Franchesca Makalipas ang ilang araw, hindi na muling nagpakita si Kevin. Nagpasabi ito sa mga magulang ko na may ilang araw lang daw siyang mamamalagi dito sa Pilipinas at babalik na rin sa ibang bansa. Baka sa mga panahong ito ay nakabalik na nga siya sa US. Ako naman, ginawa kong abala ang sarili sa paghahanap ng mapapasukang eskwelahan habang naghihintay ng araw ng pagsusulit para sa licensure bilang isang guro. Nakapasok ako sa isang pribadong paaralan malapit sa lugar namin bilang subject teacher ng high school class. Hahawakan ko ang mga Grade 9 student sa subject nilang English. Ang mga kaibigan ko ring sina Jenny, Raven at Sander ay mga nag apply rin sa pribadong paaralan habang naghihintay ng exam. Si Jenny ay kasama ko sa school na papasukan ko. Si Sander at Raven naman ay mag

