Chapter 18

1009 Words
Franchesca I cried and i cried. Hindi ko na namalayang maguumaga na pala. Mugtong mugto ang mga mata kong haharapin ang isang umaga. Mahirap, masakit. Bakit nagawa sa akin yun ni Kevin? I trust him. I loved him so much. Bakit niya sinasabing mahal niya ako kung sasaktan lang pala niya ako? Naging tapat ako sa kanya pero bakit siya hindi? Ganito ba talaga kapag malayo kayo sa isa't isa. Napakahirap. Hindi na ako nakatulog sa isiping iyon. Mabuti na lang at walang pasok ngayong araw na ito. Binalikan ko ang f*******: account ko, I block Kevin, even Joy too. Ayoko nang magkaroon pa ng ugnayan sa kanilang dalawa. Kung gusto nila ang isa't isa, eh di magsama sila. Sinubukan kong pumikit upang makatulog kahit sandali. Ngunit sa pagpikit ko, naaalala ko ang mga tagpong nangyari sa amin ni Joy at maging sa imahe nilang dalawa ni Kevin. "Chesca I'm Sorry" sabi ni Joy sa kabilang linya. Ngunit hindi ko siya makitaan ng pagsisisi bagkus isang ngisi ang hindi nakawala sa aking paningin. "Bakit ka nagsosorry Joy? nasan ka ba?" nang matapatan ito ng liwanag mula sa cellphone, nakita ko ng malinaw ang itsura nito. Nasa higaan ito at mukhang kakabangon lang at naka pulupot ang isang puting tela sa katawan nito na kita ang balikat at may isang imahe sa likuran nito. "hmmm boo" tinig ng isang lalaki sa background. Agad dumaloy ang kaba sa aking katawan. Mas tumindi pa ito ng humarap ang lalaki sa gawi ni Joy saka ipinulupot ang isang braso nito sa bewang ni Joy saka muling umungot. "Tulog pa tayo, boo" hinihila nito pahiga si Joy. Sa hindi ko maintindihan ay para bang sinasadya talaga ni Joy na masaksihan ko ang nangyayari. Napahiga si Joy dahilan upang masilayan ko ng buo ang pigura ng lalaki, Si Kevin. Agad uminit ang mukha ko sa galit. Nakita ko pang hinahaplos ni Kevin ang pisngi ni Joy saka hinila papunta sa mukha niya at hinalikan. Si Joy naman ay halatang halatang nasisiyahan, ngumingisi ngisi pa ito na para bang kinikiliti. "Sandali lang Kevin" sagot pa ni Joy dito habang tumatawa tawa. Hindi ko na matagalan ang eksena kaya naman pinatay ko na ang tawag. Nagkasala na nga ito sa akin sa pagpatol nito kay Joy, ginamit pa nito ang endearment namin na ako ang nagsimulang tumawag sa kanya. Ang kakapal ng mga mukha niyo. Ang kapal ng mukha mo Kevin. "Damn you Kevin, Damn you. I hate you. I really really hate you." Nang maalala koy muling umagos ang mga luha sa mga mata ko. Sobrang sakit na nga yung isiping niloko ka ng taong mahal mo, mas dumoble pa ang sakit ng masaksihan ko pa ang paglalambingan ninyo. Kaya pala lagi sila magkasama ni Joy, dinadahilan pa niyang wala kasi itong kaibigan yun pala ay iba na ang pinagkakaibigan nila. Sa halip na matulog, kumuha ako ng jacket at sumbrero. Lumabas ako ng bahay saka diri diretsong pumunta sa burol. Dito ko isisigaw ang lahat ng sakit, ng galit na nararamdaman ko ngayon. Dito ko isusumbong sa lugar na to ang mga hirap na dinaranas ko ngayon. Sigaw lamang ako ng sigaw hanggang sa mapagod. Naupo ako at pinagsalikop ang mga braso ko sa tubod saka ako yumuko. Unti unti bumagsak na naman ang mga luha ko hanggang sa tuluyan na itong lumakas. Iyak lamang ako ng iyak, malayang malaya kong gawin ang pagluha. Nanatili lamang akong nakayuko ng may isang pares ng bisig ang yumakap sa akin. Nag angat ako ng ulo upang masilayan kung sino ang yumakap sa akin. Sa una ay malabo ngunit ng masanay na ang mga mata ko, nakita ko si Chester na seryoso lang ang tingin sa akin. Nagkatitigan kami ng matagal, para bang walang gustong umawat sa mga tinginan namin nang bigla na lang akong napayakap dito at nagpatuloy sa pagiyak. Tila ba nakahanap ako ng kakampi sa inaasta ko. Para akong batang umiiyak lang, kulang na lang ay magsumbong ako dito. Ngunit mas pinili kong manahimik na lang at sarilinin ang nasa isipan ko. Hinahagod naman nito ng kamay niya ang likod ko. Bumubulong ito sa akin nang "Sshhh, nandito nako." saka hinahaplos haplos ang buhok ko. Hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko kaya hinayaan ko lang itong dumaloy ng dumaloy. Hanggang sa mapagod na rin ako. Nanatili lang nakayakap sa akin si Chester. Nang kumalas ako sa pagkakayakap, tinitigan ko siya saka sinabing "Salamat". Tumingin din ito sa akin ng may kasamang ngiti. "Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya. "I was running for my morning jogging until i saw you, nagmamadali kang lumabas ng bahay nyo." simula nito kaya naman tumango tango ako at tumingin sa malayo. "Tinatawag kita pero mukhang hindi mo ako naririnig kaya naman sinundan na lang kita." nilingon ko ito saka nginitian, ngumiti rin ito. "Madalas din ako dito kapag umaga after ko mag jogging, nagaabang ng pagsibol ng araw. Ikaw, bakit ka nandito? at bakit ka umiiyak?" mahabang pagpapaliwanag nito. Hindi ko naman ito matignan ng diretso kaya naman hinuli nito ang mukha ko gamit ang kamay nya, hinarap niya ako sa pamamagitan ng baba ko. "Tell me, what happen Chesca?" muling tanong nito. Nahiya naman akong sagutin ito kaya naman nagdahilan na lamang ako. "Si Ate kasi, nakakainis. May hindi lang kami pagkakaunawaang magkapatid." pagdadahilan ko. Tinignan nya ako ng malalim, tila ba sinusuri akong mabuti. Hanggang sa huli, umiling iling ito. "Hindi yan ang narinig ko sa mga sigaw mo." Napayuko na lamang ako. Oo nga naman siguro ay narinig nito ang mga daing ko. Sa lakas ba naman ng sigaw ko eh. "He cheated on you." hindi tanong ngunit para bang isang pagsasalaysay. Mataman ko naman syang tinitigan saka bumuga ng hangin. "Yeah, he did." tipid ko namang sagot.Pigil ang mga luha sa muling pagbulusok. Hindi ko na dinugtungan pa ang isasagot kaya naman naupo na lamang ito sa tabi ko. Parehas na kaming nakatanaw sa malayo. "Get rest Chesca, mukhang hindi kapa nakakatulog eh." saka niya ako inalalayang makatayo at hinatid sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD