Franchesca Tahimik kong binagtas ang buong biyahe habang si Ate Charice at Richard ay masayang nagku kwentuhan sa harapan. Si Richard ay matalik na kaibigan ni Kevin ngunit mas matanda ito ng ilang taon kay Kevin. Matalik na kaibigan ito ng isa sa pinsan ni Kevin at minsan na ring nabisita sa kanilang lumang bahay ngunit sandali lamang ito doon at umaalis rin agad para sunduin si Kevin at ang pinsan niya upang makapag gala. Isa itong Medical Technologist sa isang kilala at malaking ospital sa Maynila. Gwapo rin ito at matipuno ang pangangatawan at higit sa lahat, single. Masasabi mo talagang Perfect Bachelor ito dahil talaga namang gwapo at may magandang trabaho. "Ok lang ba kayo diyan Chesca? Kevin?" nabalik ako sa ulirat ng biglang magsalita si Richard na nakatingin pala sa rearvie

