Franchesca "Babe sino yun?" tanong sakin ni Chester habang tinitignan na papalayo si Kevin sa aming kinatatayuan. Matagal ko siyang tinignan na halos gusto ko nang maiyak dahil sa tagal ng panahon, ganito pa rin ang pakiramdam na binibigay niya sa akin. Pakiramdam ng pagkasabik ngunit hindi ko siya magawang habulin dahil sa mga sakit na iniwan niya sa akin sa mga nakalipas na taon. Mga sakit na hindi na nabigyan ng kasagutan at ngayon bigla na lamang siyang magpapakita? Kung kailang huli na. Kung sana kinausap niya pa ako noon baka sakaling nagkaroon pa kami ng pangalawang pagkakataon pero ngayon wala na, tapos na, hindi na siya ang kasama ko ngayon. Hindi na sya ang boyfriend ko, si Chester na. Si chester na narito ngayon sa harapan ko. Saka ko tumingin kay Chester na may lungkot sa akin

