WARNING: This chapter contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, Spelling and typos.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
Nakauwi kami ng Manila na hindi kami nag kaayos ni nanay, ayaw kong mangyayari sana sa amin ulit ni nanay ito, ngunit wala akong nagawa dahil mas pinili niya si Archie kaysa sa aming mga anak niya.
Hinanap namin si Archie ngunit wala doon sa bahay batid ko na nandoon siya sa loob lamang ng bahay kanina, bigla na lamang itong nawala at sa palagay ko tumakas na ito at paniguradong narinig niya ang lahat ng napag usapan namin kanina.
Nangako ako na susulpot na lamang ako nang hindi malalaman ni nanay dahil sa mga susunod na mga araw maisasampa na namin ang kaso na dapat isampa sa kanya. Matagal na din na gustong sampahan ni Alfred iyon ngunit pinigilan ko siya kasi gusto ko ako mismo ang mag hatol sa lalaking iyon.
Hindi ko alam na kilala ni Alfred si tatay at si nanay. Ngunit hindi naman hadlang ito upang mabawasan ang aking pag mamahal sa kanya dahil kahit kailan hindi mangyayari iyon. Mahal ko si Alfred kaya kahit anung mangyari siya lang ang mamahalin ko ng buong puso.
Dalawang buwan na ang nakalipas simula noong umuwi kami ni bunso sa probinsiya, si bunso naman nasa Australia na. Nagpasya akong bumisita sa puntod ni tatay tapos diretso sa bahay namin, may dalawang bodyguards na pinasama sa akin si Alfred. dumating ako sa aming bahay at nadatnan ko si nanay, ibang iba ang hitsura niya ngayon, kumpara noong una naming pag bisita.
" ohh anung ginagawa mo dito? diba wala na kayong pakialam sa akin?" saad ni nanay.
"Nay ang gusto ko malaman kung saan na ngayon si Archie?" tanung ko kay nanay.
" Anak! wag na maawa ka sa kanya siya lamang ang kaligayahan ko." pag mamakaawa ni nanay.
" Nay! sa kabila ng ginawa niya sa aming magkakapatid, ipagtatanggol mo pa siya? at naaawa ka sa kanya samantalang kami ang biktima, kami pa ang may mali!" ani ko kay nanay.
" A anung ibig mong sabihin?" naguguluhang tanung ni nanay.
Ikinuwento ko ang lahat lahat kay nanay. Ang lahat ng nangyari sa aming mag kakapatid sa kamay ni Archie, nakita ko sa kanyang mukha ang pait at pighati, na para bang gusto niyang mag wala, hanggang sa tumawa na lamang ng malakas si nanay at hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili, hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa paligid, naka ngaga lamang ako, halakhak at iyak ang ginawa ni nanay, noong una akala ko wala lang akala ko ganoon talaga ang reaksiyon ni nanay ngunit kalaunan hindi ko na siya nakakausap ng maayos, kaya nag patawag ako ng ambulaansiya upang madala si nanay sa hospital at nang sa ganoon ay malalaman ko kung anu ang nangyayari kay nanay.
Mag iisang oras na ang check -up ni nanay pinalaboratory na din namin siya dahil sa mga pasa na natamo niya kay Archie.
"Doc kumusta ang nanay,? Tanong ko sa kalalabas lang na doctor.
" Iha base sa laboratory results maraming injuries ang pasiyente, at may mga maliliit na buto ang nag disallign." ani ng doctor
" Anu po ang dapat na gawin doc."tanong ko ulit.
" sa ngayon, kailangan niya ng pahinga dahil sa bugbog sarado ang kanyang katawan, at may part sa kanyang braso na kailangan sementuhin." saad ng doctor.
" Doc. gawin niyo po ang lahat para sa nanay ko, please!" pag mamakaawa ko.
"hmmm gagawin namin ang lahat iha para sa nanay mo, may mga resita akong ibibigay sa iyo at kailangan na kailangan niyang inumin agad iha." wika ng doctor.
"walang problema doc." saad ko. kinuha ko ito at agad na pinabili sa isa sa mga bodyguard, kung kaya nabili ito kaagad, paalis na sana ang doctor ng bigla ulit siyang nagsalita.
" By the way iha, muntik ko nang makalimutan, I suggest na ipatingin ninyo ang nanay niyo sa isang mental health experts, sa kadahilanang grabeh ang trauma ang nangyari sa kanya." mahabang litanya ng doctor.
Hindi ko na mapigilan ang aking sarili, napaluha ako sa akong narinig sapagkat hindi ko maintindihan kung anu itong sinapit naming mag ina, dahil sa demonyong Archie na iyon. Ilang sandali pa nag pasya akong pumasok sa loob ng
kuarto na inoukupa ni nanay, inayos ko muna ang aking sarili, bago ako pumasok, ayaw kung isipin ni nanay na mahina pa rin ako.
" Ohhh nay gising ka na po pala, kumusta ka na, ito ohhh may pinadeliver akong pag kain kanina, tulog ka pa kasi kaya hindi nalang kita ginising, initin ko muna mas masarap kasi kapag mainit ang sabaw," masayang wika ko sa kanya, ngunit nag tataka ako kung bakit hindi siya nag sasalita at tinitigan lamang niya ako, na para bang nag tataka at hindi ako kilala.
" S sino ka? magkakilala ba tayo?" saad ni nanay. Na parang dinidurog ang aking puso. Lumapit ako sa kanya at sinusuklayan ang kanyang buhok.
" Nay! Ako po si Airah, panganay na anak po ninyo ako, nakalimutan niyo na po ba?"wika ko.
"A airah?" banggit niya sa aking pangalan kasabay noon ang napakalakas niya na tawa. " Ang ganda ganda mo, lumabas ka! hindi kita kilala, hindi ikaw ang Airah ko", umiiyak na may kasamang sigaw ang kanyang ginawa, talagang hindi ko na alam ang aking gagawin ngunit nag panggap pa rin ako na walang nangyari at malakas pa rin.
Pinaalam ko sa mga kapatid ko ang nangyari, sapagkat kailangan kami ngayon ni nanay. Si bunso hindi pa makauwi dahil kabago bago lang niya sa kanyang trabaho, Si Airene naman nasa biyahe na papunta rito, pinaiwan ko na lamang ang kanyang mga anak sa yaya nito, at tamang tama din naman nandiyan ang best friend kung si Analie, ipinasuyo ko muna sila kay Analie. Si Analie ay kakauwi lang ng bansa upang mag bakasyon.
Pitong oras akong nag antay kay Airene, habang inaantay siya pinag mamasdan ko ang aking ina, isang linggo lamang ang binigay na araw ng doctor upang mag pahinga at makarecover sa mga pasa at bugbog niya sa katawan, pagkatapos ay nirefer kami ni doc. Perez sa isang mental health expert.
Kararating lamang ni Airene, ibang iba na ang kanyang hitsura ngayon, hindi katulad noong una kaming nag kita, kamukha na niya ngayon ang isang sikat na international singer na si Katty Perry, napakaganda na ni Airene, hindi ko rin naman maikaila na marami din ang nagsabi sa aking na kamukha ko daw si Katty P. ngunit binabalewala ko na rin lang ito.
" A ate, anung nangyari?" tanung ni Airene sabay yakap sa akin.
"Nasaan ang baby Airah ko, malulungkot ako pag hindi ko siya nakikita." sambit ni nanay na may kasamang hikbi.
" N nay nandito ako, si Ate Airah at Airene po nay".ani ni Airene.
Nagulat kami sa ginawa ni nanay niyakap niya si Airene, hinaplos ang mukha, at sabay sampal.
" Hindi ikaw ang Airene ko!" wika ni nanay, galit na nanlilisik ang mga mata.
"Nay kami ito mga anak mo." wika ni Airene.
Hindi kami ni minsan pinagbuhatan ng kamay ni nanay, ngunit hindi ko alam na ganito pala ang kalalabasan ng pambubogbog ni Archie kay nanay.
Nalaman din ni Alfred ang nangyari, kaya nilakad din niya ang kaso ni Archie upang mabilis na itong mahuli, pinasara na rin namin ang bahay namin na ginawang motel nila nanay at Archie, tuluyan nang lumiliit ang mundo ni Archie sapagkat hindi lamang sa probinsiya namin siya wanted, buong Pilipinas na.
" Hindi kayo ang mga anak ko, hindi sila mukhang manika, katulad ninyo ang ganda ganda niyo." nakangiting wika ni nanay.
Niyakap ni Airene si nanay, "mahal na mahal kita nay, kahit hindi mo ako kailan man pinapaniwalaan sa aking sinabi, hindi mag babago ang pag mamahal ko sa iyo." wika niya
Humihikbi si nanay at niyakap niya din si Airene, "anak ko ikaw nga ikaw nga si Airene," wika ni nanay ilang sandali pa ay nagwala si nanay, kaya nagpatawag na kami ng doctor..
____...........