Chapter 4

1522 Words
Lumipas ang maraming buwan, buwan mag iisang taon na ang kambal, wala naman talaga ako balak na mag handa, basta makasama ko lamang ang kambal, malakas at malusog lamang sila sapat na sa akin, ngunit ang aming amo ay masyadong nag abala, sa makalawa na kasi ang birthday ng kambal kaya kitang kita ko ang effort ni sir. medyo nakabawi narin ako ng lakas tumutulong na ulit ako sa gawain bahay, kapag tulog ang kambal doon ko ginagawa ang aking gawain, napapansin ko panay tulog lang naman sila, ako ang nag lilinis sa ikalawang palapag ng mansiyon. may apat na silid ito, iyong isang silid ay pinakandado ni sir, sa mga mgulang daw niya iyon ang isa naman ay guestroom, ang silid ni sir at ang nursery room ay magkatabi lamang. Ngayong araw na ang kaarawan ng kambal, ito na busy na ang lahat may pa party pa ata si sir, ngunit kami lamang ang nandito at may mga inimbita siyang mga kasosyo niya sa negosyo, ang guguwapo talaga nila, nakatitig si sir sa amin ng kambal , nakadress lang ako, simpleng kasuotan lang naman, unang boses akong nakapag dress ito yong isa sa mga pasalubong ni sir sa akin, kulay black sleeveless at mahaba hanggang talampakan ko, ngunit hapit ang aking katawan, litaw din ang aking kulay sa black bagay na bagay, mag dadalawang taon na din kasi ako dito sa mansiyon, kaya ang laki ng pag babago ng kulay ng aking balat, kung dati maputi at manipis lang, ngayon manipis at lalong tumingkad ang aking kulay at subrang kinis na ng aking balat. Dahil din siguro ito sa mga sabon na ginagamit ko, hatang mamahalin, pati ang kambal grabeh din ang kaputian, si sir kasi ang nag papabili noon mga sabon na ginagamit namin ng kambal, inaabot lang niya sa akin at nilalagay ko lang doon sa lagayan. May pa children's party pa na nagaganap ngunit kami lamang ng mga kasamahan kong katulong ang naglalaro, sabi kasi ni sir ito na daw ang day off namin mag enjoy lang daw kami para sa kambal, habang nag saya kaming lahat, nakita ko naman ang aking amo hindi maalis alis ang tingin sa akin, mamaya maya pa may binulong sa akin si Analie, pinatawag daw ako ni sir. Agad naman akong dumako sa kinaroroonan ng aking amo at mga kaibigan niya. "Sir. may kailangan po kayo?" tanong ko agad sa kanya. Nag ngitian at nag tawanan lamang ang mga kaibigan ni sir. "Oh Alfred nasa harap mo na" Ani ng isang kaibigan niya na nag papagising sa ulirat ni sir, nakatulala lamang ang aking amo at titig na titig sa akin. Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya, parang kinakantiyawan nila ang aking amo. " Alfred hanggang ngayon ba torpe ka pa rin, naku magiging matandang binata ka niyan bro." wika ng isa niyang kaibigan. " Ano ba kayo bro. ang bata pa ni Aira. pwede naman natin hintayin ang tamang panahon, pag tongtong niya ng diyese otso Alfred, pakasalan mo na." ani naman ng isa pa niyang kaibigan na seryoso ang mukha nang nag sasalita, sa tantiya ko parang lasing na ata silang mag kakaibigan kanina pa kasi sila nag iinom ng alak. " Aira umupo ka muna dito at nang mahimasmasan itong si Alfred, na tutuliro na naman,. Wala na naman masabi. wika naman ng isa niyang kaibigan. " Napakaganda mo pala talaga Aira. kaya pala inspired lagi itong si Alfred kung mag trabaho, at ngayon lamang ito nangyari sa mansiyon niya, ito pa ngayon lang hindi nag papakita sa amin, ilang buwan hindi nag papakita, at ang aga lagi umuwi. "Hindi naman po sir kaunti lang naman po. tsaka amo ko po si sir Alfred malabo po na magustohan ng amo ang isang katulong." Sambit ko sa kanila. "Ano ka ba mahal ka na nga Aira, hindi lang gusto." sabay nag tawanan ang mga kaibigan niya. " S sir. ok lang po ba kayo, gusto niyo na po bang mag pahatid sa inyong silid,?" tanong ko sa aking amo. " No I'm fine hindi naman ako basta basta malalasing, nag enjoy ba kayo? tanong niya sa akin. Nakaupo ako ngayon sa lamesa na inuukupa ng grupo ni sir Alfred. Ayaw niya kasi ako paalisin sa tabi niya kaya, kahit nakakahiya sinangayunan ko na lamang para hindi sumama ang kanyang kalooban. Mag hahating gabi na isa isa na nag kalasan ang mga kaibigan ni sir iyong dalawa sa guestroom matutulog iyong tatlo naman nag pasundo na sa kani kanilang driver. Si sir naman halos hindi na makalakad sa kalasingan, kaya inalalayan ko na lamang papasok sa kanyang silid, ang kambal naman kanina pa tulog si Analie naman ang nag patulog, dahil utos ni sir Alfred. Ang bigat pala ni sir nandito na kami ngayon sa harap ng kanyang silid, nahirapan tuloy akong buksan ang pintuan, kapag kasi binitawan ko ang isa niyang kamay baka matumba siya makabitiw sa akin. Pinaupo ka na lamang siya sa sahig pinasandal ko siya sa dingding, pag bukas ko ng pintuan, pinatayo ko ulit si sir at inalalayan na makapasok sa kanyang silid, pag pasok namin agad ko naman binuhay ang ilaw, "ang lamig talaga ng kuarto ni sir." ani ko sa aking isipan. Nang nakarating sa kama niya agad ko na siyang nilapag, napatumba ako at nakadapa sa kanyang dibdib, " mahal kita Aira simula niya, I wait for you until you turn eightteen." iyan ang narinig kong sambit niya, at tuluyan na nga siyang nakatulog ng mahimbing. Bago ako lumabas binihisan ko muna siya at pinunasan, deserve din niya ang maalagaan at mahalin bilang isang pamilya. Ngunit sa narinig ko sa kanya kanina ay bunga lang sa kanyang kalasingan. Malabo na mangyari na mamahalin niya ako, hindi naman niya ako kalevel, mahirap lang ako at mayaman naman siya. Natapos ko na siyang linisan, agad naman na lumabas ako ng kanyang silid at dumiretso na sa aming silid ng kambal, nandoon din natutulog si Analie, lalo pa at late na rin ako umakyat kanina. Kinabukasan maaga akong gumising para mahatiran ng sopas ang aking amo, iyon kasi ang request niya, ako lang daw ang mag hahatid sa kanya ng pagkain, kaya si Analie naman ang naatasan niya na mag bantay sa bata, natuto na rin kasi akong magluto ng pagkain, particular na sa paborito na pag kain ng aming amo. Nakaready na ang pag kain na iaakyat ko sa silid ni sir. nasa hagdanan pa lamang ako narinig ko na ang iyak ng baby,dali dali ko nalang na ipinasok ang pag kain na nasa tray na bitbit ko sa silid ni sir. wala na siya sa kama, batid ko nasa banyo siya, siguro naliligo, nilapag ko na lamang ang pag kain na dala ko sa lamiseta. Akmang palabas na ako iyon naman din ang pag labas ni sir sa banyo, kita ang kalahati ng katawan niya, maliit na tuwalya lamang ang nakatakip sa kanyang baywang, ngunit hindi ako nag pahalata na kinikilig ako sa ganda ng katawan niya, sa edad kong ito ngayon lang ako nakakita ng ganyan kaganda na katawan. " Sir andito na po ang pag kain ninyo, lalabas na po ako." mabilis na wika sa kanya. "Thank you kagabi!" ani ni sir. " Wa wala po iyon sir trabaho ko po iyon bilang katulong po dito sa mansiyon." wika ko naman sa kanya. Nakangiti lamang siya, nakatitig sa akin. Hindi ko alam pero parang nahuhulog na ako sa mga titig ni sir at ang ganda ng kanyang mga mata ay talaga namang kaakit - akit. "By the way Aira, sa susunod na pasukan papasok ka na, kayo ni Analie,." seryosong wika ni sir. " Talaga sir.!" masayang sambit ko sa kanya. " Kaya lang po sir hindi pa po completo ang papeless ko, kulang kulang pa nga po sir." dagdag ko naman. " No worries Aira, ready na ang lahat pinalakad ko na sa mga kakilala ko, doon sa province niyo, all you have to so now is ready yourselves ni Analie para sa pasukan." mahabang litanya ni sir Alfred. " Thank you so much po sir. tatanawin ko pong malaking utang na loob ito sa inyo sir.".nakayuko ako at panay pasalamat sa kanya. " tungkol sa kambal, may kinuha na akong dalawang mag babantay sa kanila, kaya wag mo na masiyadong alalahanin basta focus sa goal makakapag tapos ka din niyan, kayo ni Analie" wika ni sir. Sa subrang tuwa ko nayakap ko nanaman si sir. wala naman kasi sa akin iyon, pinairal ko na naman ang pagiging childish ko, para kasing si tatay ang amo ko, ang bait. Habang nakayakap ako sa kanya gumanti naman siya ng yakap sa akin, dahilan ng parang nakuryente ang aking kalamnan kaya agad akong bumitaw sa kanya at nag paalam na, ngunit bago pa niya ako pakawalan. " Aira, gusto ko mag aral kang mabuti nang marating mo ang gusto mong marating, wala na munang boyfriend boyfriend hangga't hindi ka pa tapos sa pag aaral mo." ma autoridad na wika ni sir sa akin. "O opo sir aasahan po ninyo, para sa kambal po kaya gusto ko makapagtapos ng pag aaral."wika ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD