Kevin
Nagising akong sobrang sakit ng ulo. Anong oras na ba? Maliwanag na sa labas? Nanatili lang akong nakahiga habang sinasanay ang mga mata sa liwanag. Sobrang sakit ng ulo ko na sa bawat galaw ko ay kikirot ito kaya naman dahan dahan lang ang pagkilos ko. Hanggang sa napansing kong may nakadagan sa akin. Nang lingunin ko ang bandang dibdib, may braso ng babae ang nakayakap sa akin. Agad akong napabalikwas ng tayo at saka nilingon kung sino ba ito, tama nga, may katabi akong babae. Hindi ko pa kilala kung sino ito, nakatalikod itong nakayakap sa akin.
Unti unti kong tinanggal ang kamay nitong nakayakap sa akin. Nang maialis ko na ang kamay nito saka ko na realize na wala rin pala akong saplot. Napahawak akong muli sa ulo ko dahil sa muling pagkirot nito, 'ano ba ang nangyari kagabi? did i f**k her?' tanong sa isip ko. Agad akong tumayo upang magtungo sa banyo at makaligo. Kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito. Nang naglalakad ako papunta ng banyo, narinig kong umingit ang katabi kong babae. Nilingon ko ito, saka ko namukhaan kung sino ito. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ko ito.
"What the f**k?" wala rin itong saplot. Nang marinig ako, tumingin ito sa akin ng nakangiti.
"Goodmorning babe." Sabi ni Joy.
"What? Babe? Are you crazy Joy? Ano ba yang sinasabi mo?" litong lito kong sagot dito. Bakit ganito ang inaasta ni Joy, na para bang may relasyon kaming dalawa pero ang totoo ay wala? Tumayo ito saka lumapit sa akin na nakabalot ang kumot sa katawan.
Niyakap ako nito sa likod saka bumulong "What? don't you remember what we did last night?" nakangisi itong humarap sa akin saka ako hinalikan. Sa gulat ko ay naitulak ko ito dahilan upang mapaupo ito sa sahig. Tinignan niya ako ng masama.
"Kevin" sagot nito habang nakaupo sa sahig na hawak hawak pa rin ang kumot.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Joy. Aalis na ako." sabi ko dito. Agad na akong nagbihis saka mabilis na lumabas ng pinto ngunit hinabol ako ni Joy. Patuloy lang siyang tumatawag sa akin ngunit hindi ko ito nililingon.
"Wala akong maalala sa mga sinasabi mo Joy, kung ano man ang ginawa mo huwag na sanang maulit pa." sinasabi ko dito habang palayo akong naglalakad nang hindi ito nililingon.
Paulit ulit lang ang pag tawag niya sa pangalan ko nang marinig kong binanggit niya ang. pangalan ni Chesca, kaya agad akong napahinto.
"She knows what happen last night." sabi ni Joy kaya naman agad ko itong nilingon. Tinignan ko ito, sinusuri ang mukha. Napansing kong nasa pasilyo na pala kami ng hotel na tinuluyan ng kanilang team. Ngunit takang taka pa rin ako at nakakunot noo ko itong hinarap. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Walang sali salitang nilapitan ko ito saka hinawakan ng mahigpit sa magkabilang braso. Nanatili lang akong nakatingin dito ng matalim nang magsalita itong muli.
"I told her." she said in very annoying way.
"What? anong sinasabi mo Joy?" Halos gusto ko na itong saktan sa galit sa mga sinasabi nito.
"I'm on the phone with her last night while you caressing my body, Kevin" nagulat ako sa sinabi nito kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko at tinulak ko ito. Tumama ito sa dingding at saka nangingiti. Umayos ito ng tayo at naglakad palapit sa akin. Ako naman ay unti unting lumalayo sa kanya.
"Remember what i told you about my secret?" sabi ni Joy habang naglalakad palapit sa akin. "It's you Kevin, mga high school pa lang tayo ikaw na ang laman nito. Kahit alam kong kaibigan lang ang tingin mo, umasa akong mapapansin mo pa rin ako." hanggang sa tuluyan na itong nakalapit sa akin. Hinawakan nito ang isang kamay ko at nagpatuloy magsalita.
"Lahat ng dahilan ginawa ko para mapansin mo. hanggang sa umalis ka papuntang US. Sinabi ko sa parents ko na gusto ko dito mag college, sinuportahan naman nila ako pero ang totoo gusto lang kita sundan. Mahal kita Kevin, mahal na mahal." yumakap ito sa akin ng mahigpit ngunit nagpumiglas lamang ako. Patuloy lang siya sa pag iyak habang ako ay nagpupuyos sa galit.
"Your crazy." saka ko ito mabilis na tinalikuran.
Nagmamadali akong lumabas ng hotel pauwi sa bahay. Alam kong gabi na sa pilipinas ngunit patuloy pa rin ako sa pagtawag kay Chesca.
"Come on boo, pick up the phone please." usal ko habang nasa biyahe ngunit naka ilang tawag na ako ay wala pa rin itong sagot. Ilang beses ko na rin itong minessage ngunit hindi rin ito nag rereply. Ano ba ang naisip ni Joy? ano ba ang nangyari sa amin kagabi? Sa pagkakaalam ko ay kaunti lang naman ang nainom ko pero bakit parang wala akong maalala? Sanay naman akong uminom ngunit bakit parang may mali? Huwag naman sanang tama ang hinala ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kay Joy kapag napatunayan ko ang hinala ko.
Nang makarating sa bahay, agad akong naligo. Nang makatapos ay muli kong sinubukang tawagan si Chesca. Alam kong abala na ito sa kanya ngunit hindi ako titigil hanggat hindi ko ito makakausap. Isa, dalawa, tatlo... paulit ulit kong sinusubukang tawagan siya ngunit wala pa rin itong sagot. Nang sa wakas, sumagot ito.
"Boo" nakatingin lang ito sa akin. Sa wari ko ay galing ito sa pag iyak.
"Boo, please, talk to me, please." muling pagmamakaawa ko sa kanya. Napakahirap ng magkalayo, kung sana ay madali lang makauwi ng Pilipinas para mayakap ko siya. Damang dama ko sa mga mata niya ang sakit na hindi ko naman sinasadya. Hindi ko alam paanong ipapaliwanag ang nangyari gayung miski ako ay litong lito sa mga nangyari.
"Chesca please, talk to me boo please."
"Tapos na tayo."
Para ba akong sinampal sa mga katagang iyon. Damang dama ko ang galit sa mga mata nito.
"Boo, please let me explain."
"Wala ka nang dapat pa ipaliwanag Kevin. Malinaw na sa akin ang lahat. Dun kana sa Joy mo. Tapos na tayo." saka nito pinatay ang tawag.