Franchesca
"Chesca gising na, tatanghaliin ka na sa eskuwela" Gising sa akin ni Nanay.
"Opo Nay" kahit inaantok pa ay bumangon na ako. Nasa 4th year highschool ako ngayon, graduating students kaya naman kailangan mas maaga ka pa sa oras pagdating sa eskwela dahil sa dami ng project na pinapagawa bago kami grumaduate.
Pag gising ko, dumiretso na ako sa cr upang makaligo. Habang nagbibihis ako, narinig kong sumigaw si Nanay
"Chesca, bilisan mo, andito na si Kevin" sigaw ni nanay sa akin.
"Opo andyan na" sagot ko naman. Napakaaga naman nitong lalaki na to. Si kevin ay isa sa matalik kong kaibigan. Hindi mo nga aakalain na magkakasundo kami. Naaalala ko pa nung mga bata pa kami, palagi kami magkaaway.
"Tisay, wag ka nga lalabas, nakakasilaw ka" sabi ni Kevin sa akin.
"Malaki kasi mata mo, kwago" balik pangaasar ko naman dito
"Ano kamo? Gwapo? Crush mo ko noh? ui crush nya ako hahahaha" saka malakas na tumawa pa to. Maging ang pagsasabi nya ng crush ko sya halos ipagsigawan pa niya.
"Hoy ang kapal naman ng mukha mo, ikaw gwapo at ikaw crush ko? hindi kaya ikaw ang crush ko, che bahala ka dyan" sabay irap naman at tinalikuran na sya
"Hoy sino yun? sasapakin ko yun? turo mo kung sino crush mo gugulpihin ko" pahabol na sigaw pa nito. Imbis na sagutin ko ay inirapan ko na lang sya saka ako umalis.
Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng biglang may kumatok sa akin.
"Tisay ang bagal mo, late na tayo. Hindi ka pa kumakain ng agahan mo" Sunod sunod na katok naman ni Kevin. Nakaakyat na pala ito.
"Oo na, tapos na. Napaka mainipin mo talaga" saka ko kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto. Nakayuko sya ng buksan ko ang pinto. Nadatnan ko pa syang nakapamulsa sa tapat ng pinto ko. Nang mag angat sya ng mukha, bigla akong napahinto. Seryoso nya akong tinitigan saka nilapitan. Malapit na malapit. Bigla biglang kumabog ang dibdib ko 'Oh my God, ano gagawin nito?' nag abang ako, napakagat pa ako sa labi. Para bang slomo ang nangyari ng paglapit nya, nang bigla nyang hinablot ang mga dala kong gamit.
"Ang bagal mo, late na tayo" saka mabilis nya akong tinalikuran at dumiretso sa hagdanan.
'Kahit kelan talaga tong lalaki na to, manhid. Hmmp' piping bulong ko sa sarili.
"Nay alis na po kami" Baling ko sa aking ina ng makababa kami sa hagdan.
"Kumain ka na muna sandali" Sabi ng Nanay.
"Hindi na po . . . anong ginagawa mo? akala ko ba late na tayo?" sabay baling ko kay Kevin na nakaupo na sa hapag kainan.
"Mukhang masarap yung ginisang corned beef ni tita eh. Nakakagutom ang amoy, tara na kain muna tayo" Sabi naman nito na nakakuha na ng pinggan at nakasandok na ng kanin at ulam.
Naupo na rin ako at kumain. Nang makatapos kami, lumabas na kami ng bahay.
"Ayun, kaya pala ok lang na kumain pa sya. Dala pala ang motor nya" Sabi ko dito habang nilalagyan ako ng helmet.
Ngumiti lang ito saka kumindat. Pagkalagay sa akin ng helmet ay sumakay na ito sa motor nya. "Hop in sweetheart" sabay ngiti at kindat na naman 'Naku po Kevin wag kang ganyan, pa fall ka hmmm' sabi ng isip ko habang sumasampa ako sa likod ng motor nya. Nang. makaupo ako, hinawakan nya ang mga kamay ko "Move closer honey" saka nya ito hinila palapit sa kanya at iniyakap sa mga bewang nya.
"Kapit ka lang ah, wag kang bibitaw" ewan ko ba pero parang may hugot sa tono nya.
"Oo na, bilisan mo na" saka ko hinampas ang tyan "Honey honey ka dyan, sweetheart ka pang nalalaman pag yan may makarinig baka sabihin boyfriend pa kita" Sagot ko naman pero sa totoo lang halos gusto ko nang magtatalon sa kilig. Alam ko sa sarili kong gusto ko si Kevin. Hindi lang bestfriend ang tingin ko sa kanya, mahal ko na sya. Simula pagkabata namin, crush ko na sya. Wala ata ako ibang nakitang lalaki na gwapo na mabait pa kundi sya lang. Maliban na lang sa madalas nya akong binu bully dati pero hindi ko makitang naiinis ako sa mga pang aasar nya. Natutuwa ako dahil sa atensyong binibigay nya kahit pangaasar pa ito.
"Eh ano naman" saka nya pinaandar ang motor.
Makalipas ang ilang minuto, narating namin ang eskwelahan. Hinintay ko sya habang pina-park ang motor. Sabay kaming pumasok sa classroom namin. Mula kinder hanggang mag highschool ay magka klase kami. Ewan ko ba kung bakit, palagi nati tyempo na magkasama kami sa room. 'Destiny' ayiie kinilig ako bigla ng maisip ang salitang yun.
Magkalayo kami ng upuan, sya ay nasa kabilang dulo bandang likod at ako naman ay nasa bandang unahan. Magkaiba ang row ng lalaki at babae. Nagkanya kanya kami ng kausap sa mga kaklase naming kabarkada din nang bumulong sa akin si Jenny, isa sa kaibigan at katabi ko.
"Ui, nabalitaan ko si Kevin na daw at si Joy, totoo ba yun?" nagulat ako sa sinabi nito. Tinignan ko si Kevin na nakikipag usap sa mga katabi nito nang mapadako din ang tingin nya sa akin, matagal ko syang tinitigan saka sya sumenyas ng 'Bakit' sa akin. Umiling lang ako
"Hindi ko alam, wala naman nababanggit si Kevin sa akin eh. Ang alam ko lang patay na patay talaga yung si Joy dyan" sabi ko pero ramdam ko yung bitterness sa salitang Joy. Imbis na matuwa ako sa pangalan nya mukhang kabaliktaran pa ito.
"Sabagay, kaya lang pinagkakalat nya, sila na daw ni Kevin eh" muling saad ni Jenny
"Hayaan mo sila. wala akong pakielam sa kanila" Bitter much neng? obvious ka masyado.
"Akala ko nga kayo ni Kevin eh, kaya nagtaka ako na sila pala ni Joy" Mabait naman tong si Jenny kaya lang tsismosa lang talaga eh. lahat ata ng kwento ng bawat estudyante dito alam nya. Kung kailangan mo ng saksi sa bawat pangyayari, always present sya at talaga namang detail by detail ang istorya nya. Kaya minsan hindi ko to masyadong dinidikitan eh baka itsismis din ako kung saan.
Sa halip sagutin, itinuon ko na lang ang pansin sa mga gawain sa eskwela. Saktong pumasok na din ang teacher namin at nagsimula nang magturo.
Nang sumapit ang breaktime, pinuntahan ako ni Kevin. "Chesca, mauna ka na sa canteen ah. susunod na lang ako. save mo ako ng upuan. Pupunta lang ako sa gym, kakausapin daw ako ni coach eh" sabi nito. Kevin is one of the Varsity Player in our Basketball Team dito sa school . He also make a name in this field. Palagi syang nahihirang na MVP at nananalo ang team dahil sa kanya. Bukod dun, matalino ito. Running for Valedictorian. He is tall, have this firm and muscled body na siguradong mapa babae o bakla ay paglalawayan. Gwapo rin ito, matangos ang ilong, maamo ang mga mata. Ang mga labi ay para bang ang sarap halikan, mamula mula. Napaka neat tignan para bang ang bango bango hanggang kili kili, sarap amoy amoyin.
"Hoy, ok ka lang ba?" napabalik ako sa ulirat ng biglang tapikin ako nito sa braso. Nagiwas ako ng tingin sa kanya dahil napansin kong namula ang mga pisngi ko. Nang pagbaling ng ulo ko, saka ko napansin si Joy na palapit sa amin habang nakangiti. Sa inis ko dito, bigla kong hinawakan si Kevin sa braso at umabrisiyete sa kanya. "Sama na lang ako" sabi ko saka tinignan si Joy na malapit na sa amin. Idinikit ko pa ang sarili ko kay Kevin.
"Sigurado ka? baka nagugutom ka na" pagaalala naman nito. Mukhang hindi naman nakakahalata sa ikinikilos ko.
"Hindi pa ko gutom" sagot ko.
"Hi Kevin" Bati naman ni Joy sa kanya
"Hi Chesca" Baling naman nito sa akin. Hindi ako sumagot, tinignan ko lang sya.
"Hi Joy" Sagot naman ni Kevin
"Diba pupunta pa tayo ng gym? tara na baka di na tayo makakain mamaya. Bye Joy" saka ko naman hinila si Kevin papalayo. Hindi ko rin alam pero para bang nakaramdam ako bigla ng selos ng malaman ko kay Jenny na pinagkakalat daw ni Joy na sila ni Kevin.
Nang makarating kami sa gym, iniupo nya ako sa bench saka pinuntahan ang coach nila. Maya maya pa'y bumalik na ito saka hinawakan ang kamay ko. Magkahawak kamay kaming naglalakad patungong canteen.
Pagpasok namin sa canteen, nakita ko na naman si Joy na nakatingin din pala sa amin. Hinila ko ang kamay ni Kevin, nilingon naman nya ako saka ko sinabing, "Si Joy oh" kunot ang noo nitong baling sa akin "So" sagot nya. Saka ako napangiti. 'tsismis lang siguto talaga' sabi ko