Kevin Nasa sasakyan kami ni Richard paalis ng bahay nila Chesca ng magsalita ito. "Mukhang umaayon sayo ang panahon ah." maiksi pero makahulugang pahiwatig ni Richard. "Oo nga, eto na ang pagkakataon ko para makausap si Chesca. Sana ay magkaayos kami, 2 araw na lang at babalik na ako muli sa US." sagot ko habang nakalagay ang kamay sa aking baba at nagiisip na nakatingin sa malayo. "Sana nga. Hatid na rin kita bukas, nag presinta akong ihahatid si Charice sa airport bukas eh." binalingan ko ito na parang bang binabasa ang isip. "Woah, may dapat ka ba i share?" tanong ko dito. "Hmm akala ko problema lang ang bibigay mo sakin sa muling pagkikita natin, hindi ko akalain na future ko pala ang pasalubong mo." saka ito ngumisi na tila ba ay may iniisip at kinikilig. "Siraulo to ah" saka k

