Chapter 19

1008 Words
Franchesca Lumipas ang mga araw. Wala na akong balita kay Kevin. Nagpatuloy lang ako sa aking buhay. Unti unti ko na ring tinatanggap na malabo nang magkaayos pa kami dahil kung gusto niya, gagawa at gagawa ito ng paraan. Oo inaamin ko, umaasa pa rin ako. Umaasang isang araw magkakaroon ako ng balita sa kanya. Pero ang paghihintay ko ay tumagal na ng tumagal. Ang mga araw ay naging linggo na. At ang linggo ay tuluyan nang naging buwan hanggang sa ilang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring Kevin ang nagpaparamdam. Ang mga buwan ng paghihintay ay tumagal pa ng taon. Hanggang sa sumapit ang huling taon ko sa kolehiyo. Kaunting panahon na lang ay makaka graduate na ako. Si Chester ay palaging nakaalalay sa aming magkakaibigan, mula sa mga projects hanggang sa pag gawa ng thesis. Nahihiya na kami sa kanya dahil talagang pinag tutuunan niya kami ng panahon kahit na nga siya ngayon ay nagta trabaho na sa isang ahensya ng gobyerno. Naging mas malapit kami ni Chester sa isa't isa. Kung minsan ay nagpapahaging ito ng pagka gusto ngunit palagi kong sagot ang hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Ginagalang naman nito ang desisyon ko ngunit alam ko na kaya naman hindi pa ako handa ay sa kadahilanang may hinihintay pa o hindi pa handa dahil mahal pa? Kung ano man ang totoong dahilan, hindi ko alam. Araw ng linggo, sinundo ako ni Chester sa bahay upang yayain ako nitong magsimba sa Baclaran. Kaarawan niya ngayon at dito niya napiling mag simba. "Thank you Chesca sa pagsama mo sa akin ah." Ngumiti itong humarap sa akin habang nagmamaneho. Habang tumatagal, lumilitaw ang angking kagwapuhan ni Chester. Mas lalong nag firm ang kanyang pangangatawan kaya nakadagdag sa angkin nitong kagwapuhan. "Oo naman, magpapasalamt na rin ako sa Diyos dahil sa wakas makaka graduate na ako, yeeeyyy." masiglang sagot ko naman dito. Nagulat ako nang hawakan niya ang isang kamay ko saka pinisil at ngumiti habang nagpatuloy sa pagmamaneho. Habang binabagtas namin ang daan, walang umiimik. Parehas nagpapakiramdaman sa bawat isa. Tinanggal din niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya minabuti ko na lang na libangin ang mga mata sa daan. Nakarating kami sa simbahan, alertong binuksan ni Chester ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako sa pagbaba. Habang papasok kami sa loob, napaigtad ako nang maramdamang dumapong muli ang kamay nito sa kamay ko. But this time, hindi niya ito binitawan. Tinignan ko siya ngunit diretso ang tingin niya sa altar. Sabay kaming umupo at nakinig ng misa. Matapos ang misa, dumiretso kami sa tulusan ng kandila. Nag alay muli ng isang panalangin hangaang sa magsalita ito. "Ano pinag pray mo?" tanong niya "Hmm, syempre i thank God kasi konti na lang makakatapos na ako. Konting panahon na lang matutulungan ko na sila Nanay at Tatay tsaka i thank God kasi he sent you to us. Sobrang big help mo kaya Thank you." I smiled to him sweetly and he does too "Ikaw? Ano prayers mo?" I ask him "Ako, Just like yours. I thank god for sending you to me. Like i couldn't ask for anything but you. Yung nandyan ka lang is like worth living for. I thank him for giving me another chance to live, a chance to be with you." malamlam itong nakatingin sa akin. Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ko, kung anong klaseng kaba ang dulot ng mga sinabi nito. Hindi ko alam kung masaya ba o takot o pagaalinlangan kaya imbis na sagutin, isang alanganing ngiti lamang ang naisukli ko sa kanya. "Nagugutom na ko, lika na?" aya ko naman dito. I try so hard para iwasang mapag usapan namin ang mga ganung bagay, luckily nagpatinaod na lamang siya sa akin. Siguro ay ramdam din niyang iniiwasan ko ito. Kumain kami sa isang kilalang restaurant dito sa Parañaque saka nagpahangin sa isa ring kilalang park dito. Masaya naman kaming nagku kwentuhan kaya pasalamat ako at nakalimutan na rin niya yung mga sinabi sa akin sa simbahan. Sumapit ang hapon, napagpasyahan na rin namin bumalik sa Bulacan dahil panigurado gagabihin na kami sa byahe. Habang binabagtas namin ang daan, nakaramdam ako bigla ng pagod at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising akong may humihimas sa pisngi ko. Pagdilat ko, seryosong nakatitig sa akin si Chester. "Pagod na pagod ka kaya hindi muna kita ginising." sabi nito habang patuloy sa paghimas sa pisngi ko. Napagmasdan ko naman ito at napansin kong mas maaliwalas ang itsura niya ngayon. "Kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko habang umaayos ng pag upo. "Mga 15 to 20 minutes ago." sagot niya Nabigla naman ako dahil ganun pala katagal na nakarating kami dito at ganun ba niya ako katagal tinititigan? Sa isipin yun, namula bigla ang pisngi ko dahilan upang mapayuko ako 'Oh my God, wala bang tulo ng laway?' Pasimole kong hinawakan ang gilid ng labi kung may namuo bang sumpa. "Wag kang mag alala, pinunasan ko na." tatawa tawa pa itong umayos din sa pagkakaupo. Naramdaman ko ang pamumula kaya naman kinuha ko ang bag sa likod upang agad makalabas ng sasakyan. "Sige na, uuwi na ako. Salamat sa pag hatid ah. Happy Birthday Chester, i hope nag enjoy ka ngayon." ngiting paalam ko namam dito. "Masaya ako ngayon Chesca, sobrang saya ko. Salamat at sinamahan mo ako sa birthday ko. Thank you Chesca." saka ito unti unting lumapit sa akin. Ang isang kamay ay nasa bandang batok ko na at unti unting nilalapit niya ang mukha ko sa mukha niya. Hanggang magdikit ang mga labi namin. Sa una ay para ba akong napaso, tila may kuryenteng gumapang sa akin. Ang simpleng halik nito ay lumalim ng lumalim. Unti unting naging malikot, mapaghanap at tila ba nakakalasing. Napapikit ako sa pag halik niya, hindi ko namalayang tinutugon ko na pala ang mga halik nito. Naramdaman kong bigla ang isang pakiramdam na safe ka, secure ka. Isang bagong pakiramdam na hindi ko naranasan kay Kevin. Maya maya ay tumigil na rin ito saka ako tinitigan. "Mahal kita Chesca."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD