Chapter 15

1979 Words
WARNING: This chapter contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, Spelling and typos. MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Nasa mental hospital ang nanay ngayon, hirap man sabihin na nagkaroon ng problema sa pag iisip si nanay dahil sa kagagawan ni Archie, hindi na ein namin mahanap si Archie, napakatuso ng taong iyon, ngunit most wanted na siya sa buong bansa, kaya para na siya ngayong daga na hindi makawala sa kanyan lungga. Su bunso naman dumadalaw kay nanay tatlong beses sa isang taon, kami ni Airene, linggo linggo namin siyang binibisita. Dito nanamin dinala si nanay sa Manila para malapit sa amin. Si Airene nag aaral bilang doctor pangalawang taon na niya ngayon sa kanyang kurso, ako naman marami nang naipapanalong kaso, halos lahat ng client ko, ngunit hindi rin maiwasan ang death treat sa buhay ko kaya araw araw may apat na bodyguards ako, ganoon din si Airene,. Nag babalak na rin kami mag pakasal ni Alfred sa mga susunod na taon, balak namin magpakilala sa kanila, sa aking kaarawan, sa susunod na buwan na ang kaarawan ko, kung kayat malapit na ito. Sa dinami rami ng nangyari sa buhay naming mag kakapatid hindi ko na alam kung saan at kanino ako huhigot ng, muntik ko nang makalimutan na may mga anak pala ako. Nawala na sa isip ko ang mga anak ko, nakaligtaan ko na binata na pala sila, labing - limang taon na ang mga anak ko. Minsan ko lang sila nakabonding, kung kaya gusto kung bumawi sa kanila, pati sa asawa ko, noong nakaraang taon lang pinakilala ako ng asawa ko sa mga tao, sa mismong kaarawan ko. Sa ikasampung taong annibersaryo namin ni Alfred mag papakasal ulit kami sa simbahan, at sa susunod na taon na iyon. Binisita ko si nanay sa Mental Hospital, tatlong taon mahigit na rin siya dito, madalas ko naman sinasama si Alfred dito, halos araw -araw pag kalabas galing sa trabaho kami bumibisita dito, medyo malaki na ang pimagbago ni nanay, dahil siguro sa maayos ang lagay niya dito at nababantayan din siya ng maayos ng mga nurses dito. Minsan nakikilala na niya ako, minsan naman hindi, madalas niyang hawak ang manika na bigay sa kanya ng nurse, na tinatawag niyang Airah. Masaya ako dahil gumagaling na si nanay, ngunit sa kabilang banda nalulungkot din sapagkat hindi pa nahuli si Archie, hindi ko malaman kung saang lupalop siya ng mundo nag tago at hindi siya mahuli huli, noong nakaraang buwan lang bumisita ako sa aming probinsiya, nakalocked ang aming bahay, ayaw ko itong ibenta dahil ito lamang ang tanging ala-ala na natitira ko kay tatay kung kaya, pinarenovate ko ito at puro kahoy ang pinalagay kong materyales dito, kung anu ang hitsura ng bahay namin noon, ganoon din ang hitsura ngayon, ang kaibahan lang nito ay hindi na tagpi tagpi ang mga ginagamit na materyales, kundi mga mamahalin at matitibay na mga kahoy ang ginamit dito. Umuwi kami ni Alfred sa mamsiyon, at walang kambal akong nakita hinanap ko sila ngunit hindi ko sila mahanap kaya nagtanong ako sa mga katulong sa bahay kung nakita ba nila ang aking kambal. "Nay! nakita niyo po ba ang kambal?"tanong ko kay nanay Trining na mayordoma dito sa mansiyon. " Ai maam nag paalam po iyon kanina, may group study daw po sila ng mga klasmeyt niya." Ani ni nay trining. " Ahh ganoon po ba? sinu po kasama?" tanong ko naman. " Si Nina ang yaya nila." saad ni nay trining. Napanatag ang aking kalooban sapagkat may kasama naman sila at may bodyguards. Ngayon ko napagtanto na hindi ko na sila nasubaybayan dahil may kanya kanya na silang gusto at hindi gusto, noong nakaraan may pinakilala sa aking ai Allen isa sa mga kambal ko na babae, ngunit hindi ko ito pinanasin hinayaan ko lamang sila, noong mga panahon na iyon ang kasagsagan ng akong kinakaharap na problema, kaya sana naintindihan ako ng aking kambal dauil minsan sila ang napagbuntunan ko ng aking galit sa kanilang ama. Hindi dapay sila ang sinisisia ko sa lahat ng kasalanan ng ama nila dahil mga anghel silasila na bigay ng maykapal. Alam kong bata pa ako ng mga oras na dumating sila, naging masalimuot ang buhay ko noong mga panahon na iyon, kahit dumating sila ng wala sa tamang oras tanggap ko sila at masaya ako na dumating sila sa akin. Kung hindi din dahil sa kanila, hindi ako mapilitang umalis ng probinsiya at hindi ko makikilala sa Alfred. Nandito din ang mga anak ni Airene, tatlong taon na ngayon na nanatili siya sa Australia dahil sa kanyang pag aaral, magkasama sila ni bunso doon, si bunso na ang namamahala ngayon sa kumpanya ni Alfred doon simula noong namatay iyong katiwala ni Alfred doon sa kanyang kumpanya. Si Airene naman nag aaral ng pag dodoctor, kung kaya matagal tagal pa ang pananatili niya doon. "Babe! paglalambing ko sa asawa ko na may kasamang yakap. "Hmmmm may problema ba?" tanong niya. "Wala naman I just really want to hug you." saad ko. Niyakap din niya ako ng mahigpit, alam kung naintindihan niya ang aming sitwasyon ng mag kakapatid kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya at sa lahat ng tulong niya sa amin, pati ang nanay libre ang pananatili niya sa hospital lahat sagot ng hospital sapagkat isa si Alfred sa mga investors ng hospital na kung saan namalagi si inay. " I love you babe!" saad niya sa akin. " I Love you too babe! I want to get pregnant at gusto ko ikaw ang magiging ama ng mga susunod na baby ko, ikaw lang at wala nang iba." saad ko. "Babe! may dapat kang malaman." saad niya kaya subrang nag taka ako nang bigla nalang siyang bumitaw sa pag kakayakap niya sa akin, kung kaya tinanong ko siya. " A anu iyon?" tanong ko na may pag tataka. "Baog ako, kaya wag kang mag taka kung hindi ka mabuntis buntis, sana matagal na, simula noong madiskobre ko na tinigil mo ang pag inom ng pills na binigay ko sayo. Halos dalawang taon na hindi ka gumagamit ng pills, kung kaya't nag tataka ako kung bakit hindi kita mabuntis buntis, kaya noong mga panahon na iyon nag pakonsulta ako sa family doctor namin ng pamilya, nadiskobre ko na hindi na ako mag kakaanak kailan man." malungkot na saad niya. Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit upang iparamdam sa kanya na hindi kawalan iyin para sa akin. " Hmmm bakit ngayon mo lang sinabi.?"wika ko. " dahil natakot ako na baka layuan mo ako, baka ipagpalit mo ako sa mas bata, at mas mayaman katulad ng kaklase mo na anak ng kumpare ko." saad niya sa akin. " Babe kahit anu ka pa, o kahit sinu ka pa, hinding hibdi mag babago ang pagmahal ko sayo, ikaw ang lahat sa aking babe." saad ko sa kanya sabay yakap, niyakap din niya ako ng mahigpit. "Ikaw at ang kambal ang buhay ko babe, kaya gusto ko ibuhos lahat ng kung anu man meron ako sa kambal at sa iyo, kaya hayaan mo akung mahalin kayo ng buong puso." saad ni Alfred. " Anu ka ba, para ka naman namamaalam na niyan sa akin babe! hindi pa ako handang mabuhay ng hindi ka kasama." saad ko. "matanda na ako babe, kaya hayaan mo na sana ako na gawin ang lahat para sa inyo.'" wika niya. " Mas mahal na mahal kita babe, hayaan mo din sana akong ipadama sa iyo ang pagmamahal ko para sayo." saad ko naman. Napapansin ko noong mga nakaraan parang matamlay ang pakikitungo ni Alfred sa amin, madas siyang matamlay at madalas namumutla, hinayaan ko na lamang iniisip ko baka pagod lamang iyon sa trabaho at puro stress sa opisina at sa kumpanya. Madalas nakipaglaro ang kambal sa kanya, mas malapit pa ang loob niya sa kambal kumpara aa akin na tunay nilang ina. Hindi ko naintindihan, madalas nag tatago ng sekreto si Alfred sa akin, hindi na siya pumapasok sa opisina, at nasa bahay nalang siya nag tatrabaho, kung minsan naman namamasyal sila ng kambal na hindi naman ako sinasama, minsan pag uwi ko ng mansiyon wala pa sila, naisip ko hayaan ko na lamang silang mag bonding mag ama. Ngunit napapadalas ito, at napapansin ko parang unti unting bumabagsak ang katawan ni Alfred. Pag nag tatalik kami wala naman siyang gana, minsan hindi pa nga humantong sa sukdulan hinihingal na siya. Baka pagod lamang iyan ang lagi kung itinatak sa isipan ko. Hanggang sa isang araw, umuwi ako ng maaga at nadatnan ko si Alfred at ang kambal sa salanag lalaro ng video game. "Ay wowww ang swerte ki naman, mga ngiti ng mahal ko ang nabubgaran ko,." nakangiting wika ko. "Nanay pupunta kaming Amerika with dada." saad ni Allen. "Huh Alfred?" tanong ko. " Ahhh kung okay lang sayo isasama ko sana sila, magbonding lang kami in 1 or 2 months." saad niya. " Talaga ba? nakakainggit naman, sorry guys hindi ako makakasama, madaming kliyente si nanay ehhh." wika ko. " No nanay, pupunta kami doon para mag pa***." saad ni Alex isa sa mga kambalna agad naman pinigilan ni Alfred at Allen. "A anu iyon Alex?" tanung ko. " No nanay gusto lang namin ni Alex na mamasyal sa ibang bansa, kami po talaga ang nag pumilit na mamasyal doon." wikani Allen. "Yes po nanay subrang bait po ni dada at pinag bigyan po niya kami sa lahat ng gusto namin." Ani ni Alex. " Ahh ganoon ba? sige basta mag iingat kayo doon ha, matagal tagal din iyon dalawang buwan, subrang mamimiss ko kayo niyan." saad ko na may pag lalambing at nakanguso pa ako sa kanila. Ganoon din si Alfred nakangiti lamang itong nakatingin sa akin, habang nag sasalita. Nitong mga nakaraang araw napakarami kung napansing kakaiba kay Alfred palagi na lamang siyang matamlay, namumutla, nangangayayat, walang gana sa pag kain at madalas ang bonding nila ng kambal. Siguro naging bussy lang din ako sa trabaho kaya nawawalan na ako ng oras sa kanila, naisip ko na babawi ako sa kanila bukas, linggo bukas at walang pasok bukas ng gabi na rin kasi ang flight nila papuntang Amerika, kaya naisip ko ako na ang mag aasikaso sa kanila sa mga damit nila at lahat ng kailangan nila. " Mag iingat kayo doon ha." mangiyak ngiyak kong sabi sa kanila habang yakap yakap ko sila. Nandito na kasi kami sa airport ako na mismo ang nag hatid sa kanila. " Nanay saglit lang naman po kami doon, wag ka po mag alala tatawag po kami agad sa inyo." saad ni Allen "Opo nanay, tatawag po kami lagi sa inyo." ani ni Alex naman. Sunod kung niyakap si Alfred at humalik pa ako sa kanya bago ko siya niyakap. "Babe mag ingat kayo doon ha, tumawag kaagad sa akin, baka naman kakalimutan niyo na ako dahil nag enjoy na kayo doon." Nakangiting saad ko. " Anu ka ba babe, pwede ba iyon! I want you to know that you are the only one that I really love.! Mahal na mahal kita." saad ni Alfred at niyakap niya ako ng mahigpit. Napansin ko na sabaynag iyakan ang kambal, na para bang may matindi silang pinag dadaanan na hindi nila masabi sa akin. " Hey! twins why are you crying!" tanong ko. " Nanay!" sabay yumakap ang kambal sa amin ng dada nila. " shaaa sige na baka malate pa kayo, subrang mamiss ko kayo." saad ko. Nag paalam na sila sa akin, inalalayan naman ng kambal si Alfred kung kaya nakakagaan ng kalooban ang aking nasaksihan, kahit hindi nila kaanu ano si Alfred mahal na mahal nila ito at tinuring nilang tunay na ama ito, ganoon din ai Alfred sa kanila, simulat sapul si Alfred ang nabungaran nilang ama kaya umaapaw ang aking kaligayahan sa tuwing nakikita ko silang nag bobonding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD