Chapter 5

1468 Words
Pang Seventeenth birthday ko ngayon, malapit na rin ang aming graduation ni Analie, sa wakas nakatapos din ako ng high school, ako sana ang Validectorian, pero mahabang storya kaya, hindi na ako nag habol kung anu man ang award na iyon, hindi naman talaga award ang habol ko kaya ako nag aral, kundi ang matuto at makapagtapos, bonus na kung may award man, hindi ko na rin sinabi kay sir. hindi naman mahalaga iyon. Sabay kami ng kapatid kong babae na mag tatapos ng high school na si Irene, validectorian din siya doon. Ngunit matagal ko nang napansin ang pag babago ni Irene, hindi na siya ang katulad dati na masayahin sa tuwing kausap ko siya sa phone, matagal na din niya gustong sumunod sa akin ngunit, pinigilan ko lamang siya na mahirap ang buhay dito sa Maynila, ngunit nag pumilit siya noon, pero hindi ko siya pinayagan gusto ko kasi maayos ang kanyang pag aaral lalo pa at my matataas na marka siya. Nangunguna siya sa buong paaralan, at minsan pinanlaban din siya sa mga contest sa buong schools. Naalala ko ang aking amain, hindi ko lubos maisip na baka kaya niya gustong lumayo dahil ginawan din siya ng kahalayan ng demonyo na iyon. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa kanyang ginawa sa akin, lalo na siguro pag malaman ko na ginagawa din niya iyon sa aking kapatid na si Irene. Mahirap ang napag daanan naming mag kakapatid, ayaw ko kasi sana na mahiwalay sa kanila sino nalang ang mag tatanggol sa kanila, ngunit may magandang dulot naman ang pag layo ko sa amin. Umuwi ako ng mansiyon wala man lang katao tao, saan kaya sila nag punta," tanong ko sa aking isipan" umakyat ako sa silid na tinutuluyan namin ng kambal wala din tao. Naligo muna ako at nag bihis, dahil birthday ko naman, nag dress ako, at nag make up ng kaunti, light lang naman. Lumabas ako ng silid at hinanap ko sila, pumunta ako sa kusina, mayroon maliit na papel akong nakita at may nakasulat ito. "Sundan mo lamang ang maliliit na arrow." ito lamang ang nakasulat. Sinundan ko ang maliliit na arrow na nakikita ko sa sahig, huminto ito sa flower vase dito sa sala, may maliit na papel ulit akong nakita. " sundan mo lamang ang puso na ito." iyan ang nakasulat sa maliit na papel. Sa dulo ng puso nakita ko si sir Alfred. may hawak na bouquet ng bulaklak, at inabot agad ito sa akin, inalalayan niya ako sa madilim na lugar dito sa kanyang garden. " S sir a anong gagawin natin dito." mahinang sambit ko, ilang sandali pa may ilaw na sumabong sa itaas, fireworks, nag form ito ng words, "HAPPY BIRTHDAY! iyan ang salita na nabasa ko sa itaas subrang nasurprise naman ako sa aking nakita, napaiyak naman ako, ilang saglit pa biglang bumukas ang ilaw sa aming likuran at sabay sabay naman silang bumati sa akin ng happy birthday. Nandito silang lahat, pati ang kambal. " Salamat po sa inyo", humihikbing wika ko sa kanila. " Best maraming regalo si sir sa iyo." kinikilig na wika ni Analie. karga ko ngayon ang isa sa kambal, si sir naman ang may hawak ng isa. Ang simple lang ni sir, kayang kaya niyang makihalubilo sa aming mahihirap. " Ano ka ba tumigil ka nga, nag mamagandang loob lang si sir." " Ano ka ba best hindi mo pa ba ramdam" wika ni Analie. " Best mahirap lang ako at mayaman si sir. hindi na ako mag aassume na magustohan niya ako, dahil noong nakaraan lang may bisita siyang napakagandang babae, mukha pang mayaman, eh ako basura lang ako best." mahabang litanya ko. " Ai ang sakit best, ang babaw ng tingin mo sa iyong sarili, pwedeng taas taasan mo ng kaunti. " Best malaki ang utang na loob ko kay sir. babayaran ko iyon sa maayos at marangal na paraan best, hindi sa ganoong iniisip mo."wika ko. "Aray! ang sakit naman noon, paanu kung totoo ang sinasabi ko sayo? wika niya. "Bahala na best ginagawa ko lamang itong lahat ng tagumpay na ito para sa kambal, wala na akong balak pumasok sa relasyon best. Mahirap na". ani ko sa kanya. "Paanu nga kung manliligaw si sir.? wala ba siyang pag asa sayo? tanong niya. " Best hindi mahirap mahalin si sir, complete package na siya, guapo, mabait, mayaman, ngunit hindi ako deserving para sa kanya best, r**e victim ako, mahirap lamang, katulong niya ako, at nag mamalasakit lamang siya sa akin." Ani ko sa kanya. "Bahala ka nga best. basta pag nag tapat si sir. sayo, wag mo siya pahiyain best ha, sabi mo nga complete package na siya." Wika ni Analie. " Hindi ko maipapangako best basta ang gusto ko lamang ngayon ay ang makapag tapos ng pag aaral." wika ko. " Anong course ang kulunin mo best pag nag college tayo.?" tanong niya. " Kung papayag si sir Alfred best gusto kong kumuha ng law, para mapanagot ko ang mga taong demonyo at halang ang kaluluwa."Gigil na wika ko sa aking kaibigan, gigil sa galit. "Wow papayag yan best tsaka makakakuha ka naman ng scholarship diba? kahit anong course daw iyon, tsaka sa talino mo na iyan panigurado makakamit mo iyan, baka nga mangunguna ka pa sa bar, ako tama na sa akin ang IT,. wika niya. Ilang sandali pa lumapit sa amin si sir Alfred bitbit ang kambal, mag tatatlong taon na sila, kay bilis naman ng panahon, ngunit hindi ko pa rin nakamit ang hustisya, hindi ko pa naipakulong ang demonyong gumawa sa akin ng kahalayan, galit ako sa kanya minsan nakikita ko siya sa mata ng kambal, napapanaginipan ko pa rin hanggang ngayon ang kahalayan na ginawa niya sa akin noon, minsan nakikita ko sa panaginip ko na may isa pang mas bata pa sa akin ang ginagawan niya ng kahayan ngunit hindi ko nakikita ang mukha ng batang babae. "Hey! Congratulations sa inyong dalawa. Malapit na ang graduation niyo, handa na ba kayo mag college? Tanong ni sir. "Yes sir! handang handa na, ewan ko lang dito kay Aira sir.. Sagot ni Analie. "Aira congrats to you for being a top student," ani ni sir. "Thank you sir.! kinakabahan pa rin sir. pero ihahanda ko na po ang aking sarili. sagot ko. " Alam niyo na ba kung anung kurso ang kukunin ninyo sa kolehiyo?"tanung ni sir. " Ai ou sir alam na alam na po namin at pinag hahandaan na po namin iyon lalo na si Aira sir. ang future lawyer." Masiglang sagot ni Analie sa aming amo, nakikinig na lamang ako, ngunit may kaunting hiya sa sinabi ni Analie. " Really! you want to be a lawyer?"tanung ni sir. " O opo sana sir. kung papayag po kayo! medyo mahal po kasi ang matrikula ng pagiging lawyer sir." nauutal na sagot ko kay sir. " Ano ka ba? para na tayong pamilya dito Aira kahit anung kurso basta mag tapos ka at sikapin mo maipasa ang BAR." ani ni sir na may kasamang tapik sa aking balikat. " Naku sir si Aira pa, baka mangunguna pa iyan sa BAR." masiglang sagot ni Analie. "Hindi nama po siguro Analie, kahit papasa nalang po ako sa BAR sisikapin ko po iyon." Nahihiyang ani ko. " Sige Aira, ideal ko na iyan. Basta usapan natin no boyfriend habang nag aaral,."Nakangising wika ni sir. " O opo sir." sabay na sagot namin ni Analie. Pumasok na kaming lahat at pumunta na sa kani kaniyang silid, kami ng kambal hinatid kami ni sir Alfred sa aming silid. Usap usapan dito sa mansiyon ang malaking pag babago ni sir Alfred kung dati hindi siya nakakausap at hindi nakikita sa mansiyon ngayon daw halos oras oras nilang nakikita. Ngunit ayaw ko namang isipin na ako ang dahilan noon katulad ng sinasabi ng mga kaibigan niya. Kami nalang ng kambal ang nandito ngayon sa silid, sa tuwing nag iisa ako hindi ko mapipigilan na isipin ang aking panaginip Ayaw ko na sanang isipin ngunit kusa siyang pumapasok sa aking isipan, ayaw kung isipin na ang nakababata kong kapatid iyon na si Irene, natatakot at nanginginig sa galit ang aking kalamnan sa tuwing iniisip ko na baka si Irene iyong bata na nakikita ko sa aking panaginip, ngunit isinantabi ko na lamang iyon, dahil iniisip ko hindi totoo. Lumuluha ako na nakatingin sa kawalan. Minsan gusto kung saktan ang kambal dahil nakikita ko sa mga mata nila ang kanilang ama, ngunit naisip ko rin na walang kasalanan ang mga anak ko. Ang demonyong r****t na iyon ang may kasalan.. Kaya nakapag isip isip na ako, desidido na ako sa aking hangarin na magiging isang ganap na abugado. Masama ang gumanti, ngunit kailangan kung gawin ang tama, kailangan niyang pag bayaran ang kanyang mga kasalanan, kailangan niyang mabulok sa kulungan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD