WARNING: Expect grammatical errors,Spelling and typos.
******** MATURE CONTENT!*********
Katatapos lamang ng aming graduation, walang magulang na dumalo sa akin, si Analie iyong ate niya ang dumalo sa kanya. Nakakainggit iyong mga kaklase ko dahil kumpleto ang dumalo sa kanila, masakit man isipin na itinakwil ako ng sarili kong ina, pero hangad ko pa rin naman na makadalo siya, at lalong hangad ko ang matauhan si nanay sa nangyari sa akin. Bago ako nanganak sa kambal ipinagtapat ko kay nanay ang nangyari sa akin, kung sino ang ama ng mga bata, sinabi ko sa kanya ang totoo na biktima ako ng kahalayan ng kinakasama niya, sinabi ko sa kanya ng diretsahan na nirape ako, ngunit ayaw niyang maniwala, dahil hindi ko daw matanggap ang ama amahan ko, dahil galit daw ako sa kanya, kaya gumagawa nalang daw ako ng hindi nakakatuwa na storya, kaya simula noon hindi na niya ako kinakausap at kakalimutan na daw niya na may anak siya na katulad ko malandi at sinungaling.
Napakahirap pero hindi ko nalang iniisip iyon, alam ko na darating din ang panahon na matauhan si nanay sa kanyang kahibangan sa lalaking iyon.
Nasa mansiyon na kami, nagpahanda na rin ang amo namin, napakagara kasi nag pa cater pa talaga si sir. para sa akin hindi naman na kailangan dahil, ang importante lang naman ay makapag tapos kami ng aming pag aaral, ngunit wala na kaming nagawa ni Analie dahil si sir ang boss namin at siya ang masusunod sa lahat, dumating ang mga kasosyo niya sa negosyo sila ang tipo ng mga billionaryo na simpleng Goddess ang hitsura at pamatay kung pumorma.
Kahit sinong babae laglag panty sa kanila, si Analie crush niya ang isang kasosyo ni sir. si Madar lahing indonesian siya. Matanda naman siya ng sampung taon kay Analie. Kung makatili naman itong aking kaibigan, parang wala nang bukas.
" Congratulations Aira! bati ng mga kaibigan ni sir Alfred.
Isa sa kanila ang may ari ng school na pinasukan namin ni Analie, gusto pa sana ni sir na sa ibang bansa ako mag aral ng law, ngunit hindi ako pumayag dahil ayaw kung malayo sa aking mga anak.
Hindi na nag pumilit ang aming amo, sa halip sinabi niya na susuportahan na lamang daw niya ako sa aking hangarin na maging isang ganap at matagumpay na abogada.
Masaya ako dahil may isang Alfred Villa Flores na nag mamalasakit sa amin, lalong lalo na sa isang katulad ko na biktima ng karahasan. Wala akong kamuwang muwang noong mga panahon na napadpad ako dito, I was only 14years old that time, at buntis pa ako sa aking kambal, sa halip na paalisin ako sa mansiyon, kinupkop niya ako, binihisan at binigyan ng marangal na trabaho, kahit halos wala na akong ginagawa sa mansiyon, hindi siya pumalya na mag padala sa amin, para sa mga kapatid ko.
Hindi ko lubos akalain na ang pag punta ko dito sa Maynila ay may naka abang sa akin na napakagandang kinabukasan, limang taon na ang kambal, tuloy tuloy pa rin ang aking pag aaral sa abogasya.
Si Analie graduating na sa IT, kursong kanyang kinuha, ako naman tuloy tuloy ang pag aaral hanggang sa mag tagumpay ako, matagal tagal kasi talaga ang kursong ito, madaming struggle pero keri lang, para matagumpayan kailangan kung mag tiis. Napakaraming gustong manligaw sa akin ngunit deadma ko lamang lahat sila. Hindi naman kasi iyon ang ipinunta ko sa school,
makakasagabal lamang ito sa aking pag aaral.
Madalas si sir Alfred ang sumusundo sa akin, kung hindi ko lang amo si sir. siguro naisip ko na binabakuran niya ako, ngunit kilala ko si sir. simula noong pag apak ko sa mansiyon maalalahanin, matulungin, at higit sa lahat subrang buti ng kanyang puso, napakabusilak.
I'm already twenty-one years old, kitang kita ang hubog ng aking katawan at mas lalong gumanda pa ito. Hindi kami mayaman ngunit likas sa akin na may makinis na balat at maputi.
Nakakagulat minsan si sir Alfred nakaakbay siya sa akin minsan para kaming mag nobyo at nobya, ngunit sanay na ako kay sir. ayaw ko mag assume na inlove siya sa akin baka mapapahiya lang ako, o baka naman ako mahal ko na siya, nahuhulog na ang loob ko sa kanya ngunit hindi po talaga pwede dahil katulong niya lang ako, ayaw kung tawagin ng ilan na ambisyosang basura. Masakit iyon kung tutuusin.
Sa dinami rami ng naitulong ni sir sa akin, ramdam ko ang aking puso at isipan na may puwang na si sir.sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ngunit ayaw kong patagalin ang aking nararamdaman,gusto kung sabihin sa kanya na nahulog na ang loob ko sa kanya, tanggapin man niya ako o hindi, atleast hindi na ako aasa na magustohan niya ako, basta ang mahalaga nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko.
Nasa loob kaming dalawa ngayon sa kanyang mamahaling sasakyan, tahimik at walang nag sasalita sa amin, ganito naman siya lage pag sinusundo niya ako tahimik lamang siya dadating kami lagi sa mansiyon na walang imikan.
"Sir." sambit ko na nag papasabog ng katahimikan. tumingin siya sa akin ng may pag tataka.
"Yes! Aira is there something wrong.?" Malambing na tanong niya.
"Nothing sir. I just wanna talk to you, tungkol sa nararamdaman ko." umpisa ko sa kanya, na lalo niyang ipinag tataka. Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang makapag usap kami ng maayos. Parehas kaming bumaba ng sasakyan at nakatingin sa kawalan.
"May problema ka ba? or may kailangan ba sa school, o sa kambal, just tell me." natarantang tanong ni sir.
" Sir relax po none of the above." Nakangiting wika ko sa kanya.
" Then tell me. What is it? tanong niya ulit sa akin. Para tuloy ayaw ko nang sabihin sa kanya, masiyadong tense si sir. dahilan para matense din ako.
" Gusto ko lang po sabihin sir na, m mahal po kita alam ko po na mahirap lang po ako, pero nahihirapan na po ako mag hold on sa nararamdaman ko po sa inyo, na everytime na lumalapit ka parang sumasabog ang puso ko, para akong natutunaw. Alam ko po na impossible po para sa iyo na mahalin ako pero tanggap ko naman po kung ayaw niyo sa akin, gusto ko lang po talaga malaman ninyong mahal ko po kayo, na nandito kay." Mahabang litanya ko sa kanya na siya naman nag papapula ng husto sa buo niyang mukha.
"Sir. okay ka lang po ba? tanong ko sa kanya na ikinagulat ko naman ang bigla niyang pag siil sa akin ng halik, ramdam ko at lasap na lasap ko ang malalambot niyang mga labi at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag humalik sayo ang taong mahal mo. Hindi ako marunong humalik, ngunit sinubukan ko na igalaw at ibuka ang aking bibig, ang init sa pakiramdam dalang dala na ako sa mga halik niya sa akin.
Ilang sandali pa, bumitiw si sir sa pagkakahalik sa aking mga labi. Gusto ko pa sanang ituloy ni sir. nakakabitin ngunit nakakahiya naman, ako na nga ang amin na mahal ko siya, ako pa ang mang aakit sa kanya at pangungunahan siya. Hinawakan niya ang aking pisngi napagitnaan ng dalawang malalaking palad ang aking mukha, parehas kaming nag katitigan ngayon, mapupungay ang kanyang mga mata, tahimik lamang siya at wala pang gustong mag salita sa aming dalawa.
"okay lang po kung ayaw ninyo sa akin sir. ang gusto ko lang naman masabi ko sayo ang nararamdaman ko nang kahit papaanu ay mabawas bawasan ang isipin ko, gusto ko rin mag focus sa pag aaral." Mahabang litanya ko sa kanya.
" Mahal kita Aira matagal na ngunit hindi ko na lamang pinapahalata sa iyo dahil bata ka pa, at mataas ang agwat ng edad natin, pasensiya ka kung na torpe ako, noong eighteenth birthday mo, balak ko sanang mag tapat sayo ngunit pinangungunahan ako ng kaba, takot at hiya." mahabang litanya niya.
" Sir.!" yan lamang ang nabanggit ko sa kanya, yumakap ako ng mahigpit sa kanya,.
" Mahal mo ako? kahit biktima ako ng karahasan? Kahit may mga anak na ako sa taong halang ang kaluluwa? kahit katulong mo lang ako? at kahit mahirap lang ako?" humihikbing sunod sunod na katanungan.
" Hindi naman hadlang iyon para mahalin ka,hindi mo kasalanan na mahalay ka ng ibang tao, dahil hindi mo naman ginusto iyon, walang kasalanan ang kambal kahit dumating sila sa hindi inaasahang panahon, ngunit sila ang nag bigay ng inspirasyon sayo upang magpatuloy ka sa iyong mga pangarap, wala akong pakialam kung ano ang trabaho mo Aira, ang mahalaga ay ang tayo, ang nararamdaman natin. Never pa akong nag karoon ng girlfriend dahil torpe ako, hindi ko basta basta masabi ang nararamdaman ko sa isang tao dahil nilalamon ako ng kahihiyan." Mahabang litanya niya.
Humahaguhol ako habang yakap ko ang aking amo, hindi ko akalain na ganito siya kaya pala wala pa siyang girlfriend kahit isa, may mga pumupunta na mansiyon na babae ngunit deadma lang sa kanya at laging negosyo ang pinag uusapan nila. Hindi ko kasi akalain na mahal din niya ako, ang buong akala ko wala ng tatanggap sa akin dahil isa akong r**e victim, ngunit nag kamali ako dahil marami pala sila ang nag mamalasakit sa akin.
" Mahal po kita sir. salamat dahil tanggap mo ako at hindi hadlang sa iyo ang mga nangyayari sa akin." wika ko sa kanya.
"I i love you Aira. Tama lang na dada ang tawag sa akin ng kambal, kaya ko silang panindigan, kaya ko silang akoin at mahalin ng buong buo. Tanggap kita Aira ng walang pag aalintangan." mahabang litanya ni sir.
Yumakap lang ako kay sir at walang balak bumitaw, ilang sandali pa kumalas na ako sa kayayapos ko sa kanya.
" Madilim na po pala sir. hindi ko na namalayan. pasensiya na po"wika ko sa kanya.
" Magpakasal na tayo?" ani niya sa akin.
"Po sir.? ang bilis naman po." nag tatakang wika ko sa kanya.
" Because you are already mine babe, bakit pa natin patatagalin, kung mahal naman natin ang isa't isa". Ani niya.
" Paanu po ang pag aaral ko sir? tanong ko sa kanya.
" Babe na ang itatawag mo sa akin, okay! wag mo na isipin ang pag aaral nanjan lang naman iyan, tsaka tuloy pa rin ang pag aaral mo, hindi naman kita bubuntisin, hanggat nag aaral ka pa. mahabang litanya niya.
Naguguluhan man ngunit sinang ayunan ko na lamang ang kanyang kagustohan na magpakasal kami, ngunit hiniling ko rin sa kanya na isekreto lang muna namin.
Bukas na ang aming kasal pag out ko sa school, sa huwes lamang kami ikasal, napag usapan rin namin na pag katapos ng sampung taon na kami mag papakasal sa simbahan, ang mahalaga ay maikasal kaming dalawa.
Hindi ko alam kung bakit ako napa oo sa kanyang kagustohan, basta ang mahalaga ngayon ay nag mamahalan kaming dalawa. Bakit pa namin patatagalin kung alam naman namin kung anu kami, lalo na siya hindi hadlang sa kanya ang aking mapait na karanasan, ang tanggapin niya ako ng buong buo ay tanda iyon nang tunay nga niya akong minahal.
Susuklian ko din iyon ng tunay at tapat na pag mamahal, iyon lamang ang kaya kung isukli sa kanya. Inaalagaan niya kami ng kambal at kinupkop, pinaaral niya ako at ngayon nasa ikaapat na baitang na ako sa kolehiyo. Mapalad ako at sa isang Alfred Villa Flores ako napadpad.