa anak kung nasa hospital po." mangiyak ngiyak na wika niya. Naawa ako sa matanda kaya hiningi ko ang kanyang impormasyo pati sa hospital kung saan naka confine ang anak niya. " Mang Erning, mauna na po kami,.may pupuntahan pa po kasi kami, ito po ang aking calling card. Kung may kailangan po kayo tawagan niyo lang po ako." wika ko na agad naman niya itong inabot, at binasa. " Maraming salamat po ulit Attorney Airah.! nakangiting banggit niya sa aking pangalan. Dumiretso na kami ni bunso sa aming bahay malapit lamang kasi dito sa sementeryo, narating namin ito sampung minuto lamang. Dumating kami sa aming munting tahanan, malaki na rin ang pinag bago nito, konkreto na at kupas na ang kulay ng pintura, ngunit hindi ito katulad dati na kahoy at kawayan lamang. "Ate ikaw diba ang nag pagawa niyan? si kuya Alfred pa nga ang nag huhulog ng pera,".wika ni bunso, pero wala akong idea sa kanyang mga sinasabi. Ngumiti na lamang ako tanda ng pag sang ayon. Wala pang sampung segundo ay may nag bukas ng pintuan at si nanay iyon. " Nay! Anong nangyari sayo at puro pasa at bugbog ang inyong katawan?" wika ni bunso, na ikinagulat ko sapagkat wala naman siyang kasama dito sa bahay, balita ko kasi nag bakasyon itong ama amahan namin, ilang sandali pa, may lumabas na batang lalaki at umiiyak ito. " S sinu iyang mga kasama mo bunso?" pasigaw na tanong ni nanay. " Nay si ate Airah po" sagot ni bunso. " Airah anak?" mangiyak ngiyak na wika ni nanay, na ikinagulat ko naman lalo na at bigla niya akong niyakap. "N nay bakit ganyan ang hitsura niyo?" nanginginig na wika ko. " Anak umalis na kayo, hindi kayo pwedeng madamay, nandito ang tito Archie ninyo at siya ang dahilan ng mga pasa at bugbog ng aking katawan." natatarantang wika ni nanay habang pinapaalis kami. " Nay matagal na kaming damay sa karahasan jan sa demonyong iyan nay. Hindi kami aalis dito hanggat hindi mahuhuli ang taong iyan nay." wika ko sa kanya. na nag iba ang timpla ng kanyang mukha hindi ko maintindihan kung masaya siya o nalulungkot. "Papasukin mo kami nay," saad ni bunso. "Anak hindi pwede.umalis na kayo baka sasaktan niya kayo." takot na saad ni nanay.. " Wag po kayo mag alala nay, may kasama kaming mga bodyguards po, tsaka abugada na po si ate kaya makukulong na po iyan, mabubulok siya sa kulungan nay." wika ni bunso. Pumasok kami at tuloy tuloy sa aming silid, may apat na silid pala ito at batid ko na tig iisa kami ng kuwarto, tinanung ko si bunso kung saan ang aking kuarto, nasa dulo daw ito, dumeritso ako sa dulong bahagi at doon narating ko ang aking silid, ngunit laking pag tataka ko na bukas ito at may mga ungol ng lalaki at babae akong naririnig. " Ahhhh hon,I want hard." ungol na may kasamang daing ng babae. Kaya nakuryoso ako at binuksan ko ang pintuan, bumungad sa akin ang tatlong tao na parehas hubo't hubad, dalawang babae at isang lalaki.. "Huhhh a anung nangyayari dito?" tanong ko sa kanila. " Ehhh ikaw anung ginagawa mo dito? diba dapat kami ang mag tanung niyan? nasa kasagsagan kami ng aming biyahe papuntang langit ehhhh." wika ng isang babae. " Wag wag niyo siya paalisin, kasali siya dito,."wika ng lalaki. " Ohh anu pang ginagawa mo, maghubad ka na at mukhang maraming pera ang makukuha namin sa iyo." wika ng lalaki. " Kuwarto ko ito, at ako ang may ari ng bahay na ito, anu lalabas kayo o ipapakaladkad ko kayo sa aking mga bodyguards" wika ko. " Wag mo kaming yabangan babae, kalingkingan ka lang." wika ng babae habang binabayuhan pa siya ng lalaki. Subra akong nabastusan sa aking nakita kung kaya umalis ako at tumakbo pababa. Nakita ko si bunso at ang mga bodyguards ko na naghihintay sa akin. "Nay anu to?" galit na wika ko. " A anak, kasi ito lang ang paraan upang mabuhay ako, nang marangya at hindi na mag hirap katulad nang dati nating buhay," ani nanay "Kaya ginawa mong motel itong bahay natin nay?" saad ko. " A anak wala na akong ibang paraan ehhh,."wika ni nanay. "Ate pati ang silid ni ate Airene at silid ko may nag check - in. " Salamat nay sa maayos na pakikitungo sa amin, babalik na kami sa Manila nay, at sisiguraduhin ko na makukulong ang demonyo mong kinakasama, babalikan ko kayo nay sa susunod na balik ko, may mga pulis na na dadampot sa inyo." Saad ko kay nanay. Mahal ko ang nanay ngunit sa kanyang ginawa sa amin, hindi na rin makatarungan, mabuti pang sa kulungan atleast madalaw namin siya, kaysa mabugbog at mapinsala ng demonyong Archie ang kanyang katawan, hindi ko iyon matatanggap. Samantala nalaman ni Alfred ang nangyari sa bahay, kaya napasugod siya sa aming probinsiya, wala pang isang oras nakarating na siya dito ngayon ko lamang nalaman na may pribadong helicopter pala ang aking asawa, at sa kanyang pag dating nagulat si nanay kaya nag taka ako. " Sir Alfred?" gulat na tanung ni nanay. " Magkakilala kayo?" tanong ko naman. " Babe, pasensiya na at hindi ko nasabi sayo na nag padala ako minsan ng pera sa nanay mo para ipaayos ang inyong bahay, minsan na kasi ako bumisita dito at nakita ko na may mga sira na sa inyong tahanan kaya nagpasya ako na ipaayos ito,. I gave 1M to your mother just to fix your house, but then nalaman ko na ginagawa niyang motel itong bahay ninyo. Kaya napasugod ako dito at baka mapaanu kayo." mahabang litanya ni Alfred. " Anu? magkasintahan kayo?" tanung ni nanay sa amin. " No she's already my wife nag pakasal kami 5 years ago, it's a secret merriage." wika naman ni Alfred. "Nay bakit kilala mo si Alfred,?" tanung ko. " anak siya ang amo ng tatay mo, matagal din nanilbihan ang tatay mo sa pamilya nila." wika ni nanay. " Kilala mo ako Alfred?" tanong ko. " Of course no, noong nalaman ko na inlove na ako sayo, pinapaimbestigahan ko na lahat, at alam ko kung gaanu katindi ang ginawa ni Archie at most wanted din siya sa iba't - ibang probinsiya, sa salang r**e, trafficking, p****r & user." saad niya. Hindi ko alam na matagal na palang kilala ni nanay si Alfred dahil amo ito ni tatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD