Prologue

1017 Words
Takbo, iyak, takbo. Gusto kong lumubog sa isang pagkakamaling ginawa ko. Gusto kong lumayo, malayo sa mga taong nasaktan ko, malayo sa taong mahal na mahal ko. Gusto kong maglaho kasabay ng sakit at hirap na nararamdaman ko. Hirap na para bang wala nang katapusan. Sakit na para bang ayaw mawala sa kaibuturan ng aking pagkatao. Sakit na tila ba hindi na kaya pang gumaling. Saan nga ba ako tutungo? Saan ako magtatago? Hanggang kailan ako tatakbo? Hanggang kailan ako ganito? Sa pagtakbo ko, narating ko ang paboritong lugar ko dito sa aming lugar. Isa itong burol na pagkalawak lawak, malayo sa mga kabahayan, malayo sa katotohanan ng buhay. Dito ko napiling maglagi sa gabing ito dahil sa twing may problema ako, dito ako naglalagi, dito ko isinisigaw ang lahat ng sakit. Mula noing bata pa ako, dito na ako nagtatago kapag may hirap akong nararanasan. Maging kung kailan ako masaya, dito rin ako tumutungo. Piping saksi ang lugar na ito sa mga pagdurusa ko maging sa kasiyahan ko. "Aaaaahhhhhhhhh" sigaw ko. Walang salitang mailabas dahil sa pagod. Ang tanging gusto ko lang ay makahinga sa bigat ng nararamdaman ko. "Aaaaaahhhhhhh" ibinigay ko ang buong lakas sa isa pang sigaw na pinakawalan ko. Umaasang sa pamamagitan nito, maiibsan ang mga sakit na nararamdaman ko. Isang sigaw na tila ba kaya na niyang pawiin lahat ng pagdurusa ko sa mga panahong ito. Isang sigaw na tanging sandigan ko sa mga oras na to. Nang mapagod na akong magsisigaw, naupo ako sa isang nakausling ugat sa ilalim ng puno sa pinagtatayuan ko. Pinagsalikop ang mga braso ko sa tuhod. Iniyuko ko ang ulo dito saka umiyak. Umiyak ng umiyak. Hinayaang kong lunurin ako ng mga luhang hindi ko alam kung hanggang kailan at kung paano titigil. Sige iiyak mo pa, iiyak mo hangga't gusto mo dahil sa ngayon, ayang pagiyak lang ang kaya mong gawin. Yang pagiyak lang ang tanging sasalo sa sakit ng nararamdaman mo. Hindi ko na alam kung ilang minuto akong umiiyak ng biglang makarinig ng tinig na tumatawag sa pangalan ko. "Chescaaaaa" agad akong nag angat ng ulo. Saka marahang pinikit ang mga mata ko. Muli akong yumuko pilit itinago ang mukha sa aking mga tuhod. "Chesscaaaaa" muling tawag sa pangalan ko. Alam kong nagaalala din ito sa akin ngunit paano ko ito haharapin? Kung siya ang dahilan ng mga paghihirap ko ngayon? "Chescaaa please let's talk" muling pagtawag niya sa akin. Nanatili lang akong tahimik at muling yumukyok sa aking mga tuhod. Wala akong planong kausapin sya kaya ako lumayo. Hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan ang usapan dahil alam ko hindi ko pa ito kayang harapin. Nang biglang may humawak sa mga balikat ko. Nag angat ako ng tingin, nasilayan ko ang anino nyang nakaharap sa akin. Sa likod niya ang liwanag na nagmumula sa buwan. "Chesca please, mag usap tayo" malumanay na tawag nito sa akin. pumantay rin sya sa akin saka ako mahigpit na niyakap. Mga yakap na gusto kong tugunin ngunit nanatili lang akong nakayakap sa aking mga tuhod. "Iwan mo muna ako Kevin. Gusto kong mapag isa" sabi ko kay Kevin. Wala pa akong lakas na harapin sya. Hindi ko pa kaya. "Chesca, harapin natin to. Andito ako, dalawa tayong haharap sa mga problema. Hindi kita iiwan" Pilit niyang tinanggal ang mga braso kong nakayakap sa aking mga tuhod. Nang matagumpay niya itong matanggal ay inilayo ko naman ang mukha at lumingon sa malayo. Pilit niyang hinarap ang mukha ko sa kanya saka hinawakan sa baba at hinaplos haplos ang magkabila kong pisngi. Unti unti niya ring tinuyo ang mga luhang ayaw tumigil sa pagdaloy. "Oo Kevin, alam ko. Pero paano? anong gagawin natin?" litong lito na ako, ayokong mag desisyon muli baka sa pangalawang pagkakataon, mas matinding pang pag sisisi ang maranasan ko. "Lumayo tayo, magtanan tayo, iwan natin sila. Handa akong harapin lahat ng pagsubok ng mundo basta kasama ka". ramdam ko ang katotohanan sa mga sinasabi ni Kevin. At alam kong kaya niya itong gawin dahil sa ilang taong pinagsamahan namin ni Kevin, naging sandigan ko sya. Alam kong totoo ang mga sinasabi nya. Alam ko ding totoo ang nararamdaman nya sa akin at gayundin naman ako sa kanya. Simula pa lang pagkabata, siya na ang palaging nagtatanggol sa akin. Ni minsan ay hindi niya ako iniwan at sinisigurado niyang hindi ako mapapahamak. Pero paano ba kami sasaya? Paano ba itatama ang isang relasyong sa umpisa pa lang ay mali na? Tinignan ko sya ng matagal. Hinawakan ko ang mga kamay nyang nasa mga pisngi ko, tinanggal ko ang mga kamay niya sa pisngi ko at ibinaba. "Sana nga ganun lang kadali. Sana nga pwede yung ganun Kevin." malungkot kong sagot dito. Tinignan ko siya ng malalim at muling iniwas ang paningin. "Sabihin mo lang na ayaw mo akong mawala. Sabihin mo lang na mahal mo ako. Haharapin ko lahat ng hirap at pagsubok, makasama ka lang muli." hinawakan ako ni Kevin sa kamay ko ng mahigpit saka ako nito niyakap ng mahigpit. Sa una ay hindi ko ito tinutugon ngunit nararamdaman kong yumuyugyog ang mga balikat nito, tanda na umiiyak ito. "Mahal kita Chesca, mahal na mahal kita." gusto kong sagutin ang mga salitang narinig ko ngunit pigil pa rin ang mga bibig ko. Nagtatalo ang puso at isip ko sa mga oras na to. Sa huli hindi ko na kinaya ang laban ng isip ko. Tinugon ko ang yakap nito, mahigpit, mahigpit na mahigpit ko itong niyakap na tila ba yakap na hindi ko na mararanasan pang muli. Yakap na tila ba ito na ang huli. "Kevin, I'm sorry, I'm sorry Kevin." mga salita habang niyayakap ko si Kevin. "Ano ang gagawin natin Kevin, paano amg gagawin natin." sambit ko habang natuloy tuloy ang pagiyak ko. "Shh I'm here love, I'm here. We can make it. We can do it." kumalas ako sa pagkakayakap nito, tinitigan ko ito sa kanyang mga mata. Tila ba tinitimbang ang sarili kung itutuloy ko ba ang gustong sabihin o hindi. Ngunit sa huli, pinili ko ang maging totoo. Pinili kong sundin ang puso. "Kevin, buntis ako"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD